III: Blood of the Slain

213 29 4
                                    

Aira's PoV
1:20 p.m. Wednesday.

Nakakahinala ang inaasta nina Aila ngayon. Tila ang bait nila masyado. 


"Richard, halika sumama ka samin." alok ni Aila.


"Saan ta-tayo pupunta?" takang taka ang mukha niya.

"Lilibre kita sa Canteen. Dali. Ayaw mo ba?"

"Salamat ah kaso may ginagawa pa ako, kayo nalang." tanggi ni Richard.

"Ay. Sayang. Halika Aeronkyle. Ikaw nalang." sabi ko.

"Ano meron?" pagtataka niya.

"Diba tinulungan mo ko sa Math kahapon? Kaya ililibre kita. Sa susunod tuturuan kita sa essay mo." sabi ni Aila.

"Salamat!" Umalis na silang dalawa.

Palabas na sila ng pintuan ng tumingin si Aila kay Vincent. Kinindatan niya ito.

Umalis si Vincent sa pinagsasandalan niya at pumunta sa bag ni Aeronkyle.

Kinuha ko ang cellphone at kunwari nagsasalamin, tumalikod ako sa kinatatayuan ni Vincent. Nakita ko na kinukuha niya ang inhaler.

"The heck." bulong ko.

"Ano namang balak nila?" tanong ko.

Kahina hinala talaga pag bumabait bigla ang mga may masasamang ugali.

Sumunod si Vincent sa labas at parang pupunta rin si Canteen.

Kailangan ko silang sundan.

Aeronkyle's PoV
*Flashback*

"Anak."

"Bakit Ma?"

"Alagaan mo ang kapatid mo. Wag na wag mo siyang papabayaan."

Tumulo ang luha ko sa sinabi niya.

"Hindi na babalik ang Papa mo."

"Opo Mama. Aalagaan ko siya." sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

Nagbeep na ng mahaba ang health monitor niya.

Umiyak ako ng sobra.

Pumasok sina Tita at ang kapatid ko.

"Kuya? Bakit ka umiiyak?"

"Wala naman Kreis. Matutulog na ng habangbuhay si Mama." sabi ko.

Yinakap ko siya ng mahigpit.

****

Napatingin ako sa strawberry slice cake.

"Magugustuhan ng kapatid ko yan." sabi ko.

"Ayan nalang." sabi ko kay Aila.

"Isa nga po niyan." sabi ni Aila sa nagtitinda.

"Salamat."

Amity Isn't Real {Tangled Minds Series #2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon