"Are you okay?" Tanong sakin ni Tri. Hindi ko alam kung ano yung isasagot ko. Nasa loob kami ng bahay, sa loob ng kwarto ko na ilang beses nya ng napuntahan. Mas pinili ko na lang na ipakiusap kay Tri na wag sabihin ang nangyari kay Mama at kay Papa ang nangyari dahil ayokong mag-alala pa sila. Ang importante naman nakauwi ako ng ligtas, dahil pa rin kay Tri.
Nanginginig pa rin ako habang inabot sakin ni Tri yung kape. Napapailing si Tri habang nakatingin sakin. Hindi nya parin binibitawan yung kape dahil alam nyang baka matapon ko sa sarili ko.
"Kung di moko inawat, binugbog ko yung gagong yon eh!"
"Baka kasi may kasama pa yun, mahirap na."
"And why was your phone off? Kasi drained na yung battery? You should've charged it while you're at school. Inabot ka nga ng 11 ee." Tuloy tuloy na ang litanya ni Dimitri Marius, at mahirap ng kumontra pag nagsasalita si Tri.
Pero teka, ibig sabihin, nagsinungaling sya sakin! Ang sabi nya sakin kanina, wala pa sya sa Pilipinas. Kahit sya pa ang sumagip sakin kanina, nagsinungaling pa din sya.
"Hep hep hep! Bago ka magsalita. Ikaw, may kasalanan ka!" Tinaas ko pa ang palad ko para patahimikin sya.
"Ako? Really? Sige. I-reverse psychology mo na naman." At talagang naka krus pa ang braso nya sa dibdib nya ha?
"Ang sabi mo sakin wala ka pa sa Pilipinas."
"Nope. Your question was whether I was at your house. And the answer was no. I was at the cab at that time." Straight english si Tri oh. Pak! Pak! Pak!
Tameme naman ako don. Oo nga naman. Alam ko na may pagka pilosopong tasyo yung kaibigan ko, di ko pa inayos.
"Listen, from now on, di na yun mangyayari. Di na yun mauulit. I'm sorry. Dapat di na lang ako umalis."
Nakakaoverwhelm yung kasweetan ni Tri. Kaya di ako magtataka na maraming babae na gustung gusto akong sabunutan sa selos pag nakikita kami na magkasama.
"Pano mo nga pala nalaman na naandon ako?"
"Nakarating ako dito sa Alabang ng mga 5. Binaba ko lang yung mga pasalubong ko sa inyo tas tinry kita tawagan. I couldn't reach you, sabi naman ni Tita Nanette, nagpaalam ka daw na gagawa ka para sa newspaper. Nakatatlong ikot na ako sa campus, pero wala ka hanggang sabi ng guard, nakauwi ka na daw. And yun na nga."
Nakita ko na nanigas yung muscles sa panga nya tanda na pinipigilan nya magalit.
"Gago sya. Pag nakita ko sya sa campus, I fucking swear, sasagasaan ko sya."
"Tama na, Tri."
"Tama na? Paano na lang kung wala ako don, Lyxen Olivia! What if I wasn't there?! That man could've done something to you!" Pigil na pigil ang boses ni Tri dahil natutulog na sa baba ang mama ko. At alam kong kapag tinawag na ako sa buong pangalan ni Tri, it's either napipikon na sya o gusto nyang manlambing, parang kapag tinatawag ko sya sa buong pangalan nya. Pero sa ngayon, alam kong napipikon na sya.
"Sorry na, Tri. Saka salamat." Alam kong kailangan ko ng amuhin si Tri or else magwawala sya ngayon. Hinawakan ko ang kamay nya bago ko minasahe.
"Wag ka ng magalit oh."
"Oo na. Simula ngayon, sasabay kna sakin pag uwi ha? Aantayin moko at aantayin din kita. Okay?"
"Yes boss."
Akala ko uuwi na sya ng tumayo sya, pero nagulat ako ng may ilabas sya sa loob ng jacket nya. Isang asul na kahon na may tatak ng kilalang pabango sa New York at alam kong di biro ang presyo nito.

BINABASA MO ANG
My Best Friend's Girl (JaDine)
Fiksi PenggemarMula sa simpleng paboritong kulay hanggang sa mga pinaka personal na problema, halos kilala at memoryado na nila ang isa't isa, kaya ng magsimulang magkaron ng pagbabago sa pagkakaibigan nila ni Tri, sinubukan lahat ni Lyx para pigilan ang nararamda...