Minsan aminin natin sa hindi lalo na sa mga babae, kapag umabot na tayo sa edad na 30years old pataas dumadating sa puntong natatakot tayo na baka tumandang dalaga tayo. Kaya minsan, sumusugal tayo sa paghahanap ng paraan para lang magka-boyfriend sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya ngayon tulad ng pag-chat at pag-tetext. Minsan pa nga nag-paparehistro din tayo sa mga dating site para mahanap lang natin si Mr. Right.
Ang tanong totoo bang may Mr. Right? well para sa akin, parang hindi naman ata totoo o hindi ko palang talaga nakikita ang talagang true love ko kaya ko ito ang nasasabi ko.
Share ko lang po ang aking experience sa paghahanap ng aking Mr. Right. I'm 30 years old now at medyo aaminin ko kabado na nga ako na baka isa ako sa mga member ng old maiden club. Kapag tinatanong ako ng mga friend and officemate ko kung kailan ako magpapakasal, lagi ko nalang sinasabi na "soon", or "nawawala pa kasi yung soulmate ko" or minsan "enjoy pa ako sa pagiging single"....but the truth is, I'm always looking forward for my Mr. Right or to My soulmate at medyo naiinis or naiirita ako sa kanila kapag yun ang laging tinatanong nila sa akin..hindi ko naman ginusto ang tumanda ng ganito eh...minsan parang mas gugustuhin ko nalang mag-solve ng problem solving sa math kaysa isolve ang lovelife ko..kasi ang math nahahanapan kaagad ng solution, may formula kasi, unlike sa lovelife hanggang ngayon hindi ko pa din ma-solve at mahanapan ng tamang formula.
Lumipas ang madaming buwan sinubukan ko makipagsapalaran sa paghahanap ng aking Mr. Right sa pamamagitan ng internet, lalo na sa mga dating site like Date in Asia or Cebuana..Nung una medyo masaya at exciting kasi madami ang nag-view at madami din ang nakikipag-kaibigan at gustong makipag-eyeball agad. Minsan nga gusto nila makipag-chat at webcam agad para makita nila kung maganda or pangit ang ka-chat nila. Minsan pa nga na-experience ko, may-nakilala ako sa site na yun, gusto nyang makipag-webcam, syempre interesado din ako makita sya. Grabe nung pagka-view ko sa cam nya laking gulat ko kasi ibang-iba yung profile pic nya dun sa itsura nya sa webcam, hehehe, halatang poser lang pala sya, kaya hayun after nun ndi na ako nakipag-chat pa sa kanya.
May maganda at pangit ang naidudulot ng pakikipag-chat lalo na sa ibang girl na talagang nakahanap ng mga true love nila sa pamamagitan lang ng pag-chat. Kaya lang hindi ako kabilang sa kanila, mukhang luklukan ata ako ng malas pagdating sa ganyang bagay. Kasi habang tumatagal halos maka-mundo or sabihin nalang natin "maniac" ang mga halos na nakikilala ko sa site na yun. Walang ibang alam kung hindi, "magaling ka ba sa ganito" or "kapag nagkita tayo pwede bang sa motel", wow ha yun lang ba ang mga alam nilang gawin?!..tsk..tsk..tsk..
Hanggang sa nakilala ko ang isang guy, akala ko mabait at ibang-iba sya sa lahat. Kasi nung una palang kami nag-usap tru chat, sobrang bait nya, as in at magalang pa syang kausap. yun pala magaling lang mambola dahil, sasabihin nya sayo na mahal na kita agad kahit dito palang kita nakita....at madami pang magagandang salita ang binibitiwan nya, aaminin ko nahulog ang loob ko sa kanya kasi nung mga unang araw at linggo at buwan na lumipas talagang mabait naman sya kapag kausap, kaya sinagot ko sya kahit sa text lang kami nag-uusap, hindi naman siguro masama ang umasa na sana sya na nga...alam nyo ba kahit bisaya sya magsalita buong puso ko sya tinanggap at kahit may mga nakaraan sya tinanggap ko pa din sya...pero habang tumatagal lumalabas ang tunay nyang ugali...Isang beses mag-kausap kami sa text...niyaya nya ako na magkita kami..yun ang magiging kauna-unahan naming pagkikita kung matutuloy...pumayag naman ako kasi gusto ko din sya makita ng personal...kaya lang ang gusto nya magkita kami sa pasay pa, isa sa mga motel dun.. syempre ako medyo kinabahan na...hindi naman kasi ako pinanganak ng kahapon lang para hindi ko ma-gets ang gusto nyang mangyari.. Ang dami ko sa kanyang dahilan sabi ko sa kanya bakit dun pa baka naman pwede sa iba nalang kasi mahirap na kapag dun, marami pwedeng mangyari.. ang sagot naman nya sa akin, wala ka bang tiwala sa akin? magpapahinga lang tayo dun atska hindi naman kita gagalawin dun eh, talagang magpapahinga lang tayo...(o di ba mga palusot nya halatang may balak)... habang papasok ako sa aking trabaho hindi pa din ako mapalagay sa gusto nyang mangyari, lagi pumapasok sa isip ko imposibleng walang mangyayari dun...nag-pray ako kay Lord na sana gabayan nya ako at ilayo nya ako sa mga taong gusto lang ako saktan at lokohin...breaktime namin ng mag-katxt ulit kami, at talagang pinipilit nya pa din ang gusto nya...hindi ko alam kung bakit ang naisagot ko sa kanya ay ganito..."cge payag ako magkita tayo, pero pumunta ka muna dito sa bahay at kausapin mo ang mga magulang ko..gusto kita ipakilala sa kanila"...biglang nagbago ang sagot nya sa akin..sabi nya next time nalang daw, magkita muna kami bago sya pumunta dito sa bahay, nahihiya daw kasi sya...pinilit ko pa din ang gusto ko sabi ko sa kanya "akala ko ba mahal mo ako at sreyoso ka sa akin, eh bakit ganun pupunta ka lang sa bahay para ipakilala kita sa kanila, ayaw mo naman"...at talagang nag-mamatigas naman sya sa pagtanggi at kung anu-anu pa ang mga dinadahilan nya...dun ako biglang natauhan....kasi di ba kung talagang seryoso at tapat ang hangarin mo sa isang tao willing ka makipagkita sa magulang nya...siguro nga yun ang binigay sa akin ni Lord na tanong para sa kanya para malaman kung talagang seryoso sya at totoo ang hangarin nya sa akin...Simula nun hindi ko na sya tinext pa at hindi natuloy ang pagkikita namin...dun ko lang din naisip na siguro kaya madami ang napapahamak dahil nadadala sila sa mga ganung pambobola ng isang lalaki, pero kung lagi tayo nag-pray kay Lord at hingin ang gabay nya, gumagawa sya ng ibang paraan tulad ng pagbibigay sa atin ng idea para malaman natin or magising tayo sa pambobola ng ibang lalaki na ang gusto lang ay maisahan tayo...
Salamat nalang kay Lord atleast bigla nya ako ginising sa simpleng idea na ibinigay nya sa akin...kaya sa mga girls jan, lagi tayo mag-iingat at lagi tayo mag-pray at hingin natin lagi ang kanyang gabay sa araw-araw nating ginagawa....