Isang maaliwalas na araw ang bumungad kay Esca. Nararamdaman niyang may swerteng dala ang araw na iyon.
Cheska’s POV :
“uh mga mamimili dyan, lapit lapit lang dito! Bili na kayo ng sariwang isda. Murang-mura lang po talaga..”tawag ni Mica sa mga costumer sa palengke. “oyy..Manang , bagong-bago po ito.. Sige na..” dagdag pa ni Esca. Di nga siya nagkamali ng akala, marami nga ang bumili ng kanilang paninda.
“oyy.. Esca, mukhang malilipat na yang mukha mo dyan sa pera aa.. ba’t ang saya mo? Anong meron?” nagtatakang tanong ni Mica. Napansin kasi niyang panay ang ngiti ni Esca habang binibilang ang perang nasa kamay. “hmm..wala lang. Masaya lang ako dahil naubos ang paninda natin at sa wakas, may pera na naman tayo.”, sagot ni Esca. “Naku! Ibang klase ka talaga pag nakakahawak ng pera.. nag-iiba ang ‘Aura’ mo.”, pang-aasar ng kaibigan. “Hindi aa.. masarap lang talaga sa pakiramdam ang humawak ng pera.. oyy siya nga pala, maraming salamat ha.. kung di mo ako tinutulungan, hindi sana ako makakabenta ng ganito karami.”
“Ano ka ba? Magaling ka lang talaga no..”
“Di kaya dahil sa ganda ko kaya sila nakukumbinsi..tingin mo?”
Napahagulhol sa tawa si Mica nang marinig ang sinabi ng kaibigan. “Di ka ba kinikilabutan nyan? Ang kapal mo rin..” natatawang wika ni Mica.
“Ewan ko sayo..dyan ka na nga, may trabaho pa ako ngayon.”
Venz’ POV :
“Ineed a driver here as soon as possible. Andito ako sa Farglory Bar. Sabihin niyo sa driver na maghintay sa labas.”, wika ni Venz habang kausap ang isang lalaki sa telepono. Naghintay si Esca sa labas upang abangan ang paglabas ni Venz. Ilang sandali pa ay lumabas na nga ito kasama ang isang babae.
“Good evening sir. Kayo po ba si Mr. Venz? Ako po yung Replacement driver na ipinadala ng agency namin.”, pagpapakilala ni Esca.
“oh yan. Yun ang kotse ko.”, wika ni Venz sabay hagis ng susi.
“Saan po tayo Sir?”
“Just take us to the best hotel in town.”
Habang nasa loob sila ng kotse, panay ang halikan at harutan nina Venz at ng babaeng kasama niya. Nakatawag ito ng pansin kay Esca kaya naiinis siya.
Cheska’s POV :
Naku ang lalandi ng mga taong to. Di naman lang nila inalala na may tao dito. Bat ba di sila makapaghintay? , bulong ng isipan ni Esca.
Hindi na talaga nakapagpigil si Esca at naibulalas na niya ang kanyang saloobin.
“Excuse me Sir. Hindi pa po tayo nasa hotel, pwede bang ipagpaliban niyo muna yan?”, malumanay pero naiinis na tanong ni Esca.
“Ano bang pakialam mo? Mag drive kana lang dahil di ko naman hinihingi ang opinion mo”
Ang kapal ng mukha. Hindi na nahiya, kung di ko lang talaga to trabaho kanina pa kita nasapak dyan.
Habang nagmamaneho si Esca, di niya napansin ang malaking bato sa gilid ng daan. Huli na ng makita niya ito, sumalpok na ang tagiliran ng kotse ni Venz dito.
“Aaaaaaahhhh”, malakas na sigaw mula sa loob ng kotse. Dali-daling silang lumabas ng kotse at nakita ni Venz na may gasgas ito. Halata sa mukha niya ang sobrang galit.
“Oh My God! What happened to my car? Bakit mo sinira?”, galit na wika ni Venz.
“Pasensya na po Sir. Hindi ko po talaga sinasadya. Di ko napansin ee..”, sagot niya na may halong kaba.