Reese Angeles was his bitch. Was. Because starting today, things will change.
She stepped outside the building. Nakaramdam sya ng relief. Para bang sinasabing 'sa wakas!'. Pero hindi pa rin maitatago ang kaunting kirot sa puso nya. Enough, Reese. Sabi nya sa sarili nya. Hindi mo na kailan man ibababa ang sarili mo para sa kanya.
Ngumiti sya. Alam nyang para syang tanga pero lalo lang syang ngumiti at taas noo syang naglakad paalis sa lugar na iyon. From this day forward, things will change. Sabi nyang muli sa kanyang sarili sabay himas sa tyan nya.
It was one of those days kung saan ay makulimlim. Wala syang dala na payong. Paano pa ba nya maiisip na magdala ng payong, ni hindi nga sya nakapagdala ng kahit anong gamit nya mula sa condo ni Ford. At isa pa, mas ok nga na maulanan sya. Feeling nya, may hang over sya. Feeling nya, kailangan nyang magising sa katotohanan.
It was one of those times.. na naiiyak sya pero pilit nyang pinipigilan. Panay ang tanaw nya sa pinanggalingan nya. Ilang hakbang lang ang bus stop mula sa building na pinanggalingan nya. Napatingin sya sa kanyang wrist watch at naalala nya, Si Jayden ang nagbigay nito.
It was early in the morning. 7 am, mga ganoong oras sya nagwalk out sa condo ni Ford. Ngayon ay mag-aalas otso na. Napangiti sya at narealize nyang umaasa pala sya na susundan sya ni Ford.
Bakit pa?, tanong nya sa sarili. Hindi naman kailangang magpaliwanag ni Ford. Hindi nya yung obligasyon. Hindi nya yun kailanman gagawin. Hindi ganoon si Ford.
All of a sudden, tears fell down from her face.
It was the sudden death within you. You are hoping for a fairytale-like ending yet you know that.. it will never exist.