1

64 4 0
                                    

LIANNE ADENTRES' POV

"Dali na kasi~. Aminin mo na, na gusto mo siya~" -Kath

"Oo nga, sige na~. hindi naman mahirap na aminin yung feelings mo ah. Sasabihin mo lang 'Jake, gusto kita'. Ang dali dali lang nun oh!" -Nica

"madali lang pala. Eh bat di na lang kayo gumawa?" -ako

"gusto mo kami na lang?" -Faye

Napaisip ako.

Pwede~.

"osige. Tara, tayo na lang magsabi" -Nica

"hindi~!. Joke lang!. tong mga to!" sigaw ko atsaka nagpatuloy sa pagtunganga sa classroom namin.

Magkakatabi kaming nakaupo. Si Nica, Faye, Kath at Brenna. May kaibigan po akong Brenna, di lang ho talaga siya nakikisali pagdating sa pamimilit sakin na aminin ang feelings ko para kay Jake.

"Jake!" biglang sigaw ni Kath.

"bakit?" tugon ni Jake.

"totoo bang lilipat ka na ng school?" sambit ni Kath.

Oo, lilipat na siya ng school, iiwan na niya ko~!.

TT_________________TT

Tumango-tango lang si Jake at nagpatuloy sa paglalaro ng lecheng coc na yan.

Oo na!. alam ko na kung anong nilalaro niya, kanina ko pa siya tinititigan eh.

KRIIIIIIIIIIIIIINGGG!

"Uwian na~!" sigaw ko atsaka lumabas ng classroom.

"Anne" tawag sakin ni Nica.

"bakit?" inis kong sambit.

"tignan mo. Anong nakikita mo?" tugon niya atsaka tinuro si Jake na nasa loob ng classroom.

"si Jake nagwawalis mag-isa, cleaners siya eh... ano namang meron dun?" sambit ko.

"kausapin mo na!" tugon ni Nica.

"huling araw na to ng schoolyear. Di mo na siya makikita, sige ka" -Kath

"ano naman kung di hindi ko na siya makikita?" sambit ko.

"hindi ka masasaktan?" -Faye

"eh kasi naman eh!" inis kong sambit.

"bat ba kasi ayaw mong sabihin na gusto mo siya?" usisa ni Nica

"kasi natatakot ako. Natatakot ako kung anong magiging reaksyon niya. Basta mahirap" paliwanag ko.

"dali dali lang nun eh. Jake, gusto kita', yun lang." sambit ni Kath.

"Sa inyo, madali. Dahil hindi kayo yung nagmamahal, hindi kayo yung nasasaktan. " seryoso kong sambit atsaka umalis.

"Anne~ sorry na kasi~" rinig kong sigaw ni Nica habang hinahabol ako.

"Hoy~ sorry na nga daw oh~" sambit ni Kath.

Napatigil ako sa paglalakad nang makaabot na kami sa gate ng school.

Hinarap ko sila at nagsimulang magsalita.

"bakit ba kasi kailangan niyo pang ipilit saakin na gawin yun?"

"gusto ka lang naming tulungan. Pag nasabi mo na sa kanya na gusto mo siya, magiging madali na para sayo ang itanong kung may gusto din ba siya sayo" paliwanag ni Kath.

"Atleast, kapag nalaman mo kung may gusto ba siya sayo o wala, hindi ka na magiisip o manghuhula diyan" sambit ni Nica.

"pano ko sasabihin yun?" tanong ko.

Her Story [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon