chapter 25

405 7 1
                                    

"On Monday we're going to have another quiz," sabi ni Sir kinabukasan sa klase n'ya. Patay, hindi pa naman ako pumasok kahapon, pano na ngayon yan? Saan mo ko paghahanapin ng notes, Sir? As usual, palagi namang nagpapa-quiz toh si Sir eh. Pansin ko lang simula nung nagpapalitan na kami ng notes sa likod ng papel ko, nawiwili na s'yang magpa-quiz. Uyy, nasarapan.

"Sir, kaka-quiz lang natin last time ah? Quiz ulit?" reklamo ko. Nasarapan sa quiz toh si Sir. Na-miss n'ya siguro yung pagsulat-sulat ko sa likod ng papel. Notes ba. Haha!

"Para malaman ko kung may natutunan kayo sa itinuro ko... 'kahapon'," sagot ni Sir. So, kelangan talagang pinagdidiinan yung salitang 'kahapon'? Porket wala ako kahapon?

Hindi ko pinansin yung sinagot ni Sir. Oo na, ako na tinamaan. Marami naman akong classmates na 'sana' pahiramin ako ng notes. Tsk, madadamot pa naman tong mga toh.

"Jen! Peram ako ng notes mo ah? Kokopyahin ko lang. Alam mo na, absent kasi ako kahapon," sabi ko kay Jen. Hindi pa lumalabas si Sir ng classroom. Wala akong pakialam kung mahuli n'ya kong nakikipagdaldalan. Wala akong pakialam kahit ipaiwan n'ya ko ulit. Wehh? Wala daw.

"Eh! Ayoko nga! Magpa-tutor ka na lang kay Sir," sabi ni Jen. Itong babaeng toh, sinusubukan talaga ko. Kahapon pa din toh eh!

"Tumigil ka nga! Dali na, pahiram na. Papa-xerox ko lang," sabi ko kay Jen tapos hinatak ko yung notebook n'ya. Pero naagaw n'ya lang ulit sa'kin. Tapos tinago n'ya na sa bag n'ya.

"Sir, pahiram daw ng notes si Gwen about dun sa diniscuss n'yo kahapon," sabi ni Jen kay Sir. Hala! Siraulo. Wala kaya akong sinabi!

"Sir, hindi po. Wala po akong sinasabi," sabi ko kay Sir sabay yuko at automatic na ngumuso yung nguso ko na parang bata.

"Here," sabi lang ni Sir na parang walang malisya tapos inabot n'ya sa'kin yung lesson plan n'ya. Naks! Mahal mo talaga ko eh, noh? Ganito mo ko ka-love? :">

"Thank you, Sir," na lang ang nasabi ko. "Isosoli ko na lang po mamaya sa office n'yo," sabi ko pero hindi ako nakatingin sa kanya. Nakakahiya kaya. Tsaka wala akong balak na tignan s'ya, baka kung ano lang ang makita ko sa pagmumukha n'ya.

"Sige," lang ang sinabi n'ya pero alam ko may  kahulugan yung sagot n'yang yon.

----------------------------------------

Nasa tapat ako ng pa-xerox-an, ang daming nagpapa-xerox. Hala, baka matagalan ako nito ah.

Past 5:00 pa lang pero madilim na. Tsk, inuna pa kasi namin ni Jen na magmiryenda kesa magpa-xerox eh. At ang bruhang babae, iniwan na ko. May date daw sila ng boyfriend n'ya.

Haaay, ang lungkot naman ng buhay. Mukhang uulan na naman. Pero sana hindi.

Quarter to 6:00 nakapagpa-xerox na ko. Tapos bumalik na ko sa school para pumunta sa office ni Sir at isoli yung lesson plan n'ya.

"Thank you, Sir," sabi ko sabay lapag nang lesson plan sa table n'ya para hindi na s'ya makapalag... sana. Kaso he grabbed my arm. I fought back and ended up in his arms and my face in his massive chest.

"I missed this," sabi n'ya. Ako din eh. Honestly, I missed it kaso hindi pwede, hindi lang talaga pwede. Tinulak ko s'ya. I shoved away his hand that caressed my back.

"This is wrong," sabi ko lang tapos tumalikod ako.

"I'm sorry," sabi n'ya. Himala! Hindi mapilit ang lolo mo ngayon. Hindi ako lumingon para makita ang pagshi-shift ng gwapo n'yang mukha into apologetic. Baka malusaw ang puso ko at tumakbo ko pabalik sa kanya.

Then I walked away. I opened the door of his office and plunged away before he can say a word. Baka bumigay ako ngayon eh. Tsk, hindi pwede, sa tinagal-tagal ng pagmamatigas ko, ngayon pa ba ko bibigay? Nooooo waaaaay!!!

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon