The letter

92 1 0
                                    

 A/n :Forevermore by side A music video on the side if gusto niyo ng background music while you read.----> :)

     A letter from the guy..

                        Samantha,  alam ko galit ka pero bago mo itapon ang  sulat na ito, sana basahin mo.

                Exactly two years ago, when I was in pain, I met a wonderful woman. Ikaw. I still remembered, I was writing a letter for my ex which I truly love that time in the library. Magkakabata kami and we were best of friends and eventually naging girlfriend ko siya but then she left unexpectedly. Dun sa sulat na yun binuhos ko lahat ng nararamdaman ko. Inipit ko ito sa libro. That was March.

June. Grounded ang kapatid ko.  As a result, ninakaw at binenta niya ang libro ko sayo. Yung libro kung saan nakaipit yung sulat....

 Ilang araw na nakalipas, biglang nagtanong ang kapatid ko sa akin kung sa akin ba daw yung sulat na nakaipit sa libro. Desperada ka na daw makilala yung nagsulat nun. Di mo daw kasi inakala na may lalaki pang ganoon sa mundo. You are a product of a broken family dahil iniwan kayo ng dad mo-kwento ng kapatid ko. Nagtaka ako pero syempre binatukan ko muna ang ulol kong kapatid sa pakikialam niya sa gamit ko.Pero hanggang ngayon nagpapasalamat pa rin ako sa  kapatid kong may topak  dahil kung di dahil sa kanya di kita makikilala.

I never told him it was mine. Ang korny kaya ng laman nun siguradong pagtatawanan ako ng ulol na yun . I told him na sa barkada ko lang yun na humiram ng libro ko . Yung barkada kong lumipad na sa US.  Pero gago talaga yung kapatid kong yun dahil sinabi niya sayo na sa akin yun.

Simula noon naging admirer na kita. Palagi mo akong kinakausap kahit di kita gustong makausap. Palagi mo ako dinadalhan ng niluto mong pagkain kahit alam nating dalawa na barkada ko lang naman ang mga kumakain nun. Ikaw ang tagagawa ng assignment ko, project ko at mga reports ko. Di ko man gusto pero iniinsist mo. Siguro nangangarap ka nuon na mabibigay ko sayo lahat ng pagmamahal ko sa ex ko katulad ng nandoon sa sulat.

Isang araw, nag-joke ako  sayo na baka ligawan kita pero para sayo totoo na pala yun. Ayun napasubo tuloy ako sayo . Naging tayo kahit di kita gusto. Naging panakip-butas ka ng ex ko.

Okay ka namang girlfriend. Di ka demanding dahil ako lagi ang nasusunod sa relasyon natin. Takot ka sigurong mawala ako kaya ganun.  Pinapakabagayan mo lahat ng kaibigan ko. Friendly ka naman at sa panahong yun, kaibigan lang talaga ang tingin ko sa’yo.

Lagi mo akong sinasabihan  ng “i love you” at “i miss you” pero ni minsan di yun lumabas sa bibig ko. Sabi nga ng mga barkada ko ang swerte ko daw sayo. Di selosa, di demanding, at laging nag-uunawa  sa isang ulol na tulad ko.

Ganoon ang set-up natin  for six months pero nagbago nang makita ko ang ex ko sa tapat ng pinto ng bahay namin. The one whom the letter you’ve read was for. Inexplain niya na kaya siya nawala ay dahil nagpagamot siya. She thought she was about to die with cancer kaya iniwan niya ako . She said it was really really hard for her. But then, she was cured. Nagbalik siya upang ipagpatuloy namin ang relasyon namin.

I was confused. I love her pero ayaw kong masaktan ka. Siya ang first love ko pero ang bait bait mo sa akin kaya guilty ako kung iiwan kita. I don’t want to hurt either  of you.  Naging two timer ako.

Two timer  pero mas napraprioritize ko siya kesa sayo. Di na kita hinahatid sa bahay mo tuwing uwian. Di na rin ako nagrereply sayo. Di ko din madalas sinasagot ang tawag mo. Whenever you asked me, lagi kong sinasabi sayo na busy ako sa thesis ko kaya ganoon.Tapos,wala ka rin namang tanong pa, nag-offer ka pa nga ng tulong .  You said you understand and you care. Pero di ko inisip ang nararamdaman mo. Ni di ka nga nagduda . You said you trust me. But I wasted that trust.  Guilty ako sa tiwalang binibigay mo sa akin pero ulol nga ako at pinagpatuloy ko pa rin.

Everyday "I'm Sorry"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon