Franzine Guillar
Bakit naman kaya natanong ng nerd nato ang tungkol sa pagiging gansgter ko?
Pagkatapos kung sagutin ang tanong niya ay natahimik siya bigla at hanggang sa nakauwi kami ay wala paring nagsasalita sa amin.
Naka uwi na ako. Nagtataka kayo kung bakit? Kasi pinuntahan kami nung teacher nag utos sakin at kay Nerd. Pag-uwi ko nadatnan ko si Hazel na malalim ang iniisip at nakatitig sa kawalan."Huy." tawag ko sa kanya pero parang wala siyang narinig at di man lang ako pinansin.
Grabe talaga ang babae na 'to. Tsk!
Di ko nalang siya pinansin at lumapit kay Mama na mahimbing na natutulog. Hinalikan ko siya sa noo at pumasok na sa kwarto at nagbihis. Lumabas muna ako pero ganun parin si Hazel.
Anong bang iniisip ng babae na 'to?
*Boink*
"Aray naman!" sabi niya habang nakahawak sa batok niya.
Batok lang pala ang kailangan para matauhan ang babae'ng 'to. Tsk!
"Bakit ka ba nakatulala?" tanong ko at uminom ng tubig.
"Huh? Ahh! Wala. Nandyan ka na pala? Alis na ako." sabi niya at nagmamadaling umalis.
Nagtaka ako sa inaksyon niya pero di ko nalang 'yun pinansin at natulog nalang ako dahil maaga pa akong gigising bukas.---
Jam Klein Stewart
Ano ba naman 'yan oh?! Bakit pa ako ang inutusan na bumili sa wattpadbook nayan at saka kailan pa siya nahilig dun?
"Babe? May problema ba?" tanong ni Lexie sa 'kin.
"Huh? Wala naman. Babe, may aasikasuhin lang ako a?" sagot ko sa kanya sabay halik sa pisngi.
"Wait babe, sa'n ka ba pupunta?" tanong niya sakin.
"Sa bookstore lang. Bibilhan ko ng wattpad book si FG." sagot ko sa kanya.
"Oh? That bitch!" singhal niya at nagcross arm.
"Babe, 'wag mo siyang tawagin ng ganun." sabi ko sa kanya.
"Okey, sorry! Can I come with you?" tanong niya sabay pout.
"Tsk! Okey. Tara!" sabi ko sabay hila sa kanya.
Di ko na naayawan dahil nagmamadali ako. Baka naghihintay na si FG at pagsusuntukin pa ako nun.
Pagkarating ko sa Bookstore ay agad kong hinanap yung pinapahanap niya.
San ba nakalagay ang Define Love na 'yun? Hanggang ngayon nagtataka parin ako kung bakit nagpapabili sa 'kin si FG ng wattpad book.
"Babe, ito ba?" tanong ni Lexie sabay pakita ng isang libro.
Oh shot! Ang galing niya talaga maghanap.
"Yah! Mukang 'to nga babe. Thanks babe." sagot ko at hinalikan siya sa labi na agad naman siyang humalik rin sakin pabalik pero bumitaw na ako sa halik at baka san pa ito mapunta nasa bookstore pa naman kami. Pumunta nalang ako sa cashier area.
BINABASA MO ANG
Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)
Teen Fiction(Completed) Paano magmahal ang isang Gangster sa isang Nerd? Paano kung may desisyon na kailangan gawin para sa kapakanan ng mahal niya? Paano kung susuko na siya? Pero ang isa naman ay patuloy parin ipinaglalaban ang pagmamahalan nila? Magiging mad...