12: A favor please

5.4K 138 27
                                    

You want chapter 12? I'll give you chapter 12...Wuuaahhh..salamat sa comments at votes niyo. I really appreciate it a lot. akala ko nawala na kayo. Thank you so much from the bikini bottom of my heart and just continue voting and giving your comments. I am really open to constructive criticisms guys..mihihihi

At nakuha niyo talaga ang message ko dito sa story na to. Talagang may lesson to at sana may natutunan kayo. n_n Hindi lang kilig-kilig. teeehhheee

-------------

Isang linggo ang lumipas mula ng mailibing na ang mama ni Violette. Si Blu at ang pamilya niya ang pumasan lahat ng mga gastusin sa burol. Napag-alaman kong only daughter lang siya at patay na ang papa niya. So ulila na siya ngayon. At nagtatrabaho na siya sa isang fast food chain to sustain her daily needs and tuition. Scholar naman siya at honor student pa kaya admission lang ang binabayaran niya.

“now..dumating na ang poor liar at si oink oink! Napaka redundant naman!” kantyaw sa amin ng mga kaklase namin. Magkaibigan na pala kami ni Violette kasi tinalikuran na siya ng mga magagaling niyang kaibigan matapos nilang malaman ang totoong kalagayan niya.

“just don’t mind them.” I whispered to Violette.

“Right.” She agreed.

“oh look. They are talking. Mind to share it losers?”

Hindi na namin sila pinansin at dumiretso na sa likuran.

00=00=00=00=00

“okay…goodbye class.” Said by our math teacher.

Natapos na rin ang klase at nagsitayuan na ang lahat para umuwi.

“Sabrina, una na ako ah. Alam mo na trabaho.”

“Sige bye.” Tapos umalis na siya at ako’y pumunta na sa labas. Nakita ko si Blu na nakatayo sa may hallway na nakahawak ang isang kamay niya sa strap ng backpack tapos ang isa nasa bulsa.

“Hi taba!” bati niya sa akin tapos lumapit. “Kain tayo.”

“basta taya mo..library muna tayo..gagawa lang ako ng assignment.”

“sige sige.”

Nasa library na kami at magkaharap kami ni Blu sa lamesa. Nakaheadset siya habang sulat lang ako ng sulat sa assignment hanggang sa mahagip ng paningin ko si honeyDrew ko na papasok sa library. Biglang nagningning ang aking mga mata.

“Sab!” sigaw ni Blu nang mapansin niyang wala na ako sa aking katinuan at napatingin sa tinitingnan ko tapos nagbuntong hininga.

“wait lang ha.” Sabay tayo at sinundan si honeyDrew ko na pumunta sa mga bookshelves.

Tapos dumako sa math section. Nasa harapan ko siya at tanging ang bookshelf lang ang namamagitan sa aming dalawa. Kitang kita ko ang mukha niya sa space ng mga books.

Pag ako pumayat.....SIGE KA! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon