Shantelle Kristina
Agad akong pumara ng taxi at sumakay.
"Miss saan po tayo.
Manloloko ka! Sinungaling ka!
"Miss saan po tayo?"
Pinahid ko ang luha ko at sinabi sa driver ang address ng bahay.
Pagkarating ko ng bahay ay agad kong kinuha si baby Zeyrone kay Ate Malou pagkakita ko rito sa sala.
"Hija—" hindi ko na nagawang lingunin si Mama ng makita ako nito, nagpatuloy ako sa pag akyat sa kwarto.
Inilapag ko muna si Zeyrone sa crib nito at binigyan ng laruan saka ko kinuha ang maleta sa ilalim ng kama at binuksan. Kinuha ko ang ibang mga damit ko sa closet, pagkatapos ay ang mga damit naman ni baby Zeyrone.
"Hija? Hija may problema ba?" Rinig kong pagkatok ni Mama sa pinto. Hindi ako sumagot at nagptuloy sa pag iyak habang nag eempake.
"Hija?" Ulit na katok nito.
"Si Kristina?" Narinig ko ang boses ni Ram sa labas kaya binilisan ko ang pag eempake.
"Ram may nangyari ba?"
"Mag uusap lang kami."
Isinara ko na ang maleta saka pumunta kay Zeyrone. Kinuha ko rin ang cellphone ko para tawagan si Ninong.
"Kristina buksan mo 'tong pinto!"
"Hijo."
"We're just having a misunderstanding."
Muli kong narinig ang pagkatok ni Ram sa pinto.
"Kristina buksan mo 'to."
Dinial ko ulit ang number ni Ninong pero walang sumasagot dito.
Napatalon na lang ako sa gulat ng biglang bumukas ang pinto. Nakita ko si Ram na masamang masama ang tingin sa akin. Agad itong pumunta sa crib at kinuha si Zeyrone saka inabot kay Ate Malou na ngayon ay nasa labas din ng silid. Muling sinara ni Ram ang pinto at lumapit sa akin.
"Ngayon! Ngayon ka mag eskandalo! Ngayon ka magsalita ng tayong dalawa lang! Anong problema mo?!" Galit na sigaw nito sa akin.
"Manloloko ka! Aalis na kami dito ni Zeyrone! Hindi mo ako mapipigilan! Ayaw na kitang makasama!" Sigaw ko rin sa kanya. Pumunta ako sa kama at kinuha ang maletang pinag impakehan ko ng mga damit namin ni Zeyrone.
Pinigilan ako niyaat hinawakan sa braso. "Hindi ko babae si Lara. Where the hell did you get the idea that she's my mistress!"
"Ram huwag ka ng magpaliwanag! Napapagod na akong makinig sa mga kasinungalingan mo! Na ako lang ang sa buhay mo? Na balewala na sayo si Lexy? Pero ano yung kanina, pinapupunta mo pa sya sa opisina mo? Ano yun? Dun mo ba iniipon ang mga babae mo? Ilan pa ang dinala mo dun bukod kay Lara at Lexy? Dun nyo ba ginagawa lahat ng ng mga kababuyan nyo?!"
"Sumusobra ka na sa mga sinasabi mo!" Napapikit ako sa nakakatakot nitong boses ng sumigaw ito. Pagkatapos ay tumaas ang kamao nito sa ere. Natakot ako, kinabahan ako. Sasaktan nya ako.
Akala ko ay dadapo sa akin ang kamao ni Ram pero napailing na lamang ito at napamura.
"Sasaktan mo ako? Sige saktan mo ako!" Dahil sa galit ko na pagtatangkaan nya akong saktan ay inunahan ko na sya. Nahablot ko ang lampshade sa gilid ko at inihampas sa kanya.