Wednesday.
"Keep all your notes. We will have our exam in just a few minutes," sabi ni Alfred. Exam na, final exam.
"Sana madali lang yung exam, noh?" sabi ni Jen sa'kin habang pinagsisiksikan n'ya yung note book n'ya sa puputok na n'yang bag. Hindi ko nga alam dito sa babaeng toh eh, mas malaki pa yung bag n'ya kesa sa kanya.
"Sana," sagot ko na lang tapos kinuha ko yung test paper na inabot sa'kin ni Alfred. Nakatingin s'ya sa'kin tapos sabi n'ya, "Good luck," in a husky voice. Gosh, so sexy.
"Thanks," sabi ko pero walang tunog na lumabas sa bibig ko. Parang read-my-lips lang tapos nag-smile ako. Nakatingin nga s'ya sa lips ko eh. At least hindi naman masyadong nasayang yung pagli-lipstick ko ng pink at pagba-blush on ko today.
Tapos nag-exam na kami. Ang hirap. Ang hirap-hirap mag-exam. At ang hirap-hirap yumuko. Hindi ko nga maituwid yung ulo ko eh, pa'no ba naman, sa tuwing magtataas ako ng tingin nahuhuli kong nakatitig pala sa'kin si Alfred. Hindi naman s'ya nakikita ng mga classmates ko kasi busy sila sa pagsasagot eh.
Alam mo? Kung nakakamatay lang ang titig, malamang kanina pa ko nakalupasay sa sahig. Kaya ayun, tinitiis ko na lang yung stiff neck ko para lang makaiwas sa tingin n'ya. Makatitig, wagas eh. Para bang nilulubos-lubos n'ya na yung mga pagkakataon na makikita n'ya ko. Eh kasi nga, aalis na s'ya. May flight nga daw s'ya di ba? Flight kung saan. Hindi ko alam.
"Okay, please pass your papers," utos ni Alfred sa'min. Pwede? Teka lang? Ang hirap-hirap kaya ng pina-exam mo, noh? "Magta-time na, class," sabi n'ya. Oh? Ang bilis naman. Pinasa ko na yung papel ko.
"Sir, may pasok po ba bukas?" tanong ko sa kanya nung lumapit ako sa table n'ya para magpasa ng papel. Parang normal na tanong lang. Buti na lang wala akong kasabay.
"Why? Gusto mong pumasok?" tanong n'ya. Naka-smirk s'ya. Hmm, bagay naman pala sa kanya yung may bond aid sa gilid ng lips. Gawa yun ng pagkakasuntok sa kanya ni Ejay. Grabe, ragged na ragged ang dating ni Sir.
"Nagtatanong lang po," sabi ko. Nagtatanong ako ng maayos kaya sumagot ka ng maayos. Pero nakatingin pa din ako sa bond aid sa gilid ng lips n'ya.
Hinawakan n'ya yun, "This one will not hurt kung iki-kiss mo," sabi n'ya. Oh my! Nag-uumpisa na naman s'ya. Sir, nasa harap tayo ng klase! Good thing wala pa ding balak magpasa ng papel yung mga classmates ko.
Nag-smile lang ako sa kanya tapos bumalik na ko sa upuan ko. Wag mo naman akong daanin sa mga paganyan-ganyan mo, Sir, o. Not now.
Pagkatapos magpasa ng papel nung mga classmates ko, tumayo si Sir sa tapat ng table n'ya habang yung left hand n'ya nakahawak sa table tapos yung right naman sa bewang n'ya.
Eeeeh. Ang pogi naman ng dating! Pang-model ang pose.
"So, this'll be our last meeting for this semester," sabi n'ya. "Goodbye," sabay kindat at kinilig naman yung mga classmates kong babae. Hindi ko alam kung sinong kinindatan n'ya. Gusto ko sanang itanong kung totoo ba yung tsismis na hindi na s'ya magtuturo next sem kaya hinabol ko s'ya hanggang sa labas ng pinto ng classroom kaso nakita ko si Ejay na naghihintay sa labas.
No! Anong balak gawin ni Ejay? Sana wala.
"Hey!" sabi ko kay Ejay. Napalingon sa'kin si Alfred. Hindi n'ya kasi alam na nasa likod n'ya lang ako. Kaya paglingon n'ya with matching paghinto sa paglalakad, nabunggo yung mukha ko sa massive chest n'ya! Oh no! Bakit? Bakit sa harap ni Ejay? Bakit?
"Sorry," sabi ni Alfred sabay hawak sa dalawang braso ko para maging stable ang pagkakatayo ko. Dun lang lumapit si Ejay. Threatened?
Hinawakan ni Ejay yung braso ko tapos tinanggal na ni Alfred yung pagkakahawak n'ya sa'kin. Intense. Kung medyo fiction lang toh, sasabihin ko sana na nakikita kong may current sa mata nilang dalawa eh.
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
No FicciónIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...