XII. Meet

1.7K 54 0
                                    

Franzine Guillar

Nandito ako ngayon sa labas ng Mall habang hinihintay ko si Jam. Sinabi kong dito nalang kami magkitang dalawa imbis na sa hideout. Ayoko talaga sa lahat ay 'yung pinaghihintay ako ng matagal lalong-lalo na kapag nakatayo lang ako magdamag.

Maghanda ka sa 'king, Jam ka.. Sana talaga at importante 'yang sinasabi mo para hindi sayang ang paghihintay ko..


"Sorry, I'm late." napalingon ako sa gili ko ng may biglang nagsalita. Si Jam pala.


Buti naman at dumating na siya... Tsk!


"Sabihin mo na ang kailangan mong sabihin." malamig na sabi ko sa kanya.

"Ba't sa labas pa ng Mall, FG? E, pwede namang sa loob diba?" pagtatanong niya habang tumitingin pa sa mga taong pumapasok ng mall. Sinamaan ko naman siya ng tingin at saka siya nagseryoso.


"Sabi ni Boss, may meeting daw tayo next week." sagot niya sabay sindi ng sigarilyo. Tiningnan ko siya ng matalim habang ginagawa niya ang pagsisindi sa sigarilyo.

"Itatapon mo 'yan? O ipapalunok ko 'yan ng buo sa 'yo?" bantang pagtatanong ko sa kanya. Dali-dali naman niyang itinapon 'to at tinapakan.



"Tsk. Tungkol saan ba ang meeting na 'yan? Nagmeeting pa tayo nung—"



"Importante daw 'to." singit niya.


"Ge, 'yun lang ba?" tanong ko sa kanya at nagsimula ng talikuran siya.


Kung wala na siyang iba pang sasabihin ay aalis na ako.

"Oo, pwede ka ng umalis." sagot niya at sumakay sa motor niya sabay paharurot.
Tiningnan ko lang siya na pinaharurut ang motor papalayo sa 'kin hanggang sa nawala siya sa paningin ko.








---


Jam Klein Stewart

Grabe talaga si FG. Kung makapangbanta sakin, akala niya ikakamatay ng lahat ng tao ang pagyoyosi ko. Di talaga ako nakakapagyosi sa tuwing kasama ko siya.



Papauwi na ako ng may muntikan akong mabangga na babae buti nalang at nai-preno ko agad.



Punyeta! Ba't siya tumawid?


"Waaaaaahhhhh!!!!" malakas na sigaw ng babae at tinakpan ang mga mata niya ng kamay.


Kung makasigaw akala mo natamaan ko siya e may tatlong dipa pa ang layo ng motor ko sa kanya e..


Nang napagtanto niyang walang nagsalita ay dahan-dahan niyang kinuha ang kamay niya na nakatakip sa mata at saka ako tinignan. Unang tingin, nililinaw pa ako. Pangalawang tingin, nagkasalubong pa ang kilay niya. At saka ang pangatlong tingin, sinamaan niya ang tingin at dinuro pa ako.



"Huy! Balak mo ba akong sagasaan?" sigaw sa 'kin ng babae.



"Excuse me PO ate—"



"'Wag mo akong ma Ate-ate! Di kita kapatid." singhal niya sa 'kin.


Sinabi ko bang kapatid ko siya? E, gumagalang lang naman ako sa kanya. Grabeng katangahan ng babaeng 'to, di na nga marunong tumawid di pa marunong umintindi.



"Huy Miss, pwede bang 'wag kang magreact na parang natamaan kita, kung maka sigaw ka parang ako ang may kasalanan." singhal ko sa kanya. Narinig ko naman ang bulong-bulongan ng mga tao sa paligid.


Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon