"Whaaaaaaatt?" gulat na gulat na tanong ni Jen sa'kin habang nakaupo kami sa bench sa may quadrangle. Breaktime namin bago yung klase namin kay Alfred.
"Maka-react ka naman teh! Tara na nga, pumasok na tayo," aya ko kay Jen. Actually ayaw ko talagang pumasok sa klase ni Alfred, kaso kelangan ko. Last week ng klase namin toh bago mag-second sem.
"Teka! Papasok ka? Pano kung makita ka dun ni Sir?" tanong ni Jen habang pinipigilan ako maglakad. Takot na takot s'ya kesa sa'kin.
"Malamang, makita n'ya ko dun. Klase ko yun eh, tsaka s'ya yung prof. Remember?" sabi ko tapos nagpatuloy na ko sa paglalakad na kunyari hindi ako takot na makita si Sir. Pero ang totoo n'yan, gusto ko nang magtago sa lahat ng lugar na pwede kong mapagtaguan, dun sa lugar kung saan hindi ako masusundan ni Sir.
"Hindi ka ba maiilang? Ano na lang ang magiging reaction nung tao?" si Jen.
"S'ya talaga yung iniisip mo, noh? Hayaan mo na! Last week naman na toh eh. Next sem hindi na ko mag-eenroll sa klase n'ya," sabi ko.
"Haaay. Kawawa naman si Sir. Lovelorn," sabi ni Jen na yumuko habang naglalakad. Naawa talaga?
"Bakit ka naman naaawa sa kanya?" tanong ko.
"Eh kasi hindi n'ya mapasagot yung babaeng gusto n'ya eh. Napaka-manhid nung babaeng yun," sabi ni Jen. Alam kong ako yung pinapatamaan n'ya. So, hindi ako manhid :P
"Sa kanya ka pa talaga naawa hindi kay Ejay?"
"Ba't naman ako maaawa kay Ejay eh kampi kayo nun? Si Sir walang kakampi!"
"Gusto mo? Kayo na lang?" huling hirit ko bago ko tumakbo papasok ng classroom.
----------------------------------------------------
"Why are you late Ms. Samson and Ms. Manzano?" tanong ni Sir Alfred pagkapasok ko sa classroom. Ano ba yan? Tumakbo pa naman ako papasok ng classroom tapos huminto ako sa tapat ng pinto habang humihingal, tapos ito lang ang bubulaga sa'kin?
"Sorry, Sir. Napasarap po kasi yung kain namin eh," pagsisinungaling ko. Hindi kami kumain, nagtsismisan lang kami.
"What an excuse," sabi ni Sir. Ang sungit? Hmm, malamang bad mood toh dahil dun sa nangyari nung Friday.
"Sir? Pwede na kaming umupo?" tanong ni Jen. Nag-back out na yung fighting spirit ko nung binara ko ni Sir. Ngayon, ang gusto ko na lang gawin ay tumakbo palayo. Ayaw ko na palang pumasok. Kaso patalikod na ako, pinigilan ako ni Jen at pinanlakihan ako ng mata.
"Sit down," sabi n'ya lang tapos nagpatuloy na s'ya sa pagchi-check ng attendance. Yes! Buti na lang umabot kami. "Okay, so prepare 1/4 sheet of paper," sabi n'ya pagkatapos n'yang magcheck ng attendance.
Honestly? May quiz nga? Exams na sa Wednesday, magpapa-quiz pa toh si Sir. Buti na lang nakapag-basa ako ng kaunti dun sa lesson n'ya nung nag-cutting ako. Kahit na magulo ang utak ko at palaging lumilitaw sa notes ko yung mukha ni Sir kapag nagbabasa ako, nakapagreview naman ako ng konti.
"So, this'll be our last quiz for this semester. Please prepare for your exam on Wednesday," sabi ni Sir. Hindi s'ya tumitingin sa direction ko. Tsk, wait, ito naman ang gusto ko di ba? Ang tigilan n'ya ko? Eh ba't ganito? Para akong disappointed?
"Yes, Sir," sagot ng mga classmates ko habang nagre-review pa ko for the last minute.
"Keep all your notes please. I don't wanna see anything on your desks aside from your paper and ballpen. No computations, just identification," instruct n'ya. Yey! Walang computation. Sana madali lang.
-----------------------------------------------------
"Sorry about last Friday. And I'm sorry about everything," sinulat kong note sa likod ng papel ko bago ko ipasa kay Sir yung papel. Last na note na yun. Promise!
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-FictionIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...