Pangarap ko ang ibigin ka..
Ibigin ka ng libong ulit pa gaya nung nauna..
O hindi pala..
Ang gusto ko ay bago..
Ang gusto ko ay maibaAng gusto ko lahat ng plano ko ay masusunod para sa'ting dalawa..
Na sa bawat pilas
Na sa bawat punitAng mga pahinang maidadagdag ay magiging alaalang di na dapat balikan pa..
Tipong sa bawat bukas na darating ay maipiprisenta akong iba..
Isang surpresa bawat araw..
Oh di'ba angsaya?
Pero parang may iba..
Parang may kulang pa din na hindi ko maesplika..
Sa bawat araw na dumaraan ay papalit-palit din ako ng emosyon pero ang pakiramdam ay parang wala pa ring pinagbago..
Wala pa rin akong nabago..
Sa bawat araw na nagdaraan pakiramdam ko ay unti-unti na rin akong nawawalan ng alaala..
Naaalala kita pero parang wala na..
Sino ka nga?
Nagbabaga ang ulo ko sa galit na sa tuwing pinapaalala mo sa'kin kung paano kita nasorpresa at napasaya..
Ay parang blangko naman ang memorya ko na ibalik ang panahon kung saan nangyari ang mga nabanggit mong eksena..
Napahanga ba talaga kita?
O napasaya ba talaga kita?
Kailan? Saan?
Paano? Saan banda?Natatakot ako.
Natatakot ako na baka hindi na pala kita ganun kamahal..
Dahil wala na talaga akong maalala..
Hindi ko alam kung paano maibabalik sa isipan ko yaong mga eksena na pinagsaluhan nating dalawa..
"Pagod na ako,mahal."
Bumubuhos ang luha ko na parang may napakahalaga akong iniyakan..
Ikaw nga pala..
Yapos ang ulo kong nakasandal sa dibdib mo na hindi mauundayan ng mga susunod na eksena..
Lumuluha na ako pero nariyan at napakakalma mo't may pagngiti pa..
Ang sinabi ko'y inulit ko pa..
"Pagod na ako,mahal."
Pero marahan kang nagbiro..
"Kung pagod ka na,e'di magpahinga ka na."
Kasunod ay isang malumanay na ngiti na naging gabay sa mga gusto kong sabihin..
"Hindi na kita,mahal."
"Baka 'di na kita mahal."
Sabay bigkas mo ng mga katagang..
"Mahal kita."
BINABASA MO ANG
Answers
RomanceSome questions might be answerable by a yes or a no but it can't be compared for answers that mean EVERYTHING --------------------------------------