Maybe it's not about the ending. It's about the story.
•-x-•
Wakas
EzramiGaano katagal na ba ang lumipas?
Hindi ko namalayan ang tumatakbong oras.
Ikaw ay nawala na sa aking isipan,
Ako'y nakawala na sa iyong pagkakagapos ng tuluyan.
Sa wakas!Ang gaan-gaan sa pakiramdam,
Nakamit na rin sa wakas ang kalayaang inaasam.
Ikaw nga ay tuluyan ng nawala sa aking sistema,
Kinakaya nang hindi ka makasama.
Sa wakas!Ang pangarap kong tumanaw ng bitwin sa gabi,
May pangarap pa ring ganon ngunit ayos lang kahit hindi ka katabi.
Hindi na importante sa akin kung hindi ka sa akin nakasulyap at kahawak-kamay,
Ayos lang sa akin kung ikaw ay sa akin nang mawalay.
Sa wakas!Ayos lang kung ikaw ay sa akin nang mawalay,
Naiintindihan ko na maaaring tapos na ang papel ko sa iyong buhay.
O maaaring tapos na ang tungkulin mo ayon sa Kanyang plano,
Dahil alam Niya na ako na ay iyong nagabayan sa mabuting pagbabago.
Sa wakas!Salamat sa panahon na naigugol mo sa akin,
Hindi ko makakalimutan ang saya, lungkot, at lahat ng naipadama mo sa akin.
Salamat dahil ikaw ay naging sandalan ko nang ako ay may problema,
Salamat dahil pinaramdam mo sa akin na hindi ako nag iisa.Salamat dahil pinagkatiwalaan mo ako bilang kaibigan,
Salamat dahil pinaramdam mong mahalaga ako sayo kahit panandalian.
Salamat dahil ako ay iyong nabago,
Dahil sayo ako ngayon ay ganito.
Habang ginagawa ko itong tula ay dito ko lang napagtanto,
Kung paano mo nabago ang aking pagkatao.
Dahil sayo ako ngayon ay naging mas malawak ang kaisipan,
Dahil sayo marami akong natutunan.Natuto akong ngumiti sa kabila ng mga sakit,
Tinuruan mo ako kung hanggang kailan dapat kumapit.
Tinuruan mo akong magpahalaga ng iba,
Pero tinuruan mo rin akong isipin aking sariling ligaya.
Dahil habang pinapahalagahan ko ang iba,
Nakalimutan ko na ang aking sarili na unti-unti na palang nanghihina.
Dahil sayo natutunan kong maging madamot minsan para sa sarili,
Isipin muna ang sarili kahit ilang sandali.Dahil sayo rin, ako ngayon ay nagkaroon ng tiwala sa sarili,
Dahil sayo, naniwala akong maganda ako kahit maraming pagkakamali.
Dahil sayo taas-noo na akong nakakapaglakad sa gitna,
Nakakaya nang maglakad mag-isa sa gitna ng hindi nahihiya.
Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa akin,
Pero siguro dahil sa paghingi mo ng tulong sa akin tungkol sa iyong mga saloobin,
Hindi ko namalayan na sinasabi ko rin pala 'yon sa aking sarili.Dahil sayo, natuto akong maging positibo,
Dahil sayo, nagkaroon ako ng tiwala sa mga abilidad ko.
Naaalala ko na madalas kong sabihin sayo noon na "kaya mo yan"
Pero ako rin mismo walang tiwala sa sariling kakayahan.
Habang pala tinuturan kita maging positibo sa buhay,
Tinuturuan ko rin pala ang sarili ko sa ganoong bagay.
At naaalala ko rin nang ako ay bumaba ang tingin sa sarili ng tuluyan,
Ikaw naman ang nag angat sa akin at nagsabi na "kaya mo yan"
Kaya kinaya ko ang lahat dahil sa sinabi mo,
Nakaya ko ang lahat dahil sinabi ko sayo.Salamat, dahil sayo'y marami akong natutunan,
Natuto akong maging malakas at wag tumigil sa paglaban.
Nasabi ko na walang permanente sa mundo,
Pero naniniwala ako na darating ang araw na may darating sa buhay ko,
Yung taong magtuturo sa akin na hindi mababase ang lahat sa "forever" o sa dami ng taon,
Kundi mas importante ang mga alaalang bubuo sa mahabang panahon.
Pero siguro nga ikaw ang nagpatanto sa akin ngayon tungkol sa bagay na 'yon,
Pero alam ko na hindi ikaw ang taong magpaparamdam sa akin 'non.Salamat sa mga alaalang nabuo natin,
Mga alaalang habang-buhay kong bibitbitin.
Salamat sa mga alaalang bumuo sa kaunting panahon,
Salamat dahil na punan mo ang aking pagkukulang sa natapos na taon.Salamat din sa Diyos dahil pinadaan ka niya sa aking buhay,
Salamat sa Kanya dahil naging parte ka ng aking paglalakbay.
Hinding-hindi kita makakalimutan kailanman,
Hinding-hindi ka mawawala sa aking puso't isipan.
Siguro ay aalisin ka na Niya sa aking buhay,
Siguro ay aalisin na Niya ako sa iyong buhay.
Mukhang tapos na ang misyon natin sa isa't isa,
Hanggang dito na lang ang daang sabay nating igigiya.
Tatalikuran na ang ating iniwang mga bakas,
Dito na maghihiwalay ng landas sa senyas na nagsasabing WAKAS.
BINABASA MO ANG
Her Side
PoetryIsang tula tungkol sa kanyang nararamdaman: saya, pagmamahal, lungkot, depresyon, bigo, wasak, mawala, hindi makilala ang sarili, makulong, lumaya, umasa, umaasa, nakamove-on pero patuloy ulit na umasa.