'I'm falling for your eyes but they don't know me yet..'
***
"Hi! I'm Lucas," nakangiting bati ko sabay lahad ng kanang kamay.
Pero wala akong nakuhang sagot. Binaba ko na lang ang kamay ko at bumuntong hininga. Nakatingin pa rin ako ng deretso at naghintay pa. Pero wala talaga. Tss.
"Pare, kahit na maghintay ka pa dyan habang buhay mo, hindi yan sasagot sayo," natatawang pang- aasar sakin ng kaibigan ko. "Pader ba naman yang kausapin mo eh! Hahahaha. Baka mamaya halikan mo na yan ah!" Dugtong pa niya.
Sinamaan ko sya ng tingin at kumuha ng throw pillow sa pinakamalapit na sofa. "Gag*!" Sabay bato sa kanya nung unan.
Nakailag sya habang tumatawa. "Bakit kasi di mo pa sya lapitan? Mukhang tanga ka na lang ba dyan palagi na pagpapractisan yang pader! Nako pre! Sumagot yan sayo eh! "
Binatukan ko sya at naupo sa katapat nyang sofa. Inagawan ko rin sya ng chichiryang kinakain nya. Tsk. Napakatakaw neto.
"Pakialam mo ba?!" Sabi ko na lang.
Pakialam ba nya? Eh sa nakakabulol pag kaharap ko na sya. Hindi na ako makapagsalita pag nandyan na sya. Natatanga ako at napapatitig na lang. Oo na. Ako na ang torpe.
"Torpe mo pre!" kakasabi ko nga lang sa utak ko kelangan talagang ipamukha?! Ang gag* talaga neto.
Sinipa ko yung paa nya sa coffee table.
Alam ko namang torpe ako. Ganun talaga siguro kapag tinamaan ka talaga. Hindi ko nga alam kung bakit sa kanya eh. Simple lang naman sya. Walang kakaiba. Maganda rin naman pero maraming mas maganda sa kanya.
Napansin ko lang naman sya nung tumakbo syang isa sa mga student council ng school namin last year. Yung boses nya kasi ang tapang kaya nakuha nya ang atensyon ng buong section namin. Kami ang last section kaya lahat ng nandito ay halos lahat ng mga bobo at barumbado. Karamihan lalaki. Ayun nga, ang tapang ng boses nya hindi mo aakalaing galing sa maamo at inosente nyang mukha. Tapos tinanong nya kami kung anong gusto naming mabago sa pamamalakad ng school namin. Sinabi nyang kukunin nya ang tulong namin para sa pamamalakad ng school kapag nanalo sila ng partido nya. Hindi ko nga alam kung paano nya nakuha ang boto ng section namin. Siguro dahil sa tapang nya o dahil pinagbabatukan nya kami isa- isa, oo kasama ako, nung pinagtawanan namin yung sinabi nya.
Nakakatuwa sya. Ang liit nyang babae pero nagawa nya yun. Kaya nga siguro kasali sya sa mga nanalo eh. Tinupad naman nya yung sinabi nya samin. Ginamit nya kaming panakot sa mga estudyanteng pasaway. At kapag kami naman ang naging pasaway palagi nya kaming pinagbabatukan at pinaglilinis ng cr. Kung hindi naman ay sinasabihan nya yung CAT officer na nakaassign samin na pahirapan kami. Dahil doon, nakuha nya ang respeto namin.