Chapter 1

1 0 0
                                    

Chapter 1 - Break Up

AN: Please keep on reading! Don't forget to vote and comment. Godbless :)

Xiao! - R

ADRIANA YUI' s POV

"Ana, I'm so sorry."

"Hon, why are you saying sorry? For what?"

Why is he saying sorry? I started to get nervous. I had this feeling that he's going to b..

"I'm breaking up with you."

I looked at him seriously. Nahulog ko ang bulaklak na ibinigay niya sakin. Unti unting namuo ang aking mga luha. Nagbibiro ba siya?

"You're kidding! Stop this sht, Jace." pinigilan kong huwag umiyak sa harap niya. Napayuko s'ya.

"This is not a joke. I'm breaking up with you, Ana! I need a space. I'm tired. Pagod na ko sa relasyon na'tin. Sawang-sawa na 'ko sa'yo!"

Napatulala ako. He needs a space? Then I'll give him space! But wtf?! Pagod na siya? Pagod na siya sa relasyon na meron kami? At sawang sawa na siya sa'kin? Bakit?

"You need a space. You're tired of our relationship and same with me..." Kahit masakit. Kahit mahirap. Kahit matutumba na ako. Pinigilan ko ang mga luha ko na gustong gusto ng maglandas. "If that's what you want. Then fine!" i laughed a little. A sarcastic laugh. "I'll let you go. You want break up? I'll give it to you. Starting today, you're my ex and I'm your ex." tuloy tuloy ang mga luha ko habang sinasabi ang mga katagang 'yon.
Tinignan n'ya ako sa'king mga mata.

"I'm sorry." he said with a low voice.

"Stop saying sorry. I don't need your apologize, Jace. The word "sorry" isn't enough." pagkatapos kong sabihin sa kanya 'yon ay tumalikod na ako. Nagsimulang maglakad papalayo. Maglakad palayo sa'kanya.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit ang lakas lakas na ng ulan. Kahit pinagtitinginan na ako ay tuloy lang ako sa paglalakad. Ilang minuto ang lumipas at namalayan ko nalang na nasa tapat na ako ng bahay namin. Pumasok ako sa loob ng bahay kahit basang basa ako. Tiles ang sahig noon pero wala na akong pakialam kung magputik.

Napansin kong napatigil sa paglalakad si Kuya Sean at napatingin sa'kin. Si Papa na nagbabasa ng dyaryo sa couch ay napatingala rin sa'kin. Si Mama na nagte-text ay napatingin rin sa'kin. Kahit 'di ko sila tignan ay alam kong napatingin silang tatlo sa'kin. Hindi ko na sila pinansin pa at dere-deretso lang paakyat at pumasok sa kwarto ko. Pumasok ako sa banyo upang maligo. Hinubad ko ang aking damit at binuksan ang shower. Gusto kong mahimas-masan.

Pagkatapos maligo ay lumabas na ako ng banyo. Nagsuot lang ako ng pantulog dahil gabi naman na. Umupo ako sa kama at tinignan ang buong kwarto ko. Maraming alaala. Maraming litrato. Maraming sakit.
Sinimulan ko ng tanggalin ang mga litratong nakadikit sa cabinet ko. Mga litratong nakasabit galing sa kisame, sa likod ng pintuan, sa salamin, sa headboard ng kama, sa glassdoor ng terrace, at kung saan saan pa. Ang dami naming alaala dito sa loob ng kwarto. Mga alaalang sasaktan lang din ako.

Things end but memories last forever. How can we forget those happy memories? Isn't hard to forget? Isn't hard to move on and let go? Ang hirap din palang kumalimot. Ang hirap palang kalimutan yung taong nanakit sa'yo kahit mahal na mahal mo s'ya. Bakit ang dali lang para sa kanya ang magsawa? Bakit kailangan niya akong saktan ng ganito? Bakit kailangan niyang mangako sa'kin na hindi niya ako iiwan pero iiwan lang din pala ako sa huli?

~ FLASHBACK ~

Adriana's birthday•

"I love you more, Hon." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Kahit anong mangyari, hinding hindi kita iiwan. Ikaw at ako. Hanggang huli. Pangako." seryosong aniya at niyakap ako.

~ END OF FLASHBACK ~

Kami lang daw hanggang huli. Pero nasan s'ya ngayon? Iniwan n'ya ako. Nagsawa na s'ya sa'kin kaya nakipaghiwalay na siya. Masakit pero kailangan nating tanggapin ang katotohanang wala na. Ang katotohanang wala ng kayo. Masakit pero kakayanin. And all I need to do is to forgive and forget. Forgive for what he've done. Forget all about him.

-

UMAGA NA nang magising ako. Saktong alas-kwatro na ng umaga kaya bumangon na ako sa kama. Niligpit ko muna ang pinaghigaan ko bago kinuha ang susuotin ko. Nagpalit ako ng damit bago lumabas ng kwarto. Suot-suot ko ang itim kong sports bra at ang itim na garterize short. Tinernohan ko ito ng running shoe. Nakaponytail ang mahaba kong buhok habang nakasabit sa balikat ko ang towel.

Pagkababa ay wala pang tao. Ala-singko pa kasi gumising sila Mama. Kinuha ko sa ref ang isang bottled water at lumabas na ng bahay. Nagsimula na akong tumakbo papalabas ng subdivision namin. Takbo lang ako ng takbo. Trenta minutos akong tatakbo at gagawin naman sa bahay ang pang-umagang ritwal.

Nang matantyang kinse minutos na akong tumatakbo ay bumalik na ako pabalik sa bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon