Copyright © 2013 Si Escort at Si Pres by littlemissselle | One shot story |
All Rights Reserved.
Credits to the owner of the picture used as the cover photo.
***
Naiinis ako.
Nag-iingay nanaman sila! Pucha. Hindi ba pwedeng makanuod ng soccer game ng payapa? AS IN PAYAPA?
Wala naman silang ibang sinigaw kundi,
“GO PAPA MORRIS!”
“GO BABY MORRIS!”
“I LOVE YOU MORRIS!”
“SHET ANG GWAPO MO MORRIS PAKASAL NA TAYO!”
“MORRIS! AKO ANG NAWAWALA MONG ASAWA! MORRIS!!”
Tangna much?
Naririndi na ko sa mga babaeng yan. Masyadong maingay. Bakit ba kasi nire-require ng adviser namin na panuorin to? Porket player ang escort ng klase namin? Isang malaking, PAKE KO? Ako naman ang president! Pwe.
Kaya kinuha ko na lang ang libro sa bag ko at binuklat yon, magbabasa na lang ako. Nicholas Spark. IDOL! Eto ang idol! Siya dapat ang sinisigawan at hinahangaan. Hindi yang Morris na yan!!
MORRIS PANGET!!
PANGET. PANGET. PANGET!!!
Akala ba niya, nakalimutan ko na yung ginawa niya sakin dati? Well, pakyu Morris with feelings!
Eto lang naman ang ginawa niya,
Isa akong tangang may crush kay Morris noon nung 1st year high school pa lang kami, binibilan ko pa siya ng tubig pag may game siya tapos ako din nagdadala ng bimpo niya, pag may homework kami ako gagawa ng homework niya kaya parehas kami ng score at ang animal na si Morris ay pinahiya lang ako dahil hindi ko na-perfect yung project niya.
“Via! Ano ba to! Bakit 95 lang ako sa project tapos ikaw 100!!” sigaw niya sakin habang pinapanuod kami ng maraming tao. Andito kasi kami sa may field.
“S-sorry, Morris.. antok na antok na kasi ako eh kaya yan lang kinaya..”
“Eh bakit ikaw perfect! Madaya ka Via! Madaya!”
“M-morris.. Sorry na.. Gusto mo kausapin ko na lang si Ma’am na palit tayo ng score?”
BINABASA MO ANG
Si Escort at Si Pres (One shot)
Teen FictionMahirap talaga makahanap ng taong parang SM na magsasabing “I (We) got it all for you!”. Lahat na lang may kulang. Pasensya na, perfectionist eh. At dahil perfectionist ako, asahan mo nang isa akong laitera. Lalo na 'pag nakikita ko 'tong si Morris...