I Dare You in 1-minute to Win it! ( Deal or No Deal!)

42 2 0
                                    

"Huhh! Ano daw?!!

Naguguluhang nagpalipat-lipat ng tingin si KC sa lalaking nagsasalita at sa mga taong nakapaligid sa kanya. Saka lang niya napansin na nasa tapat siya ng isang booth na parang game show ang tema dahil sa ilang props na nakapaligid dito. At napansin rin niya nasa gitna siya ng mga ito at wait— nasa mismong gitna rin siya ng isang drawing na bilog?

Weird.

So ms. KC alam namin na naguguluhan ka na so ipapaliwanag namin. Bawat taong mapapaapak  dyan sa bilog ay magiging possible na contestant sa aming booth. Since possible lang naman pwede kang mag -deal o pwedeng hindi. Kapag hindi mo tinanggap yung challenge namin wala kang choice kundi magbayad ng 500 pesos"

Ang mahal naman! Tsk. Wait mayaman nga pala ako!

Pero kung tatanggapin mo naman yung challenge saka namin ieexplain yung mechanics! Dont worry mag-eenjoy ka naman at may prizes pa! So what do you say, princess?

Hmm, hindi na masama! Btw kakaiba yung booth nila parang adventure!

Samantalang cliche na yung samin! Marriage booth! I wonder kung makakasal kami dun ni Will!

Teka saan kaya yung mokong na yun?

So ms. KC, Deal ka ba or No Deal?

Magbayad na lang kaya ako? Hmm, tama! Sabihin mo busy ka sa pagkain ng mexican mole!

"Actually sobrang busy ko kasi ngay—." Hindi niya natapos ang sasabihin dahil may dumating na isang lalaki. Humahangos itong lumapit sa lalaking may hawak ng mikropono. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ito.

"Sorry guys nagdeliver pa kasi ako. So ano na—." Sabi ng kadarating lang na lalaki at napatingin sa kinatatayuan niya. Nagulat ito nang magtama ang paningin nila.

So ms. KC what are you saying is—

"On the second thought, hindi pala ako busy. Mamaya ko na lang kakainin yung mga donuts ko. So, its a deal!." Malakas na sabi niya habang nakatingin pa rin sa lalaki na nagiwas naman ng tingin sakanya. Tinaas pa niya ang kamay na may hawak na donut. Nagpalakpakan naman ang ilang nakikitsismis na naroon.

Lets give KC around of applause dahil tinanggap niya ang challenge!

Please move forward sa podium natin sa tapat mo.

Ayan, okay, lets start ' I dare you in 1-minute to Win It! (Deal or No Deal!) Challenge!

"Okay, Im ready!."

We will give you 3 categories for this challenge that you have to answer or to accomplish within one minute.

"Okay."

Kapag nagawa or nakumpleto mo, panalo ka na!

"Ano'ng prize kapag nanalo ako?."

Oh confident, i like it! Hmm kapag nanalo ka meron kaming mga prizes dito. Pwede kang mamili pero isa lang. Una, tangible prize, gaya nga ng sabi ko mamimili ka lang dito sa mga bagay na narito as your prize. Stuff toys, donuts what-so-ever! Basta isa lang.

"Hmm, not bad, so yung pangalawa?."

The second prize is an intangible one. The wish. Pwede kang mamili na isa sa amin para gawin yung wish mo. Anything basta okay on both parties! Like pwede mo i-wish na isa samin maging driver mo o ipagluto ka—ganun!

"Very nice! Haha. Game."

Okay pumili ka ng category mula sa box na andyan sa harapan mo.

Exciting ito! Yari ka sakin! Janitor pala ha?

Kinuha niya ang box at bumunot ng papel mula rito. Inabot niya iyon sa lalaking(?) nagdala kanina ng box. Napansin din niyang marami na silang naattract na audience na hindi niya alam kung interesado manood o maglaro. Puro mga babae kasi ang mga ito. At halos mga cute na lalaki ang organizer ng booth. Well may isang alanganin at may ilang babae din naman.

Okay, sa tatlong category, salita ang nabunot mo. Explain ko lang na ang tatlong category ay una, sa isip— isa itong mind challenge. Susubukan ang talino mo. Pangalawa sa salita, susubukin naman nito ang galing mo sa hula at ang huli sa gawa. More on physical challenge ito. Understand?

"Ah, okay, got it!."

Since salita ang nabunot mo, susubukin natin ang galing mo sa hula! Ready?!

"Ready."

Boys forward!

Kahit kinakabahan ay excited siya. Siguro makikilala na niya yung masungit na lalaki. Paano may lumapit  na apat na lalaki kasama ito at huminto malapit sa tapat niya. Napangiti siya ng malapad habang nakatingin dito. Kahit na hindi siya nito tinitingnan.

So this is the deal! Sa apat na lalaking yan manggagaling ang isasagot mo. So ang gagawin mo lang ay itatali sa kamay ang panyo sa harapan mo sa sino mang pipiliin mo, okay?

"Okay."

Right! Eto ang tanong, sino sa apat na lalaking nasa harap mo ang hindi fan ng color red. Hindi fan as in galit sa kulay pula! So meron kang one minute para hulaan kung sino sakanila iyon! Ready one minute start, now!

Natawa siya ng malakas. Coincidence nga naman dahil medyo may idea siya kung sino iyon. Sana tama siya.

Oh mukhang confident si KC ah. Hmm, 10 seconds passed...

Naghiyawan naman ang mga nanonood at kanya-kanya ito ng hula. Lumapit at tumapat siya sa masungit na lalaki na kung saan-saan nakatingin pero hindi sakanya.

"So janitor huh?." Aniya dito. Saka lang ito tumingin sakanya.

"So ano naman?."

"Gusto ko lang naman malaman name mo tapos pa-chicks ka pa diyan. Hmp, suplado.'

"Kung ayaw ko wala kang magagawa. Psshh, matalo ka sana."

Oh, pumili ka na ms. KC. 'Cause we only have eleven seconds, 10,9,8...

"So, ikaw pipiliin ko e. Akina yang kamay mo."

"Ayoko, iba na lang!."

"Hindi pwede, ikaw yung sagot ko e. Teka wag kang malikot!."

5,4,3...

"Uy! Ang likot eh!."

"Banas to e. Ayun o may tatlo pa!."

1..! Times up! So si Quintin ang napili mo!

"Quintin pala ha? Nice name!."

"Pshh. Whatever!."

And your final answer is....

"So tama ba ako?."

"Malay ko."

Correct! Yes, fact— si Quintin ay takot sa kulay pula! Wow, may winner agad tayo!

"Haha. Tama pala hula ko. So paano ba yan?."

"Shit, Gregg! Sabi ko na't hindi magandang ideya isali ako dito. Tsk."

Ms. KC come here to claim your prize! Ano nga ba? Pumili ka na.

Lumapit siya sa nagsasalita. Nakasunod din si Quintin sa kanya. Kinuha niya ang mic sa lalaki bago nagsalita.

"Actually bet ko yung wish. At may napili na akong tutupad nun." Tumingin siya ng nakakaloko kay Quintin na pinandilatan siya. Mukhang alam na nito ang pipiliin niya.

"Hindi?! 'Wag!."

"Siya!" turo niya kay Quintin na napa-facepalm.

Ooh? Nice choice! Ms. KC, ikaw ng bahala kay Q!  Goodluck!

Another Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon