Chapter ▶ 1

22 1 0
                                    

The Promotion

▂▂▂▂▂▂▂▂ ❀ლ❀ ▂▂▂▂▂▂▂▂


"Miss Keisha Real. Please proceed to the Chief Executive Office." Sabi ni Miss Allainna Valdez ang Secretary ni Mr. Kendrick Hernandez at ang Chief Executive Officer ng Kumpanyang aking pinag tatrabahuan.

Tumango ako at mabilis na tumayo at sinundan sya hanggang sa makarating kami sa Lifter.

Halos mangatog ang tuhod ko sa sobrang kaba dahil kapag si Mr. Hernandez ang nagpatawag paniguradong may mahalagang bagay itong gustong iparating.

Lingid sa kaalaman ng mga empleyado ng aming kumpanya kilala si Mr. Hernandez bilang isang Perfectionist at Strikto pagdating sa trabaho. Kapag umiikot ito sa mga departamento paniguradong mangangatog ang tuhod at pagpapawisan ng malapot ang mga tatamad tamad na empleyado at hindi ko ibinibilang ang sarili ko sa mga taong iyon. dahil alam ko sa sarili ko determinado ako pagdating sa trabaho, hindi ko lang talaga maiwasan ang kabahan pagdating sa kanya dahil ni hindi ko sya nakitang ngumiti, hindi ko rin nariringgan ng sigaw. Isang mapanuring tingin lang paniguradong aatakihan ka na ng nerbyos.

Nasa 29th floor na kami ng bumukas ang pinto ng lifter saka lumabas ang secretarya ni Mr. Hernandez pero bago magsara ang pintuan ng lifter ay hinarapan ako ni Allainna.

"Good luck Miss Real" tipid na ngiting sabi nya. Tumango ako at sya naman ang pagsara ng Lifter.

Sa 30th floor nakabase ang opisina ng Chief Executive at ang buong 30th floor na yun ay ang opisina nya.

Tumunog ang lifter hudyat na nasa tamang palapag na ako. Inayos ko ang suot ko at hinintay magbukas ang pintuan ng lifter.

Pagbukas nito ay bumungad sa akin ang malawak at maayos na silid. Matatanaw mo rin ang mga nagtatayugang mga building.

Naglakad ako papalapit sa kinauupuhan ni Mr. Hernandez . Nakaupo sya sa isang makintab at malaking mesa seryoso syang nakatutok kanyang personal computer na parang hindi alintana na may nakatayo na sa kanyang harapan.

Gusto ko man syang gambalain sa kanyang ginagawa pero hindi ko magawa dahil mukhang hindi sya pagagambala kaya minabuti ko munang magpalinga linga sa kabuuan ng silid.

Hindi ko mapigilang hindi mapahanga sa kanyang silid dahil sa sobrang linis nito at hindi mo makikitaan ultimo kaunting alikabok.

May narinig akong tumikhim kaya napadako ang aking paningin sa aking harapan. Ramdam ko ang pagpasada nya sa akin mula ulo hanggang paa kaya napatuwid ako ng tayo.

"G-ood Morning po Sir" kanda utal utal kong sabi.

Nag-angat sya ng ulo para salubungin ang mga titig ko. Nakakalunod ang mga titig na pinupukol nya sa akin hindi ko maiwasang hindi ma-intimidate sa kanya lalu na ang gwapong mukha nya ang nakatuon sa aking harapan.

"Have a seat Miss Real" biritanong utos nya kaya umupo ako sa harapan nya.

Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko dahil parang hindi ako makahinga sa sobrang tense at hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang pagtatanong sa kanya kung bakit nya ako pinatawag.

"Miss Real. I think you know, that you are one of those nominees to become head of the marketing department? am i right ?" pero hindi ako umimik, tumayo sya at hinarap ang mga nagtatayugang mga building sa buong syudad

"This is a Sensitive position because it relies on your department to further lift the company's volume of clients who trust us." dagdag pa nya at abala pa ring nakatanaw sa labas.

Love And Hate Collide #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon