JANELLA'S POV
"At asahang iibigin ka, sa tanghali sa gabi at umaga.."
Hindi ko na lang pinansin si Jerome. Kanina pa niya kinakanta 'yan.
"Paano naging malungkot ang ligaya," napailing ako at natawa habang nirereplyan ko 'yung tweet ni Jerome. We both tweeted na may poll kung anong dapat naming kantahin sa Mall Show, nangunguna sa poll ko 'yung Ligaya while as of now, 'yung Sa Isang Sulyap Mo naman ang sa poll niya.
Hindi naman niya napansin 'yung tweet ko kasi busy siya sa paglalaro ng kung ano sa cellphone niya. Habang kinakantahan ako ng Ligaya.
"Ano 'yun?"
Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagtitwitter.
"Sabihin mo lang sa 'kin kapag naiinis ka na." Sabi niya habang nakatuon ang atensyon sa nilalaro niya.
"Naiinis ako," I admitted.
Ngumiti lang siya at hindi tumitingin sa akin, "Gwapo ko talaga."
Mas lalong kumunot ang noo ko. "Saan banda?" Sa halos lahat ng angulo. "Anong connection?"
"Asus. Tinatanong kita kung naiinis ka na sa kagwapuhan ko, sabi mo oo."
"You didn't say na sa kagwapuhan mo!" irap ko.
Kainis! We're suppose to be awkward, I was supposed to be awkward on him. Pero sa pang-aasar niya, gumagaan na naman ang loob ko sa kanya kaya nakakaya ko siyang tarayan ulit.
Humalakhak siya, kinilabutan ako sa halakhak niya kasi naupo siya sa tabi ko at nakaharap talaga sa akin kaya 'yung halakhak niya, ramdam ko sa tainga.
"Ano ba? Distance," I warned. Naiilang na naiinis ako.
"Bakit naman? We're friends.. frenemies dahil nagsusuplada ka na ulit." nakangisi na sabi niya, "Keep your friends close, your enemies closer and your frenemies the closest." Uminit ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin.
"Not literally," bulong ko.
Napabuntong-hininga ako nang umayos na ulit siya ng upo at bahagyang lumayo habang naglalaro na naman sa cellphone niya.
May nagbago sa kanya. Hindi ko lang mapinpoint kung ano. Tinitigan ko pa siya ng mabuti.
"Baka malusaw ako."
Feeler! Kainis! I crossed my arms, "I wasn't looking at you."
"Tinitignan mo ako kanina, hanggang ngayon."
Bakit siya ang hindi makatingin sa akin? Mas interesante ba talaga 'yung nilalaro niya kaysa-of course. I shouldn't mind. Tinalikuran ko na lang siya at inabala ang sarili sa pagcheck ng accounts ko when I received notifications because of his tweet.
@ponce_jerome
ang lungkot ng ligaya..
@superjanella
paano naging malungkot ang ligaya?
@ponce_jerome
Kasi tatlong oras na akong nagpapacute sayo..
Napatingin ako sa wristwatch ko at napabuntong hininga. "Excited ka, two hours pa lang."
Tumawa siya ng pagkalakas-lakas. Parang napahiya ako doon. Damn Janella you better shut your mouth. Hindi pa pwede 'yung ganito. Hindi pwede.
Tawa siya ng tawa, nang sumulyap ako sa kanya ay nakatingin siya ng mabuti sa akin habang nakatawa at umiiling. "You're wrong. Three years, Janella. Three years na. Paano mo nakalimutan 'yon?"
Para akong sinaksak ng paulit-paulit sa likod nang sinabi niya 'yon. One second before tumatawa siya, the next second malungkot na ang mata niya kahit nakangiti pa rin.
Tumayo siya at naglakad palayo, "Babalik ako."
"Okay."
Three years, how can I forget that? Hindi ko makakayang kalimutan lahat. The good and the bad ones. I don't want to forget, I just want to accept and move on. Is it too much?
Hindi ko alam kung sino ang mas nakakainis sa amin ni Jerome because to be honest, naiinis na rin talaga ako sa sarili ko. I need this break but it's killing me, ayoko namang maayos agad kasi hindi ko pa kaya, it will just pain me. It's just so complicayed that I came up with the idea of moving on.
Moving on is much better. I just don't know kung paano na kami pagkatapos, kung kakayanin ko rin ba talagang mag move on ay hindi ko alam. I just want to try it, I think it's the right thing to do.
"Okay!" may pumalakpak sa gilid ko, isang staff ng Regal. Kumunot ang noo niya nang makita 'ko, "Where's Jerome?"
"He said he'll be back, lumabas lang saglit."
"Oh, okay. Sabi niya kanina, Ligaya 'yung kakantahin niyo?" tumango ako sa sinabi niya though akala ko ayaw ni Jerome nun.
Tumango siya at tinuro 'yung kwarto sa kabila na for recording sessions. Pumasok na ako doon, may malaking glass divider kaya nakita ko nang pumasok si Jerome sa kuwarto, nakapagpalit na siya ng damit, Miss Grace motioned him to follow me inside this studio.
"Water?"
Tumaas ang kilay ko nang itaas niya ang isang bottled water na nangalahati na.
"No thanks."
"Water?" ulit niya.
Inirapan ko siya. "No thanks. Saka nainuman mo na, ibibigay mo pa sa 'kin?" I shook my head.
"So?" natatawa niyang tanong, "Nahalikan na naman kita dati."
Nanlaki ang mata ko. Ngumuso lang siya at nagpigil ng tawa. God! Pigilan niya ako, hahambalusin ko 'to. Alam na alam kong pulang-pula na ang mukha ko ngayon. I'm just really thankful na hindi kami naririnig ni Miss Grace ngayon.
And speaking of Miss Grace, kumatok siya sa glass divider para makuha ang atensyon namin. So as practiced, pumuwesto na kami ni Jerome sa harap ng microphone, nagsuot ng headphones at tumingin sa hard copy ng lyrics ng kakantahin namin ngayon.
May pumasok sa recording room na lalaki at pinagpipindot 'yung sobrang daming bottons na nasa board sa labas.
Then I heard a familiar instrumental. Bumilis ang tibok ng puso ko. They say heartbeats unite with the melody of songs that are playing.
Pumikit ako at dinama ang tugtog when I heard his voice.
"Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?" I opened my eyes. His voice was not perfect, but despite that I can still hear my heartbeat uniting with the sound of his voice. "Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?"
"Tatlong oras na akong nagpapacute sa iyo, 'di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko."
We exchanged glances. When he caught mine, he smiled warmly. A small smile crept on my face. I just had to return that smile. I inhaled deeply as I sang my part.
"Ilang isaw pa ba ang kakain, o giliw ko? Ilang tanzan pa ba ang iipunin, o giliw ko? Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo, 'wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko."
He was grinning from ear to ear after my part. Sabay kaming lumapit sa kanya-kanya naming microphone para naman magsabay.
"Sagutin mo lang ako, aking sinta'y walang humpay na ligaya at asahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga.
Wag ka sanang magtanong at magduda, dahil ang puso ko'y walang pangamba.
Na tayo'y mabubuhay na tahimik at buong.. ligaya."That was the time when I felt that I've made the wrong choice. I shouldn't have chosen that song. Akala ko mas okay na 'to, for the sake of our loveteam but at the same time, hindi sobrang tatagos sa akin katulad ng nangyayari ngayon.
BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
RandomWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...