"The person who loves you more, will fight with you daily without any reason...
But whenever you're sad, that person will fight with the world to end your sadness..."
_________________________________________________________________________________________________Franzine's POV
"Jeon Jungkook <3''
"Kuya naman bakit Jungkook yung nakalagay dito? Sabi ko naman po sa inyo diba Jeon Jedrick, hindi po Jeon Jungkook..." Naiinis na reklamo ko kay kuya. Paano ba naman kasi ang sakit kayang magpa tattoo sa may bandang balikat, tapos mali naman pala yung inilagay...
"Pasensya ka na ineng Jungkook kasi ang pagkakarining ko, maganda naman ang pangalang Jungkook ha? Ang astig pakinggan..." Pagpalusot pa nito sakin, kaya naman kaysa makipagtalo pa sakanya ay hinayaan ko na lang siya. At binayaran...
"Ano ka ba naman! Ang hot kaya ng pangalang Jungkook! Kapangalan siya ng schoolmate natin at ng member ng BTS..." Kinikilig na sabi ng kaibigan kong si Gail, lahat naman ata ay crush ng babaeng 'to...
"Ano namang pake ko sa Jungkook na yan? Basta ang crush ko si Jedrick period..." Mataray na sabi ko pa sakanya...
"Sister naman! Gwapo kaya si Jungkook! Saka ano ka ba magkapatid lang naman yung dalawang yun kaya malabo naman na hindi mo din crush si Jungkook! Identical twins nga sila eh, kaya parehas lang silang gwapo!" Nagpapantasya pang sabi sa akin ni Gail...
Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga kilala ang Jungkook na yan, puro kasi si Jedrick ang sinusundan ko sa loob ng tatlong na taon. Matino kasi siyang lalaki, pala aral, mabait, gwapo at higit sa lahat ay hindi siya babaero...
"Hoy Gail! Dalian mo naman at mahuhuli na tayo sa klase!" Sigaw ko sakanya at agad siyang tumakbo pasakay ng motor, maayos naman 'tong motor ko yun nga lang ay medyo bulok na at madalas masira. Pero ayoko naman na gumastos ng gumastos lalo na at scholar lang naman ako ng pamahalaan sa Pilipinas at nakikitira lang naman ako kay Gail kaya mas mainam na magtipid ako...
Pagdating namin ng parking lot ng school ay agad ko itong ipinarada sa nakita kong space pero may gagong biglang bumangga ng motor ko at yung motor niya yung ipinarada niya!
"Ay lintek! Hoy lalaki ka! Bumababa ka nga dyan! Ako ang nauna sa paradahan na 'to! Tignan mo yung ginawa mo sa motor ko!" Sinta ko agad sa driver at nakita ko na Duccati pa ang motor niya, anong pake ko?! Porket mamahalin ang motor niya may karapatan na siyang magbungo ng ibang sasakyan?!
"Sister! Halika na..." Pigil pa sa akin ni Gail pero di ko siya pinakinggan! Masyadong hambog 'tong lalaki na 'to kaya dapat dito pinagsasabihan!
Tinanggal niya ang helmet niya at halos mapanganga ako sa kagwapuhan niya! Ang puti at ang kinis ng mukha niya na halatang anak mayaman talaga! Tapos ang tangos ng ilong niya, yung mga mata niya na dark black na parang palaging nang-aakit, yung buhok niya na naka brush up na sobrang bumagay sa kanya at Lord! Yung mapupula niyang labi na parang ang sarap halikan!
"Are you done checking me out?" Nakangising tanong niya sa akin, ano daw checking him out?! Oo sige na! Gwapo na siya pero mas gwapo pa rin si Jedrick!
"Anong checking you out ka dyan? Hoy lalaki! Tignan mo kung anong ginawa mo sa motor ko!" Naiinis na sabi ko pa sakanya habang nakaturo pa sa may nabangga niyang parte ng sasakyan ko...
"Tss, bulok naman yang motor mo. Akala mo naman kung ano wag kang mag-alala miss ipapagawa ko yan..." Parang naiiritang sabi niya pa sa akin bago ako talikuran. Aba gago 'to ha! Ang kapal ng mukha niyang talikuran ako! Napaka ignorante naman niya! Sa sobrang inis ko sa mayabang na lalaking 'to ay hinubad ko ang sapatos ko na may two inches na takong at binato ko siya sa ulo!
BINABASA MO ANG
Blank Contract (BTS Jungkook Fanfiction)
FanficBTS Series #1: BTS Jeon Jungkook's Side Story Si Jeon Jungkook ay isa sa pinakabatang bilyonaryo sa buong Korea. He was born with a gold spoon in his mouth, lahat na ata ay nasa kanya na. Yaman, kasikatan, perpektong pamilya, mga kaibigan at kagwapu...