One TRY.

11 0 0
                                    

Bakla ako. Tagong bakla ako.

Pero hindi ibig sabihin nun ay masama akong tao...

Tulad ng ibang tao, nagmamahal rin ako.

At tulad nila, nasasaktan rin ako..

Ako Joseph pero mas gusto kong matawag akong Joana.

Alam kong pambabae sya at tila hindi katanggap tanggap sa masa... Pero ito ang gusto ko at alam kong may karapatan naman ako.

At siya?

Siya ang kababata ko.

Siya ang rason kung bat nabuo ang kwentong ito.

At siya rin ang first love ko.

Paano ko ba maipapaliwanag ang kanyang natatanging kagwapuhan?

Baka kasi kapag sinabi ko, siya'y bigla nyong matipuhan...

Marami na nga akong kaagaw sa kanya eh..

Dadagdag ka pa? Wag na!

Pero dahil sa hindi naman ako madamot, sasabihin ko sa inyo ang kanyang gandang naibabalot.

Siya ay matangkad, singkit at may matangos na ilong. Isipin mo palang nakakainlove na dba? Paano pa kaya kapag harapan na... Mapapawow ka na lang sa sarap-- I mean, sa kagwapuhan nya.

Well, anyway... Back to my story. Pangalanan na natin siya, siya si Richard.

Oh dba naman? Ang lakas makapogi ng pangalan! Maiisip mo bigla si Richard Gomez or Richard Gutierrez.

In all fairness, lumelebel naman sya run. Chos!

Back to my point...

Napakagwapo talaga ng tropa kong si Richard. Oo, tropa.. Kasi alangan umamin ako, edi nasampal na ako ng kababaihan, nawalan pa ako ng kaibigan.. Napakadami pa namang chicks nyan...

Kaya nga hanggang lagay na lang ako ng feelings ko sa isang notebook eh.. Para naman may parausan ako ng nararamdaman ko. Omg double meaning yun bakla! Hahahaha.

Pero ayun, mapaglaro talaga ang tadhana... Nawala yung notebook ko na puno ng kalandian ko about kay Richard... Ang alam ko kasi naiwan ko yun sa bahay nila ng di sadya eh. Nagkayayaan kasing uminom ang tropa eh, mahina pa naman ako sa inuman.

Nung una hinanap ko pa yung notebook na yun... Kasi paano naman kapag nabasa nya yun? Edi wala na nga akong tropa, puro pa kalmot sa mukha ng mga babaitang in love sa kanya.

Sobrang nakakafrustrate ang paghahanap ko run... Ilang weeks akong lutang at stressed tuwing pumapasok nun. Halatang halata nga eyebags ko nun at pumayat ako nun. Miski sya napansin ang pagbabago sakin. Di rin nagtagal ay tinanong nya ako...

"May problema ka ba? Mukhang stressed ka, ah? Inom tayo! libre ko.." Pagyayaya nya sa akin.

Out of nowhere nabanggit ko ang notebook ko "Ah, wala pre. May nawawala kasing importante sakin eh. Yung notebook ko"

"Pre ito ba?" Sabi nya sa akin habang hawak ang pamilyar na notebook...

Nanlamig ako rito... Nanginig at natakot sa maaaring mangyari sa pagkakaibigan namin... Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya't naisipan ko na lang tumakbo... Tumakbo palayo sa taong minamahal ko...

Napadpad ako sa playground kung saan kami madalas magtayaan nung bata kami.

Napakanostalgic na lugar... Dito ko kasi unang naramdaman ang pagtingin ko sa kanya. Kinikilig pa rin ako nung una kong nakita ang... Bunging ipin nya.

Umupo ako sa swing at huminga ng malalim.. Malayo layo rin kasi ang tinakbo ko. Para akong gago.

Sa di kalayuan ay natatanaw ko si Richard... Tumatakbo sya papalapit sa akin... Yung notebook ko hawak nya pa rin.

Hindi na ako makatakbo or makalayo pa sa kanya dahil napakalapit na nya at alam kong huli na ang lahat... Maiinis na sya sakin at ang pagkakaibigan namin ay kanya nang tatapusin...

Ito na sya...

Sobrang lapit na nya..

Sabay niyakap nya ako at sinabing...

"Bakit mo naman tinago pa? Mahal rin kaya kita!"



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CurvedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon