Eto na po yung kasunod!
Sorry kung matagal yung pag Update ko nito. Wala kasi akong phone pang Draft at tsaka mahirap lang puo ang Author ninyo :) Pagpasensyahan niyo na.
Pag nakabili nako ng bago siguradong mag dadraft ako :)
Dedicated po pala ito kay gabbyjypretty
Thanks sayo :) Sa pag vote every chapter :*
Kk eto naaaaaaa~!
---
Nagmamadali na si Aryann na hanapin ang kanyang room. Napatingin siya sa kanyang relos at napamura nang makitang 7:10 am na.
Bakit kasi nagmadali ako. Yan tuloy nakabangga ako at mukhang melelate pako sa klase ko. I'm so dead by now! Really really dead!- sa isip niya.
Nung nahanap na niya ang room niya eh nagmadali na siyang pumasok. Papasok na sana siya nang may makasabay siya sa pinto at nabangga niya ulit ito.
"Shit! Ano ba! Nakadalawa kana ah?! Kabwisit!" singhal na naman sa kanya ng nakabangga niya. 'Nakakaraming singhal nato ah! Napakasuplado!' sabi ng isip niya.
Hindi niya nalang ito pinansin at nagmadali na siyang humanap ng upuan. Naabutan niya naman ang buong klase na mukhang isa isang nag papakilala sa front.
"Stop! You two!" pagpigil sa kanila ng kanilang Guro.
Napahinto naman sila at humarap sa front.
"Dahil nalate kayong dalawa. Kayo ang susunod na magpapakilala dito!" sabi ni Maam kina Aryann. "Ms. Aragon, are you done introducing yourself?" baling naman ng guro kay Ms. Aragon.
Napangiti naman ang dalagita at tumango. Pinaupo na ito ng kanilang guro.
"Start now!" maotoridad na utos ng guro sa kanilang dalawa.
Bigla namang nataranta si Aryann.
Pumunta na siya sa front kasabay ang lalaki.
"Uhm. Goodmorning! My name is---" napahinto si Aryann dahil nagkasabay sila ng lalaki sa pagpapakilala.
"Ikaw na mauna!" mahinang singhal ng lalaki kay Aryann.
Sa isip niya:
Ang suplado nito! Sayang gwapo pa naman sana! Tsk."Uhm hi! Goodmorning. My name is Aryann Roii Hernandez. Just call me Aeri. I'm a transferee student from St. Phillip University. That's all. Thanks. Goodmorning once again!" nakangiting pagpapakilala niya sa mga kaklase at sa kanyang guro. Nakita niya namang nagbulungan agad ang mga kaklase niya pagkasabi niya sa last name niya.
"And yes, ako nga ang anak nina Madison at Jeffrey Hernandez" dugtong niya naman pagkarinig niya ng mga bulungan nila. May ilang nagulat at mayroong iba namang parang wala lang pakialam kasi parang kilala na siya dahil nafe-feature minsan ang kanilang pamilya sa local news or newspaper.
"Thank you Mr. Hernandez. You can now take a seat" utos ng kanyang guro.
Dali dali namang humanap ng mauupuan si Aryann at may nakitang bakante sa likod. Agad siyang pumaroon.
"Bakla! Salot!" narinig pa niyang kutya sa kanya ng lalaki nung nadaanan niya ito.
Biglaang namuo ang galit sa kanyang puso. Wala pang gumanyan sa kanya sa dati niyang school.
"My name is Clint Jin Uy. Just call me CJ. I'm a transferee too from the US. I hope we'll make a bond here. That's all, thanks! Goodmorning once again" nakangiting pagpapakilala ng lalaki sa harap. Bigla namang parang kinilig ang mga babae at bakla.
