"Nandito na tayo."
Iginala ko ng tingin ang mga mata ko sa paligid.
"Ito ang Center H."
Sobrang daming Heminaia, may mga bata, matanda at mga hayop. Iba-iba ang kulay ng buhok nila, may blue, yellow, violet, red at iba pa. Para akong nasa palengke, maraming tinda pero hindi sila siksikan. Para ring sa mundo ng mga tao, may mga gulay, prutas, isda, karne, itlog, candy, at tinapay.
A market is supposed to be chaotic because of the noise. . .
but not here.
Tahimik sila.
Sa iisang dahilan.
Ako.
They are all staring at me.
"A-anong problema Tetsuya?" bulong ko sa kanya.
"Natural lang na pagtinginan ka nila. Tao ka e. Kakaiba ang anyo mo sa lahat."
"Ahhh."
"Pumalpak na naman." "Hanggang kelan?" "Pupunta ba siya don?" "Hindi siya dapat na nandito." "Hawakan nyo ang mga bata." "Umuwi na tayo." "Kailangang malaman nila to." "Nasaan siya ngayon?"
Ilan yon sa mga narinig kong mga bulong nila.
Anong meron? Ako ba pinag-uusapan nila?
"Tetsuya." tawag ni Takius. "Ikaw na muna ang magdala sa kanya sa lugar na yon."
"Ha? Anong lugar?" mabilis kong tanong sa kanya.
"Haika na." Hinila ako ni Tetsuya sa braso. Naglakad na ko at hindi na lumingon kay Takius. Habang kasama ko si Tetsuya kahit papano pakiramdam ko safe ako. . . lalo na siguro kung andito si Ban.
Si Ban.
Asan na kaya siya?
Bat siya umalis?
Ok lang ba siya?
Babalik pa kaya siya?
"OUCH!" Nagkaumpugan kami ni Tetsuya ng ulo. "Bat ka ba bigla na lang tumigil sa paglakad dyan?"
"Aray," hinimas niya ang ulo niya, "andito na tayo."
Tumingin ako sa kanan ko.
Isang malaki at mataas na gate. Sa tingin ko, mga kasing taas ng 3rd floor ang bakal na gate na to. Grabe. Kahit maliit na butas, wala kong masilip. Mukhang hindi ka na makakalabas pag pumasok dito.
"Te. . . Tetsuya. . . dito ba tayo pupunta? Anong meron dito?"
"Si L." Nakatingin lang si Tetsuya sa gate, parang ako lang.
"Si L? L? As in letter L?"
"Makikilala mo din siya mamaya. Sa ngayon, kailangan nating makapasok sa loob."
"Ah. Sabi mo e."
Medyo naguguluhan pa rin ako. Sino si L? Ang weird ng name. . L lang talaga? >_<
TOK! TOK! TOK!
WHOossssshhh>>>>>>>>>>>>>. (wind effect. LOL)
. . . . . . .

BINABASA MO ANG
An Earthling in the World of Anime
FantasyI just wanted to escape from all the problems in this world. Yung walang stress. Walang obligations at expectations. But. . . I never said na gusto kong mahanap ang mga yan sa ANIME WORLD!!! At lalo na ang ma-in love sa isang ANIME CHARACTER no!!!