BUHAY PAG-IBIG? ANO YUN? (One shot)

1.1K 39 55
                                    

"BUHAY PAG-IBIG? ANO YUN?"

-

Bakit pag "LOVE" ang pinag uusapan, lagi nilang sinasabi dapat handa kang MASAKTAN?

Bakit? Yun ang laging tanong nang karamihan. Pero ang sinasagot ko sa kanila,

"Ano ba ang L0VE? DIGMAAN ba yun? At kailangan, laging handang masaktan?"

-

Hindi ko talaga sila maintindihan e. Oo. Aaminin ko. Wala akong alam pagdating sa pag-ibig.

Bakit ba?

Pinapakain ba niya ko? HINDI NAMAN DIBA?

Pinapayaman ba ako ng salitang yan? HINDI NAMAN DIBA?

Kaya nagtataka ako sa mga taong sabik na sabik magkasyota.

PARA SAAN BA YAN?

DISPLAY?

ABA, MAHIYA KA NAMAN SA PINAGLALARUAN MO!

Kung sabagay, paki ko naman sa buhay niyo diba?

Anyway, highway, skyway, anime.

Oh? Gulat kayo? May 'anime' ? Magkatunog naman e. Pagbigyan na. Kokontra pa e.

Okay. Bago magkalimutan, Ako nga pala si SIANNE TRIAS. 16 years old at 4th year High school ngayon. Sa kabutihang palad, nakapasa ako last school year. Hahaha! Wag niyo ng alamin kung bakit ako nagpasalamat.

Anyway-

"Si-ane! Bilisan mo! Malelate nanaman tayo e!" galit at inis na sabi ng kasama ko.

Si-ane. Yan ang tawag nila sa akin. As in, "C-AN" kapag binasa. Ewan ko ba sa kanila at nagiimbento ng sarili nilang itatawag sa akin.

"OO NAAA! DI MAKAPAGHINTAY EH!" Inis naman na sagot ko sa kanya.

Siya si Karen. Ang masungit kong bestfriend. Ewan ko ba dyan. Parang laging meron e. If you know what i mean!

"BILIS NA, SI-ANE!" galit na sabi nito.

"OO NA NGA EH! ATAT? ATAT LANG ANG PEG?"

"ISA PA! SASAPUKIN NA KITA!" mabilis siyang tumalikod sa akin at nagsimula ng maglakad.

3rd week na ng klase ngayong hunyo. Ang bilis. biruin niyo? 3weeks na akong nagtitiis sa bunganga ni Karen?

"ANO? MAY SINASABI KA?"

So mind reader na siya ngayon?

"W-wala!"

Kabaliktaran ng ugali niya ang ugali ko. Kung siya, masungit, mataray at kung anu ano pa. Ako naman, masayahin, makulit, mapangasar.

Ewan ko ba kung pano kami nagkasundo ng impaktang yan. Pero wag ka, MAY BOYFRIEND YAN.

At nakalima na yan. Samantalang ako, WALA PA.

As in, NBSB.

NO BOYFRIEND SINCE BIRTH.

NCSB.

NO CRUSH SINCE BIRTH.

Alien ata ako e. Wala akong romantic bone. -____-

PERO, ANONG PAKI KO DIBA? Basta ang alam ko lang, masaya na ako.

**

"Okay class. May bagong inilipat sa section natin ngayon."

Pagkarinig na pagkarinig palang ng mga kaklase ko, nagsimula na sila magbulungan.

BUHAY PAG-IBIG? ANO YUN? (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon