5 - Andy

55 0 0
                                    

"Before we cued for the commercial break, we have a hanging question about that very first day that you two met. May spark ba agad? Was it like the first encounters that we see in Romcoms?"

Nagkakahiyaan pa kameng sumagot. Nagtuturuan kungbsinong mauuna.

"Ang cute nila guys, nagtuturuan pa sila. I guess we are asking this question because bihira ang paanorin o babasahin na tumatalakay dito. We are just wondering kung paano kayo nagsimula." Pagpapatuloy ni Kuya Boy to obviously fill in the gap kase hindi kame agad nakasagot.

"So yun nga po, nung natigil ang pagtatawagan at pagtetext namin I must admit na namiss ko yun and I somehow felt na whatever it is that we have is special. Kaya nagtext ako sa kanya ng 'bakit parang namimiss kita'. Pero no reply, cguro kung sa panahon ngayon masasabi na seenzoned ako" tumingin ako kay Andie na ngayon eh pangisingisi.

"Then what he did next surprised me..."

Napalingon ako sa Nokia 5110i ko na ngayon eh humuhuni ng jingle ng Selects ice cream na syang ringtone ko.

Mula nung hindi sya nagreply may 30 minutes na ang nakakalipas eh binitawan ko ang cellphone ko at nagsimula ng gawin ang inuwi kong trabaho. Hindi na ako umaasa na magrereply siya dahil sa ilang linggo naming pagtetext eh sumasagot ito mabilis pa sa alas kwatro. Siguro na off sa itinext ko kaya di na yun sasagot. Nakakadalawang miscol na eh Hindi ko pa rin nilalpitan ang cellphone ko. Nang sa pangatlong pagring ng phone, kinuha ko ito at tinignan kung sinong tunatawag. Nung nakita Kong unregistered ang number eh nagdalawang isip akong sumagot pero sinagot ko rin malamang eh sa opisina ito.

"Hello" bati ko sa tumatawag

"Bat mo ako namimiss?" Bungad ng caller.

"Hello? Sino to?" May pagtataka kong sagot

"Grabe ka naman nalimutan mo na agad ako. Si Andie to noh"

"Sorry di kita nabosesan saka ibang number kase ang nagregister"

"Ah naubusan kase ako ng load, wala pa akong pambili ng callcard kaya nakitawag muna ako." si Andie.

"Okay. so bakit ka napatawag? Kamusta ka? Long time no call hah" tanong ko sa kanya.

Di ko man sya nakikita eh ramdam ko na nakangiti sya lalo na nung tinanong nya ako ulit, "So bakit mo nga ako namimiss?".

I don't know if I was caught off guard dahil kanina pa naman nya iyon tinanong pero ngayon inulit nya parang kinabog ang dibdib ko. Patlang. Mahabang patlang...

Di ako nakasagot. Bakit nga ba? At bakit kase tinext ko sya nun.

" Ano na? Bakit di ka nakasagot? Di sya makasagot hehehe" tanong niya na may halong panunukso.

Pinamumulahan ako ng mukha ngayon at kung sakaling kaharap ko sya malamang lalo nya lamang akong aasarin. Huminga ako ng malalim...

"Wala lang. Tagal mo kasing di tumawag o nagtext. Wala rin naman akong ibang friends kaya namiss kita. Namiss ko lang na may kausap hanggang madaling araw." Defensive yata ng tono ko sana di nya mahalata.

"Gusto mo magkita tayo sa Wednesday? Tutal nasa Makati ka na rin naman nagtatrabaho magkita tayo sa SM Makati. Hangout tayo dun kwentuhan lang." Paanyaya ni Andie sa akin.

"Pwede naman kaso may meeting pa ako sa isang talent namin hanggang 8pm." Sabi ko sa kanya.

"Okay hintayin kita, magsasama na lang ako ng kaibigan para di ako maiinip. So paano sa may SM Makati sa Wednesday around 8pm. "

"Okay sige call ako dyan" sambit ko na di malamang kung excited o natatakot. Basta ang alam ko nangiginig ako....

It was Monday, and we are about to meet in 2 days. Paglabas ng phone I tried to check on my wardrobe and see kung ano ang masusuot ko. Di naman ako mapusturang tao kaya very limited ang mga damit ko. Either too business like o masyado casual ang mga damit ko. Halos umagahin na ako kakapili pero wala pa rin akong matipuhang damit.

Tuesday went so fast. Not sure masyado lang uneventful and araw na iyon o sadyang I am too focused para sa Wednesday. Pagdating ko ng bahay balik sa iniwan Kong task na mag mix and match ng damit na isusuot ko kinabukasan. Finally kakapili ako ng isang baggy na maong na parang cargo pants ang yari at isang striped na dark blue shirt .

Magustuhan kaya niya??

Wednesday ng hapon na and mula pa kaninang after lunch may kung anong mga mumunting creatures ang nasa tyan ko, mind you hindi lang butterflies. Bakit ba Hindi, after a series of failed relationships and lagi na lang iniindyan sa mga date, sino ang Hindi kakabahan sa meet up na ito.

Magustuhan kaya niya...ako?

Stay with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon