Chapter 25 - On Trial

35.9K 602 21
                                    

First of all, I want to apologize for the super late update. Sunod-sunod kasi ang hell week. Para makabawi, double update tayo today... Yehey!

Dedicated to Crazykulit23. Here's your dedication request. Thank you for supporting this story! :)

Salamat po sa paghihintay. Enjoy!

=====================================

CHAPTER 25

 “Kamusta na jan?” tanong ni Gino kay Mikay mula sa kabilang linya.

Kausap niya ito ngayon sa telepono. Balak na niyang sabihin sa papa at kuya niya ang tungkol sa kanilang dalawa. Kaya naman atras-abante siya kanina pa. Ito namang si Gino, minu-minuto tumatawag para kamustahin ang lagay niya.

“Hindi ko pa rin sila kinakausap. Naghahanap pa ako ng tamang timing,” sagot ni Mikay.

“Sigurado ka bang handa ka nang gawin ‘to? Pwede naman nating ipagpaliban muna ang pagsabi sa kanila. Hindi naman ako nagmamadali,” muli ay sabi nito sa kanya.

Hindi na mabilang ni Mikay sa dalawang kamay kung ilang beses siyang sinubukang kumbinsihin ni Gino na ‘wag na munang magtapat sa papa niya. Ilang beses na rin siyang tumanggi.

“Mangyayari rin naman ‘to, sooner or later. Why prolong the inevitable?”

“Kungsabagay, tama ka naman. Pero, hindi mo ba talaga gustong samahan kita?”

Saglit na nagdalawang-isip si Mikay bago sumagot. Ang totoo ay kinakabahan talaga siya sa magiging reaksiyon ng papa niya. Gusto sana niyang nasa tabi niya si Gino, nang kahit papaano ay mabawasan ang pag-aalala niya. Pero naisip niyang mas mabuting silang pamilya na lamang muna ang mag-usap.

“Wag na muna siguro. I think it’s best if I settle this with them personally. Saka na lang kapag naayos ko na ang lahat dito.”

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Alam niyang nag-aalala rin ito sa kanya. Who knows kung ano’ng mangyayari pagkatapos? Baka nga hindi rin matuloy ang kasunduan nila, sakaling negatibo ang reaksiyon ng papa niya.

“Okay. In that case, I’ll just say good luck. Pero, tawagan mo agad ako pagkatapos mong sabihin sa kanila. Gustong kong malaman kung ano’ng nangyayari jan.”

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon