Like I'm gonna lose you

28 0 0
                                    

Like I'm gonna lose you

Sindi, hithit, buga. Sindi, hithit, buga. Isa, dalawa, tatlo? Naka-ilang stick na nga ba ako ng sigarilyo? Sa sobrang dami, hindi ko na yata kayang bilangin. Kaya pa kaya ng baga ko, kung magsisindi pa 'ko ng isa? Sana hindi na, sana tumigil na at sumuko yung baga ko.

Bukas, salin, inom. Bukas, salin, inom. Isa, dalawa, tatlo? Naka-ilang bote na nga ba ako ng alak? Sa sobrang dami, hindi ko na yata kayang bilangin. Kaya pa kaya ng atay ko, kung iinom pa 'ko ng isa? Sana hindi na, sana tumigil na at sumuko yung atay ko.

Hiwalayan, suyuan, balikan. Hiwalayan, suyuan, balikan. Isa, dalawa, tatlo? Naka-ilang babae ka na nga ba? Sa sobrang dami, hindi ko na yata kayang bilangin. Kaya pa kaya ng puso ko, kung magkakaroon ka pa ng isa? Sana hindi na, sana tumigil na at sumuko yung puso ko.

Tara, magbilang na lang tayo.

Isa, dalawa, tatlo? Lagpas na nga sa mga daliri ng mga kamay ko, kung ilang babae na ang nahuli kong kasama mo.

Isa, dalawa, tatlo? Lagpas na nga sa mga kamay ko, kung ilang beses mo na 'kong niloko.

Isa, dalawa, tatlo? Lagpas na nga sa mga daliri ng mga kamay ko, kung ilang beses na tayong naghiwalay.

Isa, dalawa, tatlo? Lagpas na nga sa mga daliri ng mga kamay ko, kung ilang beses mo na 'kong sinuyo.

Isa, dalawa, tatlo? Lagpas na nga sa mga daliri ng mga kamay ko, kung ilang beses na kitang pinatawad.

Isa, dalawa, tatlo? Lagpas na nga sa mga daliri ng mga kamay ko, kung ilang beses na 'kong nagpaka-tanga sa'yo.

Ilang babae, hiwalayan, suyuan, patawaran, balikan, sakitan, at gaguhan pa ba ang kailangan para magsawa ako? Sabihin mo naman, para malaman ko. Sabihin mo naman kung ilan ang kailangan para magsawa ang puso ko na patawarin ka. Sabihin mo naman kung ilan ang kailangan para magsawa ang puso ko na mahalin ka.

Pero darating pa kaya yung araw na 'yon? Yung araw kung kailan hindi na 'ko makikinig sa mga eksplanasyon mo. Yung araw kung kailan hindi na 'ko makikinig sa mga kasinungalingan mo. Yung araw kung kailan hindi na ako makikinig sa mga masasakit na salitang nanggagaling sa bibig mo. Yung araw kung kailan hindi na ako makikinig sa sinisigaw ng puso ko.

Kagaya na lang ngayon...

Hinintay kitang matapos sa training niyo sa basketball, kasi sabi mo miss mo na 'ko kaya kailangan mag-date naman tayo, pumayag naman ako sa gusto mo diba? Umalis lang ako saglit para bumili ng gatorade at tubig mo kasi kakatapos niyo lang, siyempre pagod ka...tapos maaabutan kita sa locker room niyo na may kahalikang ibang babae?

"Babe, it's not what you think! Maniwala ka naman sa'kin, please. Please, babe." pagsusumamo mo, habang yakap-yakap mo 'ko mula sa likod ko.

"Babe? Pero may iba kang kahalikan, tapos babe? Wow, ang galing mo naman! Wag mo 'kong i-babe-babe, tapos hahalik ka ng ibang babae!" galit na sigaw ko, at pilit na nagpumipiglas sa yakap mo.

"Babe...sorry na, please? Babawi ako sa'yo. Wala yun, aksidente lang yun. Please, babe, hindi ko kayang mawala ka. Mahal kita, please, wag ka ng magalit." pakiusap mo, habang humihigpit ang yakap mo.

"Tama na, please. Maghiwalay na tayo. Ayoko na. Sobrang sakit na, maawa ka naman sa'kin. Hindi pa ba sapat lahat ng ginagawa ko para sa'yo? Lahat ng sinakripisyo ko para lang sa'yo...ginawa ko naman lahat diba? Binigay ko sa'yo lahat ng kaya 'kong ibigay! Pero hindi ka pa rin nakuntento? Kulang pa din, ha? Kaya naghahanap ka pa rin ng iba Hindi pa ba 'ko sapat para sa'yo?" hindi ko na nakayanan, nagsipatakan na naman ang mga luha ko.

Like I'm Gonna Lose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon