GENES for HIRE
By...emzalbino
Chapter 14....Matapos ang emosyonal na sandali kina Elly at Elizabeth ay nagmamadali ng umalis ng paaralan si Elly dahil parang hindi kaya ng dibdib niya ang nararamdamang awa sa bata.
Habang nagmamaneho siya pauwi ay hindi maalis alis ang kaawa awang mukha ni Elizabeth sa kanyang diwa. Napabuntong hininga nalang si Elly dahil doon.
"Parang hinaplos niya ang puso ko ng sandaling niyakap ko siya? Bakit kaya ganito ang aking naramdaman kanina, siguro ay dahil bigla ko nalang naalala ang aking anak?" bulong na tanong ni Elly sa sarili.
Pagkalipas ng ilang sandali ay nakarating na siya ng kanilang bahay ngunit parang wala parin siya sa kanyang atensiyon ang pagguhit sa kanyang blue print. Napasandal siya sa may sofa ng biglang tumunog ang kanyang cellphone, agad niya itong sinagot ng makitang ang kanilang boss na si Fred Balingit ang tumatawag.
"Hello po boss, good morning!" bungad na bati ni Elly sa kanilang boss.
"Good morning too, Elly!" sagot naman ng kanilang boss........"I heard na naririto ka daw sa Manila?" maya maya ay wika ni Fred.
"Opo, bakit po?" ani Elly.
"Tamang tama! I need you to meet me now dahil may importante akong sasabihin sa iyo" anang boss nila Elly.
"Tungkol saan po boss?" muling tanong ni Elly.
"Tungkol sa project! Pwede ba na dito nalang sa main office natin pag usapan ang tungkol dito dahil mayroon akong bagong project na ibibigay saiyo at hindi ko lang matanggihan ito dahil kumpadre ko ang sangkot eh!" pahayag ni Fred kay Elly.
"Okay po at pupunta na po ako ngayon sa opisina" sagot ni Elly saka nagmamdaling nagbihis ito para pumunta ng main office.
SAMANTALA....
Sa opisina ni Fred ay kausap nito ang kanyang kumpadre na sinasabi niya kay Elly. Napapakamot ng ulo si Fred dahil kung ilang ulit na nitong umuungot ng kanyang mga engineer para sa projects na naantala dahil sa pagkakaroon noon ng anumalya sa kanyang kompanya.
"Alam mo kumpadre, kung hindi ko lang inaanak ang anak mo ay hindi ko ibibigay ang engineer kong ito eh!" pabirong sabi ni Fred sa kanyang panauhin.
"Kumpadreng Fred naman! Pagbigyan mo na ako dahil since umalis na iyong trusted engineer ko ay hindi na ako kumuha pa ng iba dahil nawalan ako ng kompiyansa but nakita ko na maganda ang mga naipapatayo niyong projects kaya gusto kong hiramin muna ang pinakatago tago mong engineer para sa ipapatayo kong Ibañez Villa Resort" sagot naman ng kumpadre ni Fred.
"Well, tingnan natin kung papayag siya?" nakangiting sagot ni Fred at maya maya pa ay may kumatok........"Come in!.." pasigaw na wika ni Fred at maya maya ay pumasok si Elly.
"Good morning po!" naakngiting bati ni Elly sa mga nasa loob ng opisina kasama na ang panauhin ng kanyang boss.
"Kumpadre siya ang aking engineer na trusted ko dahil siya ang pinakamahusay sa kanilang lahat at pulido kung magtrabaho. His engineer Eliazar Nicolas, and Elly he is my kumpadre Don Edmundo Ibañez,ang may ari ng IBAÑEZ GROUP of COMPANY." pagpapakilala ni Fred sa dalawa.
"Ikinagagalak ko po kayong makilala Don Ibañez" nakangiting wika ni Elly saka nito inilahad ang kanyang kamay at tinanggap naman ng Don na nakatitig sa mukha ni Elly.
"Nice to meet you too, Engineer Nicolas" sagot ni Don Edmundo ngunit nakakunot ang noo nito na nakatingin parin kay Elly at ng hindi nakatiis ay......."Engineer Nicolas, do we meet before? Kasi parang pamilyar ang mukha mo sa akin eh!" anang Don na pilit inaalala kung saan niya nakita ang lalaking kaharap ngunit hindi niya maalala kung saan.
