ELLA VS. KRISTINE PART FOUR

16 0 0
                                    

KRISTINE'S POV:
Pagkatapos kong mai hatid sa condo sina Lola Gina at Bestie Liesly ko ay umuwi na agad ako sa Mansion.
"Manang Joy, andito na po ba si Wu Chun?"-Tanong ko kay Manang Joy na kasalukuyang naghihiwa ng karne ng baboy.
"Hindi ko napansin kung dumating na siya o hindi pa. Akala ko ba magkasama kayong dalawa?"-Manang Joy.
"Hindi po eh. May iba po kasi siyang pinuntahan kanina pa."-Ako.
"Ah ganun ba?"-Manang Joy.
"Sige po Manang Joy, tawagin niyo nalang po ako pag kakain na. Dun lang po ako sa kwarto ko"-Ako.
"O sige."-Manang Joy.




Malungkot na umakyat ako papuntang kwarto ko. Pagpasok ko, agad na kinuha ko yung cellphone ko na nasa loob ng aking sling bag saka ko tinawagan si Wu Chun. Pero nakakasampung tawag na ako ay,hindi pa rin niya sinasagot.
"Okay one last try"- sabi ko sa sarili ko at saka nagdial ulit ako. Pero ang sumagot sa akin ay yung tooooot, toooot, tooot.
"Pinatayan ako ng phone"-Ako.






"Kristine, kain na tayo"-Tawag sakin ni Manang Bebeth.
"Sige po Manang Bebeth susunod nalang po ako"-Ako.





Pagkatapos naming kumain nina Manang Bebeth at Manang Joy. Nagpaiwan muna ako sa Sala at doon ko balak hintayin si Wu Chun my loves. Patingin tingin ako sa Malaking Orasan na naroon, napahiga na ako sa sa malaking sofa.





Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Pagtingin ko sa paligid ko, andito pa rin ako sa sala. Umakyat muna ako sa kwarto ko. Pagpasok ko, hinanap ko yung phone ko at nakita ko sa may bedside, tinignan ko kung may text. Meron nga pero galing naman iyon kay Bestie ko. Chineck ko rin kung may tawag, Meron nga pero kay Bestie din lang galing..





Nagdial ako at si Wu Chun ulit ang tinawagan ko nagbakasakali na baka sagutin na niya. Natuwa ako nung makita kong sinagot niya yung tawag ko. Pero nawala agad yung ngiti sa mukha ko ng babae yung sumagot sa tawag ko..
"Hello who is this?"-Girl.
"Hi si Kristine to, girlfriend ni Wu Chun. Anjan ba siya? Pwede ko ba siyang makausap?"-Ako.
"Oww im sorry Ma'am, Sir Wu Chun is busy right now. Hindi po siya pwedeng istorbohin ngayon."-Girl.
"Ganun ba? Sige, pwede paki sabi naman sa kanya na tumawag ako"-Ako.
"Sige po ma'am sasabihin ko po sa kanya"-Girl..





Kaysa naman mabuwang ako sa kakahintay kay Wu Chun my loves pinuntahan ko nalang si Bestie at Lola Gina ko sa Condo.
"Apo, buti naman at napasyal ka rito. Si Wu Chun bakit hindi mo kasama?"-Lola Gina.
"Di pa rin po siya umuuwi eh."-Ako
"Ha? Eh tinawagan mo na ba siya Bestie?"-Bestie Liesly.
"Oo. Eh ang kaso babae yung sumagot sa tawag ko. Busy daw kasi siya eh."-Ako.
"Hmmm baka naman gusto kang surprisahin apo, kagaya nung ginawa niya sa birthday party mo."-Lola Gina.
"Oo nga Bestie,. Baka gusto ka lang niyang i surprise. Malay mo nagpaplano yun para magpropose sayo. Kaya wag ka ng mag over think jan"-Bestie Liesly.
"Eh hindi ko naman kasi maiwasang mag alala sa kanya eh."-Ako.
"Alam mo Apo, bakit di mo nalang siya sundan? Tutal alam mo naman kung nasaan siya hindi ba?. I surprise mo siya. Matuwa pa yun pag makita ka niya"-Lola Gina.
"Sige na Bestie puntahan mo na. Kesa naman nagdududa ka ng ganyan"-Bestie Liesly.






Sinunod ko yung advice nila Bestie At Lola Gina. Nagpahatid ako kay Manong Dante dito sa Seri. Maliit lang siya na lugar, kumbaga sa atin eh barrio. Medyo magkakalayo ang mga bahay. Tas may makikita ring malawak na bukirin. Hinatid ako ni Manong Dante sa isang Health Center.. Maraming tao ang mga naroon, may mga Bata at matatanda. Lahat masaya, karamihan sa kanila may mga hawak na plastic na may laman na groceries. Yung mga bata naman ay puro mga laruan ang hawak nila. Tas may napansin akong kubo.
"Manong Dante, ano po kaya ang meron dun sa kubo na yun?"-Ako.
"Sandali lang po Ma'am, sisilipin ko po muna"-Manong Dante.






Ilang sandali pa ay bumalik din agad si Manong Dante. Buti pa si Manong Dante bumabalik din agad.

"Ma'am andun po si Sir Wu Chun, nagbibigay po siya ng mga relief goods"-Manong Dante.
"Talaga po?. Sige po Manong Dante, punta tayo dun"-Ako.






Excited ako na pumasok dun sa kubo pero mas excited akong makita yung Babe ko noh. At tama nga si Manong Dante namimigay nga siya ng mga relief goods, at naroon din pala si Molly. Siya siguro yung sumagot nung tawag ko kanina..

"Sir Chun!"-Sigaw ni Manong Dante. Kaya naman napatigil ang lahat at napatingin sa direksyon namin. Nakakunot ang noo ni Wu Chun my loves ng lumapit siya sa amin, at hinila ako palabas ng kubo at dinala sa may bandang likod na walang katao tao. Saka lang niya ako binitawan nung makarating na kami.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba sabi ko sayo dun ka lang sa mansion?"-Wu Chun.
"Eh gusto kasi kitang makita kaya nagpunta ako rito. Saka tinatawagan kita pero hindi ka naman sumasagot sa mga tawag ko. Nag alala tuloy ako, baka may masamang nangyari sayo. Baka may nangyari nang masama sa iyo."-Naiiyak kong sabi sa kanya.

Lumambot naman yung mukha niya.
"Saka sabi mo kasi babalik ka kaagad. Pero hindi mo naman ginawa yun, kaya nag alala talaga ako ng sobra"-Umiiyak na talaga ako niyan.
"Okay im sorry if pinag alala kita. Sorry na"-Niyakap niya ako.
Gumanti din ako ng yakap sa kanya.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon