His POV

8 0 0
                                    

Zachary is my name but okay nang Zak nalang.

21 years old na 'ko. And I am inlove, secretly inlove.

May nakababata akong kapatid na babae. Siya si Zachia, pwede niyong tawaging Chia at 19 year old na siya.

Sabay kaming lumaki ni Chia at halos buong buhay namin, kami ang laging magkasama. Sa ibang bansa kasi ang trabaho ng parents namin kaya kami lang dalawa dito sa Pilipinas. Nung bata pa kami, syempre may kasama kaming yaya pero simula nung naghighschool siya, wala na.

Nga pala, si Chia yung tinutukoy ko. Sa kanya ako inlove. Oo, alam kong imposible na magkagusto sa kapatid pero di niyo ko masisisi. Siya kasi yung tipo ng tao na laging naandiyan sa tabi mo at hinding hindi ka iiwan kahit ano pa ang mangyari. Napakamaalalahanin niya, mabait at sweet, yun nga lang, ang dali niyang maasar. Masipag din siya, masipag tumamad. Haha. Joke lang, masipag yun, pati nga mga gawain sa university nila inuuwi dito sa bahay.

Ang palaban rin niyang babae. Haha. Natatawa nalang ako tuwing naaalala ko kung paano niya inaway yung mga kaklase ko na nambubully sakin nung elementary. Hahahaha. Imagine, grade 4 student na babae, inaway ang mga grade 6 na lalaki dahil pinaiyak ako. Pinaandar niya lang ang machine gun sa kanyang bibig at pinagbantaan yung mga classmates ko. Hahaha. Hindi na ako nabully pagkatapos nun. Bakit kasi ang lambot lambot ko nung elementary days ko? Hahahaha.

Hmmm! Yan yung ilan sa mga katangian niya. Hindi ko alam kung bakit ako nainlove sakanya. Ewan. Hindi naman kelangan ng rason kung bakit mo minamahal ang isang tao diba?

---

"Kuya! Gising na. Gising na. Sisimba pa tayo. Gising na. KUYAAA!!!" Ha? Ang aga namang manggising ni Chia.

"Five minutes." Syempre gising na ko. Nang-aasar lang. Ang cute niya kasi pagnaasar.

"KUYYAAAAAAAAAAAAA!!!!"

"Opo Ma'am, babangon na po. Goodmorning Chia "

"Hmmp!" Ayan. Galit na nga.

Kaya dali dali na kong nag ayos para sumimba. Ayaw pa naman nun ng nahuhuli.

---

(After the Mass nasa bahay na ulit kami)

"Oy Chia, galit ka parin? Nagpeace be with you na tayo ahh."

"Hindi na Kuya. Hahaha. Alam ko namang hindi mo ko matitiis kaya anong date ngayon?" Ha? Di ba dapat alam ko namang di niya ko matitiis (Alam mo namang di kita matitiis) yun.

"January 10. Bakit?"

"Wala lang. Wala bang okasyon ngayon?" Hindi naman pasko ngayon. Hindi rin fiesta. Uwi nila mama? Hindi din, kauuwi lang nila last December. Hindi ko rin naman birthday. Ah.

"Wala naman Chia." Ayan na yung tingin niyang nakakatakot.

"Joke lang. Hahaha. Syempre. Makakalimutan ko ba naman ang espesyal na araw para sa panget kong kapatid? Syempre oo! Haha. Hindi naman syempre. Happy Birthday Mahal na Prinsesang Zachia! Anong gusto mong gift ng kuya mong napakapogi?"

"Kuyang napakapogi? Eww kuya. Stop joking. Hahaha. And gift? Hmm. Next time nalang siguro. Pagluto mo nalang ako ng spaghetti at shanghai. Sarapan mo kuya ah."

"Next time ang gift? First time yan ah. Spag at shanghai lang? Wala nang iba?"

"Syempre yung paborito ko ring ice cream. And one more thing Kuya. Pahiram ako ng laptop mo. Please *insert puppy eyes* Sira kasi yung lappy ko. Baka magskype kami nila mama at gagawa rin ako ng paperworks. Please Kuya, please."

"Oo. Hala sige. Dun kana muna sa kwarto ko at magluluto na ako. Behave ha."

"Para namang ang bata bata ko pa. *pout* "

---

"Kuyaaaaaaaaaaaa!" Hala! Napapaano si Chia? Makasigaw wagas.

"Oh! Bakit? Anong nangyari sayo?" Nagtataka ako kasi naiyak siya nung akyat ko sa kwarto ko at hindi maalis ang tingin sa laptop ko.

"Kuya what is the meaning of this?!" Sh*t. Nabasa niya yung chat namin ng tropa ko, ng bestfriend ko at about yun sa feelings ko para kay Chia. Tang*na mo talaga Zak. Hindi ka nag-iisip.

"Errr---"

"Kuya! Kuya naman! Bakit sakin pa? Maraming babae diyan na may gusto sayo. Bakit sakin pa na kapatid mo? Kuyaaaaaa sabihin mong hindi totoo ang nga nabasa ko. Kuya!" Naghihysterical na siya. Sh*teng buhay. Iyak na siya ng iyak, pinaghahampas na niya ako. Nasasaktan siya ng dahil sa'kin. Tanggap ko naman yung sakit ng paghampas niya sakin pero yung sakit na idinulot ko sa kanya, yun ang hindi ko tanggap.

Hindi Chia, hindi totoo ang nabasa mo.

"Totoo Chia lahat ng nabasa mo." Lint*s. Kusang nagsalita ang bibig ko.

"Bakit kuya? Bakit sakin pa?"

"Hindi naman masama diba? Hindi naman talaga tayo magkapatid. Ampon lang ako ng pamilya mo." Anong bang pinag-iimik mo Zak? May sarili ng isip ang bibig ko. Tang*ina.

" *Pak* Hindi masama kuya? Hindi masama? Hindi?! Kung sayo hindi, sakin masama. Trinato kita bilang totoong kuya tapos may gusto ka pala sakin. Nakakatang*na naman kuya."

"Sorry Chia! Hindi ko sinasadya na magkagusto sayo."

"Hindi sinasadya? Dapat nung una palang sinabi mo na nang makalayo na agad ako sa'yo." Ano daw? Dapat sinabi ko agad nang makalayo siya sakin? Lalayo siya sakin?

"Anong lalayo Chia? Hindi kita maintindihan."

"May offer sakin ang University na maging exchange student sa Japan. Hindi ko lang kinoconfirm kasi nag-aalala ako sayo. Nag-aalala na wala kang kasama dito. Kaso binigyan mo ko ng rason para pumayag na maging exchange student para makalimutan mo ako, makalimutan yung feelings mo para sakin. Don't worry kuya. Alam na nila mama ang tungkol dun. Naayos ko na rin yung mga papeles na kailangan kasi sayang din yung oppurtunity. At once na pumayag ako ngayon, bukas na ang alis ko." Mahinahon na siya. Kaso di ko parin maintindihan. Exchange student? Japan?

"Huwag Chia. Huwag please. Parang awa mo na."

"Sorry kuya. Sana tanggapin mo ang desisyon ko. Sana sa pagbalik ko, wala na yang pagmamahal mo sakin ng higit pa sa pagiging kapatid. Sana mahanap mo ang babaeng para sayo." Tumakbo na siya sa kwarto niya na siya namang pagtulo ng luha ko.

Masakit pala. Sobrang sakit. Nang dahil sa pagmamahal ko sa kanya, kailangan niyang lumayo. Lumayo para mawala tong feelings ko para sa kanya. Hindi kita bibiguin Chia. Mahahanap ko rin ang para sakin.

---End---

Hello. Another one shot story. Sana magustuhan niyo. Pahinging opinyon niyo. Feel free to comment. Spread the love. - Smilee12700

PS. Baka gawan ko ng POV si Chia.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KUYAZONE~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon