Copyright © AMYUZMAN
(Amy de Guzman)
All rights reserved
2016KABANATA 2
Simula nang gabing iyon ay gabi gabi na lang niya akong ginagalaw. Minsan nga, iniisip ko na kitilin na lang ang sarili kong buhay, ngunit sa tuwing darating na ako sa puntong iyon ay hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Hihintayin ko pa si mama.
Maraming bagay pa kaming--
"Uy!" Nagulat ako nang bigla akong kinalabit ni Camille, kaklase ko.
"Napapansin ko lang, parang laging malamim ang iniisip mo, lagi kang wala sa sarili. May problema ka ba?"
"A-ako?" Turo ang sarili ko. "M-may problema? W-wala ah."
"Talaga lang ah. By the way, ano palang dadal'hin mo?"
"Anong dadal'hin? Para sa'n?"
"Tingnan mo na! Halatang di ka nakikinig e. May gagawin tayo mamaya, group activity."
"Yun ba? Ano bang mga kailangan?"
"Ahm.... basta! Kahit anong art materials."
"Ah. Sige. May marker naman ako rito sa bag, may pencil din at ruler."
"Sige, yun na lang sa'yo. Punta lang ako sa iba pang members natin." Tinanguan ko na lang siya.
"Stacy, anong group ka?" Boses ni George, galing sa likuran ko.
"Two, bakit?"
"Magkagroup pala tayo," nakangiting sabi niya.
"Ok," tugo ko na lang. Wala akong ganang makipag-usap lalo na kay George. Sikat kasi ito sa school. Bukod sa gwapo at mayaman ay marami pa itong talento. Hindi ko nga alam kung paanong nakilala nita 'ko. Isa lang naman akong 'Stacy', isang inabusong babae. Haaay... naalalaa ko na naman ang mga bagay bagay na nangyari sa'kin. Ang sakit sakit sa pakiramdam. Ewan ko nga kung saan pa ko humuhugot ng lakas nang loob para makayanan ang--
"Tulala ka na naman." Andito pa pala si George. Bigla na naman akong nagising sa realidad.
"Ahh... wala. May naalala lang ako," pagsisinungaling ko.
"Ano ba yang inaalala mo at lagi lang tulala? Alam mo ba yun? Lagi kaya kitang pinagmamasdan." Bigla akong namula sa sinabi niya. Ako pinagmamasdan niya? Imposible!
"Loko!" Matawa-tawa kong sabi sa kanya.
"Ayan! Mas maganda ka kaya kapag nakatawa. Sana lagi ka na lang ganiyan," seryoso niyang sabi.
"Sana nga... sana," sabi ko nang mahina.
"Ano? May sinasabi ka ?"
KRIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!
"Wala! Time na, umuwi na tayo!" Aalis na sana 'ko nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palapit sa kanya. "Ano bang problema mo?!"
"May nakakalimutan ka yata. May gagawin pa tayo," sabi niya nang may nakakalokong ngiti.
"Ha? Anong gagawin? Tarantado ka! Anong gagawin mo sa'kin!?" Pagtatanong ko sa kanya na puno nang pag-aalala. Napansin kong kakaunti na lang kaming natitira rito sa room.
"Ang dumi naman ng isip mo. Wala no! Hintayin lang natin sina Camille, bumibili pa kasi yun ng iba pang art materials." Ah, yun naman pala. May gagawin nga pala kami.
"Ah, yun ba? Sorry. At saka.... bitawan mo na ang kamay ko." Sabay alis ng kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Sorry, pinaghintay namin kayo, guys." Bungad ni Camille sa may pintuan ng room. "May babae kasi dun sa may gate ng school natin. Malapit na sana kami sa tindahan pero bumalik kami para tanungin kung sinong hinahanap niya." Ibinaba na ni Camille yung mga dala niya at pinabitbit sa mga kamember namin. "Let's go na! Baka gabihin na tayo nang husto. It's 5pm na."
Kinuha ko na ang bag ko na balak pa sanang dalhin ni George. Buti na lang at bigla ko itong inagaw.
---
Sa wakas ay narating din namin ang bahay nina Camille.
"Dito tayo, guys sa sala." Sinundan lang namin Camille. May malaking table sila sa gitna pero kasintaas lang ito ng tuhod. "Sige, guys, upo na kayo dun sa mga mats na nakapalibot sa table." Nang mapansin niyang nakatayo pa rin ako ay, " Stacy, dun ka na oh. Sa tabi ni George." Tumalima naman ako sa sinabi niya, wala naman nang ibang bakante.
"Kuha lang ako ng makakain," sabi ni Camille habang papunta sa kusina.
"So, ano nang plano natin dito?" Tanong ni George sa amin.
"Ikaw naman George ang magaling dyan e," sabi ni Bernadette. Tama naman siya, wala naman kaming kaalam alam sa arts.
"Tss... Oo na, ako na ang magaling. Gagawin ko 'to, basta ba maraming foods. Hehe." Matakaw din pala ito.
"Ito na, guys!" Sabi ni Camille habang ninilalapag ang pizza sa lamesa at anim na soft drinks. "This is for you, for you, and you, at ito sa'yo, George! Marami 'yan. And of course, this last is for me!" Nakangiti niyang pagkakasabi. Buti pa 'to si Camille, ang swerte sa pamilya niya.
Pagkatapos naming magkwentuhan, magkainan, at kung anu-ano pa ay nanood na lang kami ng TV. Habang si George, ayun, abalang-abala.
"Ang gwapo niya no?" Tanong ni Camille habang nakatitig kay George. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa panonood.
"Hoy! Marker nga diyan! Malapit na kong matapos!" Sigaw ni George samin. "Grabeng parusa to. Kayo, panood nood lang diyan."
Dinukot ko na ang marker ko sa bulsa ng bag at ibinigay ito kay sa kanya.
"Isauli mo yan! Bagong salin palang ng ink niyan!" Pagbabanta ko sa kanya.
"Yes, ma'am!" Sumaludo pa talaga siya sa'kin. Nanood na lang ulit ako.
Makalipas ang ilang minuto...
"Tapos na!! Hay salamat!" Mukhang napagod talaga si George. Tiningnan namin ang gawa niya at...
"WOW!" Sabay sabay naming sabi.
"Ang ganda!" puri ni Alice.
"Ikaw na, George! Ikaw na!" Bati naman ni Bernadette.
"Iba talaga pag may inspirasyon," pang-aasar naman ni Ren.
"Sino yun, Ren? Sino?" Pangungulit ni Camille.
"Tumigil nga kayo dyan! Ikaw, Ren, patay ka sa'kin!" Pagbabanta ni George na halata naman nagbibiro.
Tiningnan ni Camille ang ka nang relo at...
"Oh my! Guys, 7pm na! It's time to go home na!" Naku! Gabi na pala, patay ako sa tarantadong demonyo sa bahay."Gabi na palang masyado, uwi na tayo!" Pag-aaya ko at kinuha na namin ang mga gamit namin.
Hinatid naman kami ni Camille hanggang sa lab as ng gate nila. "Ingat kayo!" Sabi niya habang kumakaway.
"Sige, salamat. Sabi ko naman habang kumakaway din.
Nung medyo nakakalayo na kami ay biglang nagtanong si George:
"Saan, ang bahay niyo?""Ahm. Diyan lang, malapit na."
"Hatid na kita."
"Ahhhh... w-wag na!"
"Ha? Bakit? E gabi na rin, baka mapa'no ka pa!" Nag-aalala niyang sabi.
"Ayos lang ako. Salamat..." nginitian ko siya para ipakitang ayos lang talaga ako.
"Sige, ingat na lang, Stacy." Lumiko na siya sa kabilang eskinita at dito naman ako sa kabila.
"IKAW DIN!" sigaw ko sa kanya nang mapansing nakakalayo na siya.
Malapit na naman ako sa bahay namin.
Sa impyernong bahay namin.
Nawala na ri ang ngiti sa'king mga labiPagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako sa aking nakita...
"M-mama?"
***
End of Chapter 2
Thank You For Reading!
★VOTES and ⇩COMMENTS
are highly appreciated
-1/18/16
BINABASA MO ANG
Fixed and Broke
RomanceFixed And Broke Abangan ang tatlong iba't ibang kuwento na susubok sa inyong katatagan. *** First Story: The Rape Victim [COMPLETED] *George and Stacy* *** Second Story: Disable to be Able [ON-GOING] *Ford and Sofia* *** Third Story: (Undecided Titl...