chapter 53^_^

137 0 3
                                    

After the wedding ceremony,...

iniwasan na ako ni Kim, alam kong malaki ang galit nya sa akin, dahil sa mga nagawa ko..  Pero naniniwala ako na deserving ako para sa 2nd chance.. di ba???

At the wedding reception..

Nakakatuwa, after a very long time, nakasabay kong muli si Kim kumain,, date na toh' date.. > feeler ako much..  hanu ba yan, nakakabakla talaga si Kim.  Di sya nagsasalita, concentrate sya masyado sa pagkain.. o baka naman ayaw lang talaga nya akong kausapin..

Maya maya pa, nagtawag na yung emcee..  for the flower and garter portion daw. 

syempre una ang girls, flower thingy muna daw.. 

Nititigan ko si Kim, ang ganda ganda talaga nya, ang swerte swerte ko at sya ang girl ko.  Ahemm.. magiging girl ko ulit.. >Confident much si ako????? di din.. pero gagawa ako ng paraan para mapatunayan ko na para sa akin lang sya, at nakalaan kami para sa isa't isa. 

Teka,, bakit namumutla ata si Kim,,?? takot ba sya sa bulaklak?? >>favorite kaya nya ang bulaklak..>> eh baka ayaw lang nyang saluhin ang bouquet...

Ayan na.. nihagis na ni April ang bouquet... tantararan... si Kim ang nakasalo..?????

Garter mode...

Si Kim ang nakasalo?? so kelangan ako yung sumalo ng garter..  Nababaduyan ako sa mga ganitong portion.. pero para kay Kim ako talaga ang sasalo nun..!!!

It's my turn....  <my turn talaga... I will make sure na ako yung makakasalo nito...  Capital A-k-o.. ako lang... 

Buti na lang piniringan si Kim, at least di sya makakapag walk out pag sinalo ko na ang garter..

Tamang kindatan pa kami nitong si Cedrick...

Ayan na., ihahagis na ni Hiroshi... Aha!! pwesto na ako..

>.....tantararan!!! "Winner!!!

Yes!! buti sa akin tumapat, di man lang ako pinagpawisan dun ah.. astig talaga tong garter na ito.. marunong makisama.. >>Big smile... Moment na namin toh ni Kim...

Pinaluhod ako sa harap ni Kim, habang nakaupo sya at sinisimulan ng tanggaling ang blind fold.. nakatitig lang ako sa kanya.  Wala akong magawa kung hindi ang titigan siya.  Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit na mahigpit.  Pero syempre di ko kayang gawin yun ngayon..

Habang nakatitig ako kay Kim, nagbalik lahat ng masasayang panahon na magkasama kami noon.  Halos bumibigat ang dibdib ko at ang puso ko hindi ko maintindihan sa sobrang bilis ng tibok..  PArang gusto kong tumalon.. Gusto kong patigilin ang oras,. Gusto ko na syang makasama ulit.. Miss ko na sya.. miss na miss..

"I miss you"

Ayyy.. sira!! I miss you agad ang nasabi ko?? pasaway na bibig naman ito.. di ko na napigilan eh.. miss ko talaga sya.. 

"Mr. Romnick Dee pwede mo nang isuot sa kanya  ang garter"

Ayyy.. ang awkard talaga,, buti na lang, umepal ang emcee na ito.. Kung hindi baka natunaw na ako sa titig ni Kim, na halos natulala o nainis ata nung sinabi kong "I miss her...

Teka, paano ba isuot tong garter?? aning lang,., first time ko ito eh.. ang baduy naman oh...

Isusuot ko na sya sa paa ni Kim... hanggang saan...?? ay.. timang lang...

"Higher,, higher"

Higher, higher pa sila?? ano ito,, showtime?? ayaw ko nga,, hanggang tuhod lang,, ako lang ang may karapatang makakita ng makinis na legs ni Kim.. >>baliw naman oh... aning na talaga ako..

"Higher, higher"

Mga loko talaga? kelangan talagang ulit ulitin??.. ayaw ko nga.. dito na lang sa tuhod ni Kim.  Iginagalang ko sya.. ok??

Anla, di ko na napigilan ang sarili ko.  Nakatitig lang ako kay Kim ngayon,, hanggang sa di ko na naririnig ang mga sigawan ng mga tao..  PArang kami lang dalwa ang tao ngayon...  Gusto ko ng kausapin si Kim..  Gusto kong humingi ng 2nd chance.

"Kim"

Poootttteeeekk.. bakit nakatingin lang sya sa akin.. bakit di sya nag rereact??

"Kim, kausapin mo naman ako!"

Wala pa din?? wala pa rin syang reaction??? sampalin mo ako, ok lang,, kahit pa bugbugin mo ako. keri ko... pansinin mo lang ako...

"Ok na yan.  Now, kelangang pumunta kayo dito fresh couple. April and Hiroshi,  then dito naman kayo Miss Kim and Rd"  nagsalita si Emcee  panira ng moment naman oh..

Nakaharap ako kay Kim ngayon,, pero ilang na ilang pa rin sya sa akin...

"Ok, konting lapit naman,, for picture taking lang"  sabi na naman ni Emcee..

yung camera man, naka stand by sya.  TApos may binubulong kay Emcee.. ano naman kaya yun??

"Ok,  katuwaan lang naman ito, pwede bang nose to nose kayo?"

"nose to nose.. nose to nose.. nose to nose."

Nose to nose???? Pwede bang lips to lips?? ayyy.. sira na talaga ako..  Inilapit ko ang mukha ko kay Kim..  Pero biglang may luha!!!  May luhang pumatak mula sa mga mata nya..  pooottteeekk.. Umiiyak sya...

Bigla syang tumakbo... umiiyak na naman siya..  Sinundan ko sya, pero kaagad syang pumasok sa car. 

"Kim!!"

Pilit kong kinakatok ang car,, pero.. wala ayaw nya akong harapin. ayaw nya akong kausapin...

"Kim, kausapin mo naman ako!!!"

Katok pa din ako ng katok.. pero.. walang nangyari.. Biglang dumating si Cedrick.. Sinabi nya na ihahatid na daw muna nya si Kim sa bahay,. at sa ibang araw na lang kami mag usap.

Naiwan ako dun.  Bakit ba ang hina hina ko!?? bakit di ko masabi sa kanya ang lahat..  Bakit di ko masabing mahal na mahal ko sya.. bakit di ko mabigkas ang salitang sorry!!!

Time after time......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon