MLFTC-4

17.3K 593 12
                                    

MLFTC-4

Pakiusap ko lang, magbasa ng author's note kahit nakakaepal sa pagbabasa niyo. Kasi iyong mga tanong ninyo ay masasagot lahat sa author's note. Napaghahalataang hindi nagbabasa ang ilan sa inyo kaya hindi tayo nagkakaintindihan. Minsan lang ako umepal kaya tiyagaan niyo na. Lols! XD

*****

Pumasok na ako sa kuwarto niya at nagpalit na ng damit. Matapos kong mag-ayos ay sumunod na ako sa kusina. Katatapos lang ni Jeorgie na maghain kaya't naupo nalang ako. Tumabi naman ito sa akin at pinagsilbihan pa ako.

"Jeorgie naman, kaya ko na ito." Protesta ko.

"Ito naman, bisita kaya kita kaya ayos lang 'yan." Dipensa nito.

"Ikaw talaga..." Nasabi ko na lamang.

Bigla naman nitong nasagi ang sandok, dahilan para ito'y mahulog. Nagkataon naman malapit ito sa akin kaya ako na mismo ang yumuko sa ilalim ng mesa upang abutin ito. Ngunit natigilan ako, laking gulat ko nang makita ang isang taong nakatayo sa may pinto. Nang lumakad ito palapit, sa gulat ko'y nauntog ako sa mesa.

"Hala? Yana!" Narinig ko pang sambit ni Jeorgie at agad akong inalalayang makaupo.

"Ayos ka lang ba?" Wala akong naisagot sa kanya dahil nanatiling nakatuon ang aking utak sa aking nakita kanina lang.

"Yana!" Pukaw nito sa akin.

"Ha? Ano...pasensya na." Paumanhin ko pa.

"May masakit ba sa iyo?" Nailing ako at inilapag ang sandok sa mesa.

"Kain na tayo." Yaya ko pa at pilit na pinasisigla ang aking sarili upang hindi ito makahalatang balisa ako.

"Sige..." Sang-ayon nito at nagsimula nang kumain.

*****

Pagkatapos ng hapunan ay maagang nahiga si Jeorgie sa kama. Ako naman ay hindi pa madalaw-dalaw ng antok kaya't nanatili lamang akong naupo sa tabi ni Jeorgie. Napabuga ako ng hangin at bahagyang sinulyapan ang mahimbing na natutulog kong kaibigan. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang nakita ko ng kami ay maghapunan. Ngunit alam ko, pagtatawanan niya lang ako at hindi paniniwalaan. Niyakap ko ang aking sarili. Hanggang ngayon ay narito pa rin ang matinding kaba sa aking dibdib. Kalahati lang ng katawan nito ang nakita ko kanina ngunit alam kong siya iyon. Iyong lalaking humalik sa akin no'ng ako'y nasa loob ng bodega.

Natampal ko ang aking noo. Imposible talang multo ang humalik sa akin pero paano ko naman ipapaliwanag iyon ng malinaw gayong hindi naman talaga iyon kapani-paniwala. Ang nakapagtataka lang ay bakit ngayon lang ito nangyayari sa akin. Puno man ng kaba at takot itong kaloob-looban ko, pero may parte rito ang nag-uutos sa akin upang bumuo ng isang malaking kuryursidad.

Napahugot ako ng malalim na hininga at kinuha ang kahon, maging ang sobreng kasama nito. Nakasulat sa likod ng sobre ang aking pangalan at mukhang hindi pa nga ito nabubuksan ng itay dahil nakasilyado pa ito. Pinunit ko ang dulo ng sobre at kinuha ang laman nitong papel. Nanginginig pa ang aking mga kamay habang binubuklat ang nakatuping papel.

Nang mabuksan ko ito'y nagsimula nang tumulo ang aking mga luha sa mata.

Mahal kong Ayesha,

Anak, alam ko, marami akong pagkukulang sa iyo ngunit labis pa rin akong nagpapasalamat dahil naging mabuti kang anak sa akin. Ayesha, alam kong nangungulila ka sa akin ngunit ito ang tandaan mo anak, lagi akong nasa iyong tabi. Alam ko, sa oras na binabasa mo ito'y wala na ako at alam kong hindi iyon madali para sa iyo. Ayesha, sa oras na kailangan mo ng tulong, iyong tipong wala ka ng malalapitan ay hanapin mo ang malayo nating kamag-anak na si Nely. Kasama sa sulat kong ito ang larawan niya anak. Pakiusap ko sana sa iyo na sana'y huwag kang mahiya na lumapit sa kanya sa oras ng kagipitan anak. Mahal na mahal kita, Ayesha Yana.

Nagmamahal, Mathilda.

Nang mabasa ko ang sulat ay mapait akong napangiti. Kahit wala na ito'y kapakanan ko pa rin ang iniisip niya. Itinabi ko ang sulat at muling inusisa ang laman ng sobre. Gaya nga ng sabi sa sulat ni ina ay may larawan nga itong kasama.

Pinagmasdan ko itong mabuti. Napakaganda lang ng aking tiyahin. Tiningnan ko ang likod nito at may nakasulat kung saan nakatira ang tiyang Nely.

"1994..." Naisambit ko.

Hindi ko alam kung taon ba ito no'ng huli silang magkita. Kay tagal na pala nito at mahigit dalawapu't dalawang taon na pala ang lumipas.

"Buhay ka pa kaya tiyang..."

Naibulong ko sa kawalan.

Nagdadalawang-isip akong hanapin siya dahil hindi naman ako sigurado kung buhay pa ba siya pero sa sulat ni ina ay mukhang sigurado siyang matutulungan ako ng aking tiyahin. Mariin akong napapikit at niligpit ang sulat, maging ang larawan ni tiyang Nely. Kinuha ko naman ang kahon at binuksan ito. May kasama pa itong maliit na papel at ang nakalagay dito ay maligayang kaarawan Yana. Galing ito kay ina. Muling naglandas sa mukha ko ang butil ng mga luha sa aking mga mata. Hindi niya nakalimutan ang kaarawan ko. Talagang pinaghandaan niya pa ito. Masuyo kong hinaplos ang isang mamahaling bestida na kulay pula. Iniangat ko ito at talagang walang pagsidlan ng tuwa ang aking nadarama. Kay ganda ng damit na ibinigay ng ina sa akin. Halatang iningatan niya ito ng husto dahil animo'y bago pa itong bili, dahil na rin sa amoy nito. Kinuha ko ang damit at napatayo. Inilapat ko ito sa aking katawan at talagang kasyang-kasya ito sa akin kahit hindi ko pa man nasusuot. Kaya lang ay parang masiyado itong magara, para bang dadalo ako sa isang piging.

Napalabi ako't ibinalik muli sa loob ng kahon ang damit. Kinuha ko ang perang nakarolyo. Ito marahil ang tinutukoy ng itay kanina. Mapait akong napangiti. Mangungulila ako sa kanya ng lubos nito ngunit alam kong may mag-aalaga naman sa kanya kaya mapapanatag na ako. Iniligpit ko na ang mga gamit ko at muling isinilid sa loob ng malaking bayong. Matapos ay nagdasal muna ako bago tuluyang nahiga sa tabi ni Jeorgie.

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon