Chapter 6

9 0 0
                                    


Chapter 6

DARYL'S POV

Nababaliw na yata tong si Sean. Biruin mo nagawa niyang makipag-usap sa freak na babaeng yun buong araw. Hanep din ang immune system niya.

Ang taray kaya ng babaeng yun, matalino nga pero ubod naman ng taray at suplada. Parang pinanganak na nakataas ang kilay.

Ewan, ganun talaga siguro ang utak ng mga ubod ng talino, si Sean ganun din naman ang ugali pero okay naman siya. Yung Page parang pinaglihi sa sama ng loob.

Pero itong katabi ko ngayong si Bullet ang sa tingin ko eh sanggano noong unang life niya. Parang siga sa kalye eh. Anytime pwede akong sipain neto.

Kung anu-ano naiisip gawin ng director namin, pinagpractice ba kami by pairs. Kaya wala akong choice kundi makisama sa babaeng to.

Nakaupo kami sa gilid ng stage, malapit sa may curtain habang yung iba eh kanya kanyang hanap ng pwesto. Pero kanina pa kami nakaupo dito at hindi pa kami nagsisimula. Nagpapalitan lang kami ng masamang tingin imbes na linya sa script.

"You'll never memorize your lines like that. I think we have slackers here." sigaw nung isang floor director. Napansin yatang wala kaming ginagawa ni Bullet.

"We're not slacking. Psh." bulong ko. Baka maparusahan pa ako kasama ni Bullet. Ayoko nga nun, itong practice na to parusa na tapos madadagdagan pa.

"Kayo na lang ang di nagpapractice, do what's asked of you para wala tayong problema." sabi ng director at lumapit pa sa nagsumbong kanina.

"Fine. Just give us a moment." biglang singit ni Bullet.

Tumango yung director at saka naglakad paalis. Tumingin ako kay Bullet at mas masama pa kesa kanina yung tingin niya sa akin ngayon.

"What?" tanong ko. Kung makatingin parang gusto ako bugbugin.

"Let's just do this. Magpractice na lang tayo without looking at each other. Is that okay with you?" sabi niya with matching pikit mata at buntong hininga. Senyales ng napipilitan.

"It's not like I have any other options. Fine, magpractice na lang tayo. I can endure as much as that." sagot ko.

Nagpractice kami ng lines namin until na memorized na namin most of our own lines. Nang magpatawag ng break time yung directors, bumaba ako ng stage para pumunta sa bleachers. Ang tigas kaya ng floor ng stage and a little dusty. Mas comfy ang bleachers at least may foam ang upuan.

Si Bullet naman kinausap nung mga directors. Then bigla na lang siyang parang coach na tinuruan yung mga may fighting scenes. Pati na rin yung mga kaeksena niya sa labanan kunwari tinuruan din.

Ang boring mag-isa ngayon, si Sean kasama na naman si Page at tumutulong magbigay ng instructions sa mga gumagawa ng props. Si Theo naman sinusukatan ng isa sa mga designers sa family business nina Kensie.

Gaya ng kanina, wala din akong choice kundi panoorin na lang si Bullet. Tinuturuan niya ng moves yung iba ng dahan dahan.

I must admit magaling siya. Nakakainggit nga kasi she's fit for martial arts pero sa kin pang ball games lang. Nagtry din naman akong magTaekwondo pero hindi ko kinaya. Ang nakakainis lang, sa kanya pa ako nainggit, ang yabang yabang niya kababae niyang tao.

Nang matapos niyang turuan yung iba, bumalik siya sa pwesto namin kanina at umupo. Kaya nilapitan ko siya. Maasar nga muna.

"Feeling mo naman ang galing galing mo." pang-aasar ko.

"Feeling mo naman may pakialam ako sa opinion mo." sagot naman niya. See what I mean? Ang yabang niya.


Well nauna naman talaga akong mang-asar pero nakakainis lang talaga siya. Nakakabanas. Nakakasira ng araw. Ang sarap basagin ng bola ang mukha niya kahit babae pa siya.


Doomsday High : Girls vs Boys (Teen Disputes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon