Chapter Ten

32.9K 506 11
                                    

His Past Time Girl by LittleRedYasha

Chapter Ten

Parang mabilis lang na nakabalik kami agad sa condominium building.

"Let's go," sabi ni Jeric nang buksan ang pinto sa side ko.

"Sandali," sabi ko naman at hinubad ang suot kong heels."Kanina pa sumasakit ang paa ko dahil dito,eh. O, okay na. Tara,"

Magkahawak kamay kaming pumasok sa building at maraming tenants ang napapatingin. Sumakay kami sa elevator at ang mga nakasabay namin ay napatingin din. Nagpalitan lang kami ng ngiti.

"Whoa! Ba't parang na-miss ko agad yung condo ko?"

Hinubad agad niya ang coat niya at tinapon sa sofa.

"Masaya akong nakauwi agad tayo, alam mo," sabi ko naman."Ano na ngayon?"

"How about we party on our own?"

"Hmm? Ano'ng ibig mong sabihin?"

Pumunta siya sa kusina at pagbalik niya'y may dala na siyang bote ng red wine at dalawang wine glass.

"I mean this,"

"P-pero hindi naman ako umiinom. Ni hindi ko pa nga nasusubukan,eh,"

"Red wine lang naman 'to. You don't have to worry."

Inilapag niya iyon sa maliit na mesa sa sala at binuksan. Nakita ko pang tumalbog yung cork.

"I think magugustuhan mo ang lasa nito. Subukan mo,"

"Sa tingin ko nga,"

Binuhusan niya ang dalawang wine glass ng kaunti lang at iniabot sa akin ang isa.

"Let's cheers," sabi niya at nagbungguan ang mga baso namin.

Nang sumimsim ako, agad akong napangiwi. Ang tapang na matamis na ewan. Nasamid pa ako.

"Ano ba ang lasa nito?" sabi ko.

Natawa siya."Sa umpisa lang naman yan,eh. Masasanay ka din,"

Masasanay? Bakit, araw-araw ba 'kong iinom ng ganito?

Nakita ko siyang uminom at parang wala lang naman sa kanya. Mukha ngang nasanay na siya. Sumimsim ulit ako. Ang tapang talaga. At isa pa. Hanggang sa hindi na 'ko ngumingiwi. Hindi ko namalayang sunod-sunod na pala ang pag-inom ko. Nararamdaman ko na ang init na gumagapang sa lalamunan ko.

"Sandy, are you okay?" tanong ni Jeric."Just take it slow,"

"Pwede bang isa pa?"

Ubos na kasi ang laman ng baso ko.

"Sure," binuhusan naman niya ang baso ko."Pero sigurado kang okay ka lang, ha?"

"Oo naman. Ako pa,"

Sunod-sunod ang inom ko hanggang sa nakaramdam na 'ko ng pagkahilo. Inilapag ko ang baso at sinapo ang ulo ko.

"Now I don't think you're okay," sabi niya at nilapitan ako.

Bakit ganun, wala man lang epekto sa kanya?

"Nahilo lang akong konti,"

"Mabuti pa magpahinga ka na. My fault,"

Inalalayan niya 'kong tumayo on one hand dahil hawak pa niya ang wine glass sa kabila at nakalimutan yata niyang ilapag. Tumayo naman ako pero nawalan ako ng balanse kaya natabig ko ang isang kamay niya at matapon ang laman ng baso sa damit niya.

"Oh!" aniya habang nanlaki naman ang mga mata ko.

"Sorry, Jeric!" sabi ko namang natauhan at dali-daling naghagilap ng pampunas. Nakakita ako ng panyo sa loob ng cabinet.

Mabilis ko siyang nabalikan at ngayo'y hinuhubad na niya ang damit niya.

"Pasensiya ka na, Jeric, hindi kasi ako nag-iingat, eh,"

"No, it's okay. Ako ang may kasalanan,"

Pinunasan ko ang bandang dibdib niya hanggang sa tiyan at hindi ko naiwasang mapalunok. Ang ganda ng pagkakahubog, parang nililok. Walang bakas ng kaunting taba kasi may abs siya. Lalong nag-init ang pakiramdam ko. Ano ba 'to? Hindi dapat. Mali.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagpunas. Iniwasan ko ang mga mata niya. Wala akong karapatang magnasa sa kanya. Wala kahit kanino.

Napahinto lang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Sandy,"

"B-bakit?"

Nagsalubong ang mga mata namin at nakita kong namumungay na ang mga mata niya.

"Jeric.. ."

"I want you,"

At bigla na lang niya 'kong siniil ng halik sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko. Dala na rin siguro ng alak at pakagulat ay hindi ako nakagalaw.

Naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya at ang paggalugad ng dila niya sa loob ng bibig ko. Pakiramdam ko mabubuwal ako kaya napahawak ako sa mga balikat niya.

Hindi pa ako nahahalikan buong buhay ko. Pero hindi ko siya magawang itulak. Nagpadala ako. At ilang sandali pa ay tumutugon na din ako. Alam kong mali pero ayaw kong pigilan. Tuluyan na bang nahulog ang loob ko sa kanya?

Naramdaman ko ang mga kamay niya na pumulupot sa beywang ko at idinikit ako sa katawan niya. Gusto ko ang pakiramdam. Gusto kong makulong sa mga bisig niya.

"Sandy,"

Pareho kaming naghahabol ng paghinga nang maghiwalay ang mga labi namin. Magkadikit ang mga noo namin.

"I'm sorry. Hindi ko napigilan ang sarili ko,"

Bakit siya nagsu-sorry? Nagsisisi ba siya? Pero ako hindi.

Nang akmang pakakawalan na niya ako ay hinila ko siya sa batok at siniil naman ng halik. Dahil sa alak na 'yon ay natakasan ako ng pagkamahiyain. Ayokong tigilan niya ang paghalik. Ewan ko ba.

Naramdaman ko ang pagkagulat niya kaya kumalas din ako. Bigla akong nahiya sa ginawa ko.

"Does that mean you want me, too?"

Hindi ako sumagot. Yumuko lang ako. Natatakot akong magsabi ng 'oo'.

"Sandy, answer me," and he nudged my chin.

Pumiksi ako pero bigla na naman niya akong hinapit sa beywang at siniil ng halik sa labi.

Bakit ba niya ginagawa sa 'kin 'to? Pinapahirapan niya 'ko. Hindi ko magawang manlaban. Ayaw ng katawan ko.

Binuhat niya 'ko at ipinatong sa dining table habang magkahinang pa rin ang mga labi namin. Naramdaman ko ang kamay niya na unti-unting ibinababa ang zipper ng suot kong dress hanggang sa nalaglag iyon at nahantad ang dibdib ko.

"Jeric.. ." sambit kong nakaramdam ng hiya dahil halos wala na akong saplot.

"Sandy, you don't have to be shy. Don't you know you're beautiful?"

Namula lang ako dahil sa sinabi niya. Hinalikan niya ako ulit hanggang sa bumaba ang mga labi niya sa leeg ko. Napasinghap ako. Napakagat-labi ako nang maramdaman ko na inangkin niya ang isang dibdib ko. Napaliyad ako.

"Jeric, hah.. ."

Naglandas ang dila niya sa pagitan ng dibdib ko. Ewan ko ba. Parang sasabog na yata ako. Hinubad din niya ang panty ko at kung pwede lang na lumubog na ako sa pwesto ko ngayon.

Iniangat niya ang mga binti ko kaya napahiga ako. Hinubad din niya ang natitira niyang suot. Ito na ba 'yon? Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Sandy, come here," masuyong bulong niya.

Umangat naman ako at binuhat niya 'ko papunta sa silid at inilapag ako sa kama. Nakikita ko na ang kabuuan niya at masasabi kong napakagandang nilalang ng katulad niya.

"Are you ready?"

Tumango lang ako.

***

Huh? Ready para saan? Ahaha. Votes and comments naman diyan.

-LittleRedYasha

His Past Time Girl (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon