Maaga akong nagising kahit mamaya pang 10 am ang pasok ko bumababa ako at dumiretso sa Dining room,umaasa na sana may pagkain ng niluto si mama.
"Oh.anak maupo ka na diyan at kumain kana,ipagtitimpla kita ng Gatas"hayys..buti nalang talaga maaga lagi magising itong si mama.
"GoodMorning!"bati naman ni Papa.
"Good Morning pa! Goodmornig kuya"bati ko naman sa kanilang dalawa.Maaga nga pala ang pasok nila ngayon si kuya kasi college na.Kaya iba-iba yung mga sked.Ng pasok nila.
"Ma,pa alis na ho ako"paalam ni kuya pero teka ang aga naman ata niyang umalis,at hindi pa siya kumakain.
"Teka!kuya..hindi ka ba kakain?"Hindi niya lang sinagot ang tanong ko at Tumalikod na siya saakin,Lumabas na siya ng pinto ng hindi man lang ako ningitian o kinausap man lang?Bakit kaya ganun na si kuya? Dati naman nung masa grades school ako at nasa highschool siya lagi kaming magkasama at sobrang close namin,pero ngayon? Wala na.Wala na ang lahat. =(
"Anak may problema ba?"Hindi ko na malayan na napatitig na ako sa pintuan kung saan lumabas si kuya. "Namimiss mo na kuya mo?"Hala! Halata ba?
Ningitian ko lang si mama at pinagpatuloy na ang pag-kain..
Wooh! Ang iniiittt! Para akong nileletchon sa itsura ko.Naglalakad ako ngayon sa initan.Nalimutan kong magdala ng payong,hindi ko alam na ganito katirik ang araw ngayon!
"Oh! Isa nalang isa nalang aalis na oh" rinig kong sabi nung nagtatawag ng pasahero..
Yes! Buti naman paalis na ito.Lumapit ako sa jeep at akmang sasakay na ng pigilan ako nung nagtatawag..
"Ah.miss doon ka nalang sa sunod na jeep"huh? Akala ko isa pa? "Hindi ka na kasya diyan,ang laki mo kaya"ay punyeta! Nangaasar ba itong payatot na ito?! Nakita kong pinagtitinginan at pinagtatawanan na ako ng mga pasahero doon sa jeep. No choice ako kundi lumipat doon sa kabilang jeep.Sapakin ko tong lalaking ito eh! Pasalamat siya May respeto ako..
Pagkababa ko ng jeep agad naman akong pumasok sa loob dahil malelate na ako sa first subject namin.Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya Hinalungkat ko ito sa bag,Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko kaya...
BOOGSSSHH!
"aray ko.."nabunggo ako sa isang lalaking gwapoooo...
"Sa susunod miss tumingin ka sa dinadaanan mo"oh! Shet ang gwapo naman nitong lalaking toh!..
"MALAKI KA PA NAMAN"aray! Okay na sana,dinugtungan pa ng "MALAKI KA PA NAMAN"umalis na yung lalaki at ako ito nakatulala parin sa kanya..Ang Pogi niya talaga eh! Kaso ang sungit!
Pinapunta kami dito sa Gym dahil may program daw,Sa tagal naman naming paghihintay mga babaeng sexy lang sumasayaw,Shet! Naiinggit ako-_-
Natapos na yung program at lahat ng tao sa gym ay naglalabasan na,nauna na si cess lumabas dahil iihi lang daw siya.
May dalawang tao doon ang nagkapukaw ng atensyon ko..Yung lalaki kaninang makabunggo ko,yung gwapo? At may kasama siyang babae..Awtsuu! Yung babae ay isa sa mga babaeng maganda at sexy na sumayaw kanina.
Lumabas sila doon sa isang pinto na papunta sa Likod ng gym...
Kaya....Sinundan ko sila...TO BE CONTINUED..
PLEASE...VOTE AND COMMENTS ;) THANK YOU..
Sorry sa late update,busy kasi ako eh.Pero itutuloy ko parin po ito :)
NOTE:
bawat chapter po ay maikli lang sana ok lang po sainyo :)
BINABASA MO ANG
The Revenge Of One Fat Girl
FanfictionPaano kung magkita ulit kayo ng taong nanakit ng puso mo? kaya mo ba siyang mahalin muli? O talagang paghihiganti nalang ang nasa isip mo. lahat tayo nasasaktan.Lalo na pagdating sa pag-ibig.Napaka sarap mag-mahal,pero napakasakit masaktan. NEVER FO...