Wala akong kaalam-alam sa paggawa ng storya dito sa Wattpad. Kundi dahil sa kasunduan. HIHI. I swear napakapangit nung kwento na to.Pagtiyagaan na lang mga idol.
To SSC III – Einstein of Liceo de Buenavista, this one’s for you. Lalo na dun sa may hawak ng papel ng kasunduan. :P
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“GOTTEN”
PART 1
“Bwiset na ulan! Naabutan pa ko. Late pa sa trabaho. Naknamputcha naman!”
Yan si Jackie. Laging wala sa mood. Or should I say napakamainitin ng ulo. Palibhasa kasi, 2 years na simula nung mawalan ng boyfriend. (Nagbreak ha hindi namatay). Malamang 2 years na rin siyang single.
Araw-araw na lang na lagging ganon ang mood niya. Pero kahit na ganon ang daily routine niya, di pa rin niya nakakalimutang tumulong sa pamilya. At magdasal siyempre. Ang dasal nga lang, “Lord, bigyan mo naman ako ng hubby oh.” Pero oks na yung ganon kesa naman tumanda siyang dalaga.
Apat silang magkakapatid. Siya ang panganay. Yung sumunod sa kanya e ang black sheep of the family. Yung sumunod naman e emo. Kumbaga e napakaloner. Yun namang bunso, cute yon, pero minsan walang pakialam sa mundo. Nakakatuwa yung nanay nila kasi lagi pa daw sinasama sa dasal na sana magkaron na nga ng boyfie si Jackie.
Sa isang sikat na kumpanya nagtatrabaho si Jackie. Yun nga lang, napakakuripot magbigay ng sweldo. Magbibigay lang ng bonus pag pasko, nag-OT, o di kaya’y pag nanalo yung sikat na boksingerong Pinoy. Describe ko nga pala ang ating bida. Maganda siya, pero para sa’kin cute siya. Maputi, maliit, maikli ang buhok, at kung pumorma e simpleng tisyert at jeans lang. With matching colored socks at Converse pa yan. Lagi din naka-backpack, animo’y si Dorang gala. Pag nakita mo siya, ay nako! Mukang elementary pa lang. (Pero hindi ko ho nilalait ang ating bida). :)
Dito na talaga magsisimula yung kwento. :)
Naka-apat na ex boyfie na si Jackie. Isa nung hayskul, dalawa nung college, at isa nung nagwowork na siya. Yung una kasi, Darwin ang pangalan, mukhang suso yon e. (Suso as in snail, not breast). ^_^ Yung pangalawa naman Angelo ang pangalan, member ng frat kaya ayun, nakipag-break si Jackie. Yung third, Ricky ang pangalan, pwede siyang ihilera sa mga walang kwentang lalaki sa mundo. Parang di siya nag-exist nung naging sila ni Jackie. At yung huli, si Bert. Ito yung pinakamalupit e. Officemate siya ni Jackie kaya sila nagkakilala. Una, text text muna, tapos chat, then nagkagustuhan na. Nanligaw si Bert at sinagot naman ni Jackie. At first, they were very okay, but as the days passed, unti-unting nawalan ng spark si Bert kay Jackie. Di malaman ni Jackie kung ano ang dahilan para MAG-INASO ng ganon si Bert. Hanggang sa nag-usap na sila ng masinsinan.
“Jackie, di ko alam kung pano ko sasabihin sa’yo ‘to. But I want to end this relationship. Ayaw na kitang masaktan.”