Childhood Memories

24 3 0
                                    

Abala si IC sa pagsusulat ng may biglang tumama sa noo niya. Aray! Bat mo ako binato? Isusumbong kita, ang wika ni IC sa kaharap na bata.

Sorry na. Di ko naman sinasadya at para di kana magalit bili tayo ng icecream sa kanto.

Hindi umaalis si IC sa kinatatayuan. Ang amo kasi ng mukha ng batang lalaking kaharap niya ,yayamanin ang porma.

Halika na, libre ko nga di ba. At hinila niya na ang batang babaeng may bukol sa noo. Napakabait nito at ang takaw sa icecream. Hindi nakuntento sa isa at tatlo ang naubos nito.

Mula noon naging magkaibigan sila.
Walang araw na di sila nagkikita pagkatapos ng sari sarili nilang klase. Kampante ang magulang ni IC dahil mabait na bata si Gabriel. Dinadalhan sila nito ng mga imported goods kung nauuwi magulang nito galing sa biyahe.
Si IC ay palagi niyang nakikitang may sinusulat sa papel at tinutupi ito ng malilit.Minsan nagalit ito sa kanya ng pumilit na basahin ito. Palagi kasi itong sumusulat kahit nasa bahay nila.

Gabriel sasama ba sa Baguio si IC? , tanong ng mommy niya habang naghahanda ng miryenda nilang dalawa. Tatanungin ko ulit kasi magaaral daw. Pag di sya sasama dito nalang ako mommy.

Natuloy sila ng Baguio. Namangha si IC sa ginaw at napakasaya niya na napunta siya doon.
Gab, salamat ha. Balang araw makakabayad din ako sa kabutihan mo sakin. Tumugil ka Ice, ikaw ang bff ko at masaya ako na masaya ka. Marami pa tayong taon na pagsasamahan at marami pa tayong icecream na matitikman. Tanda ng pagkakaibigan nila gumawa sila ng sulat at inilibing sa ilalim ng Pine Tree sa may Wright Park ng Baguio. Inukit nila ang pangalan sa puno para matandaan iyon. Nangakong babalikan nila iyon pagkalipas ng sampung taon. Binalot sa plastik ang sulat at saka binaon.

Isang araw takbong napaiyak at napayakap si IC sa kanya dahil darating daw ang ama nito at kukunin sila. Nangako silang magkikita sa ika20 kaarawan ni IC, sa mismong punong iyon. Iyon ang huling araw na nakita niya ang babaeng lihim na minahal niya murang edad.

Ilang buwan nalang at tutuparin niya ang pangako bitbit ang pangamba na baka nakalimutan na ni IC ang pangako. Asan na kaya siya ?

Maraming tanong ang bumabagabag sa isip niya. Walang impormasyong mahanap si Gabriel dahil hindi malang ito sumulat sa kanya. Ni walang IC Rodriguez sa social media.Gustong gusto niyang bumalik sa lugar kung saan nila nilibing ang sulat ngunit gusto niyang tumupad sa pangakong taon.Pero paano kung nauna na dun si IC at nabasa niya na ang sulat.

Walang babaeng hindi mapapaibig kay Gabriel dahil sa guwapo ito at matalino. Ngunit napakapihikan sa pagpili ng date. Minsan tuloy napapagalitan siya ng mga magulang sa walang kadahilanan dahil hindi ito lumalabas para makipaghalubilo sa iba.Marami siyang dahilan kesyo wala siyang oras o di kaya di niya gusto ang mga babaeng nakikilala niya.

Gabriel, forget about IC. Youve been trying hard to find her pero wala. Baka nangibang bansa na o di kaya nakapagasawa ng maaga.

Mom!
Common Gabriel, you need to be open to the possibilities kasi you're not getting younger anymore. Tsaka bat mo pala hinahanap si IC?
Im not looking for her.Destiny will make its own way.Ang lalaki mong tao naniniwala ka sa destiny.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destiny JarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon