Kabanata V

236 10 1
                                    


5


Matapos ng mga ilang shots ay nagpahinga na kami. Grabe nakakapagod din pala kahit naka-steady at magpopose ka lang. Nakakangalay lalo na sa panga. Feeling ko habang buhay na ako nakangiti. Joke lang.



"Ms. Eunice. Pagkatapos magbreak ay pwede ka nang magbihis at umuwi. Good job ha." Sabi ni Ate Jam. 



"Eunice nalang ate Jam. Sige po. Salamat din po." Sabi ko at inubos na agad ang pagkain ko.



Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako ng Building. Biglang nagtext saakin si Christian.



From: Mr. Manloloko ('Di ko parin pinapalitan pangalan niya. HAHAHA!)


Pst. Yung kaklase mo dito, yung Rafael ata. Lunod na sa alak. Nandito sa Bar. Malapit saatin.



Huh?! Lunod sa Alak? Problema nun? Saka ba't niya sinasabi saakin 'to? Kaano ano ko ba yan.



To: Mr. Manloloko


So? Ano ngayon? Pake ko diyan? Nandito na ako sa kwarto ko natutulog. Istorbo ka.



Kahit ang totoo nandito lang ako sa may bus stop. HAHAHA.



From: Mr. Manloloko


Eh anong gagawin ko dito? Niyaya kong umuwi pero ayaw niya. Gusto niya ikaw daw mag-uwi sa kanya. Tinanong ko kung anong number ng bestfriend niya ayaw niya sabihin gusto daw niya ikaw. Kaya kung ako sa'yo pumunta ka na dito dahil mababaliw na ako. Tss.



Hindi na ako nagreply pagkatapos nun. Aaminin ko nahuhulog na ako sa kanya ng paunti-unti. Walang isip isip ay agad na akong pumunta roon dahil napakalapit lang naman nito dito. Mabuti nalamang ay busy ang mga Bouncer sa labas kaya tyempong nakapasok ako.



Agad ko namang naabutan si Chris na inaalalayan si Rafael na umupo pero nagpupumiglas si Rafael kaya agad na akong lumapit.



"Sige ako nang bahala. Salamat." Ako na ang umalalay kay Rafael. 



"Don't thank me. Pasalamat ka mahal ka niyan. Aalis na ako." Huh? Ano daw? Mahal?



"Umm... Eunice..*hik* i-ikaw bayan?" Namumungay na ang mga mata ni Rafael pero nagulat ako nang bigla nalang akong halikan nito nang madiin. Nanatiling nalalaki ang mata ko kahit na siya na ang kusang lumayo saakin. No. No. This can't be. Meron pa akong pwedeng patunayan. Baka plano niya lang ito.

The Ordinary Nerd #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon