maglalakad sa gitna ng
madilim na parte ng iyong
nakaraan
pero teka bakit pilit mo
pa itong binabalikan
ang buhay mo ay nasa
kasalukuyan wag mong
sanayin ang sarili na
mamuhay sa paulit
ulit na kasinungalingan
biglang uulan
papatak ang mga luha
tumatagtak ang pawis
hingal na hingal ..
tumatakas ka sa
kasalanan
lusutan dapat
dahil ito ang
kailangan ..
babagsak ka
pero bumangon ka
manghihina sa una
at makikita ng iba
tatawanan ka pero
tutulungan ka nila
sila ang iyong tropa
hindi matatawaran
ang samahan higit
pa sa kapatiran
walang iwanan
sa barkadahan
kahit anung mangyari
bawat isa ay laging
nariyan
maaring lumisan
ngunit di ka malilimutan
at sila'y handa kang
balikan kung kinakailangan
bawat tagay may kwentuhan
sila ang kasama mo sa bawat
inuman magkaron man ng
tampuhan o iyakan sila ay
laging maasahan at iyong
masasandalan