Chapter ▶ 2

14 1 0
                                    

The Boss

▂▂▂▂▂▂▂▂ ❀ლ❀ ▂▂▂▂▂▂▂▂

Break time namin kaya nasa canteen ako ng kumpanya ngayon kasama sina Roma, Jillian at Sandra. Nasa iisang mesa kaming apat at kumakain.

"Kei, Ano pa bang ginawa mo sa taas at mukhang natagalan ka?" Tanong ni Jillian habang tinitinidor ang beef steak sa kanyang plato.

"Oo nga... Kung siguro hindi kita tinawagan malamang nandoon ka pa hanggang ngayon" segunda naman ni Roma habang sinusubo ang kanin na may Mongolian Barbeque.

Lumunok muna ako bago ko sila sinagot. "Hmmm.. May nakalimutan kasi ako sa table ko binalikan ko lang" pagsi-sinungaling ko, pero ang totoo ay wala naman talaga akong binalikan bagkus ay tulala lang ako doon sa pasilyo ng aming departamento at hinihintay na mawala sa aking paningin si Mr. Hernandez dahil hindi ko ine-expect ang sinabi nya sa akin kanina.

Ang akala ko ay magagalit sya dahil sa katangahan ko, ikaw ba naman na maglakad ng nagtetext hindi ba katangahan iyon ?! At dahil sa nangyari naalala ko nanaman tuloy ang napanood ko sa balita, isang babae sa china ang nahulog sa creek dahil busy syang nakatutok sa kanyang cellphone. balik tayo sa kwento at ayun nga naging mahinahon lang sya at sinabihan akong mag-ingat.

"Ah ganun ba" ani Jillian habang ngumunguya.

"Oo" tipid kong sagot saka tumingin sa kanyang katabi na si Sandra na tahimik na kumakain.

Kaya itinuon ko na lang din ang aking atensyon sa aking pagkain.

"By the way Kei, Kelan ka maglilipat ng gamit sa bago mong table?" Baling sa akin ni Jillian.

"I dunno, maybe next week kapag in-announce na ng CEO na ako na ang bagong head Marketing department" walang kiming sagot ko sa kanya.

"Ah ganun ba" Si Jillian.

Tumango lang ako ng hindi inaalis ang aking atensyon sa pagkain.

Ganun lang ang nangyari hanggang sa matapos ang lunch break at magbalikan na sa kanya kanyang cubicle para tapusin ang mga gawin sa araw na yun.

-
Uwian na pero hindi pa rin ako makaramdam ng pagod kahit na ang dami kong ginawa ngayong araw na ito. Siguro ay masaya lang ako sa mga nangyari ngayong araw.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa aking mesa ay walang tigil ang pagvibrate ng aking telepono, may tumatawag kaya mabilis kong kinuha ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Si Alfie pala kaya kaagad ko iyong sinagot.

"Hon? Nakauwi ka na?" Tanong ni Alfie.

"Hindi pa naman, nasa opisina pa ako bakit?" - Ako

"Hintayin mo ako hon ah? Sunduin kita" anya.

"Huh? Akala ko bang hindi mo ako masusundo kasi may importante kang meeting?" Tanong ko.

"Oo pero pina-cancel ang meeting e, So paano sunduin kita ha? Hintayin mo ko. Ill be there in 15 minutes, I love you hon" he said then he hang up.

Bigla akong na excite kaya minadali ko ang pag-aayos sa aking mesa. Saktong patayo na ako ng dumaan si Jillian sa table ko.

"Ano Kei? Tara na" anyaya sa akin ni Jillian.

"Pasensya na Jie, hindi na muna ako makakasabay, Tumawag kasi si Alfie susunduin nya daw ako" nahihiyang sabi ko.

"Ah sige, ayus lang... So paano? Una na ako ha?" Ani Jillian.

"Sige Jie, pasensya na talaga ha.. Mag-ingat ka. Hihintayin ko na lang si Alfie sa baba" - Ako

Love And Hate Collide #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon