Nagising ako sa lakas ng sigaw ni Terra. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya pero tinulak niya ako. Nakahawak siya sa kanyang ulo at ramdam ko ang sakit na iniinda niya. Gusto kong maibsan ang nararamdaman niyang sakit subalit wala akong magawa.
"Anong nangyari?" Tanong ni Mama pagkadating niya
"Bigla nalang akong nagising sa lakas ng sigaw niya. Teka po, kukunin ko ang gamot niya." Sagot ko at agad na kinuha ang gamot sa drawer. Ibinigay ko ang gamot kay terra subalit tinabig niya ito. Umiiyak na siya sa sobrang sakit. Umalis siya sa kanyang kama at iniuntog ang ulo sa pader.
"Ang sakit-sakit..hindi ko na kaya..." sabi niya habang patuloy na inuuntog ang ulo sa pader. Lumapit ako sa kanya at hinarangan ang pader. Niyakap ko siya ng mahigpit hanggang sa hindi na siya makawala hanggang sa naging maayos na ang pakiramdam niya.
Binuhat ko siya at inihigang muli sa kanyang kama. Kumuha si Mama ng gamot at ibinigay kay Terra. Mabuti nalang at ininom na niya ito.
Tinawagan ko ang doctor at pinapunta sa bahay. At ilang sandal lang ay nakarating na ang doctor ni Terra. Agad niya itong chineck.
"Kerk, masyadong nahihirapan ang utak ni Terra na alalahanin ang present memories niya, naiipit ang ugat sa utak niya patungo sa present memories niya kaya ito ay naiiritate kaya humantong sa pagkasakit ng ulo. Kapag nangyari ulit ito, painumin niyo agad ng gamot." Sabi ni dr. chinel
"Opo, doc. Salamat."
"Sige, mauna na ako at may pasyente pang naghihintay sakin. Tawagan mo nalang ako." Sabi ng doctor at si mama na ang naghatid sa kanya palabas ng bahay.
Umupo ako sa tabi niya at mahimbing na siyang natutulog.
"Ang mahalaga sakin..maging maayos kana. Wag mo ng alalahanin ang memories natin para hindi kana mahirapan. Terra..." sabi ko habang hinahaplos-haplos ang buhok niya.
Napatingin ako sa biglang pagbukas ng pinto at ang inilabas nito ay si Junn. Napakunot agad ang nook o.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at ngumiti naman siya habang cool lang na nakalagay ang kamay sa bulsa ng pants niya
"Kakamustahin kung ano ng lagay ni Terra. Hindi mo naman siguro ako pipigilan diba?" sagot niya.
"So, pwedeng lumabas kana muna?" dagdag pa niya
"Hindi ba dapat si Nancy ang kinakamusta mo at hindi si Terra? Siya dapat ang kinakamusta mo sa kung anong nararamdaman niya sa mga ginagawa mo." Sagot ko at tumayo na
"At paalala ko lang sa'yo. Hindi mo na siya maaaring kausapin pa." dagdag ko
"well, okay. Kung 'yan ang gusto mo pero..oras na mawala ulit siya sa'yo. Hindi ko na siya ibabalik sa'yo. Akin na ulit siya. So, just keep your eyes on her kung ayaw mong mapunta ulit siya sakin." Sagot ni Junn atsaka lumabas nan g kwarto ni Terra.
Akala mo kung sino talaga ang lalaking 'yun. Pakayabang. At akala naman niya papayag akong mapa sa kanyang muli si Terra. Hindi pwede. Gagawin ko ang lahat para hindi siya mapunta sa hayop na 'yun.
Hinayaan ko nalang na magpahinga si Terra. Lumabas na rin ako ng kwarto at naghanda ng kakainin namin. At sa gitna ng pagluluto ko..biglang nag ring ang telepono. Nagpunas ako ng kamay atsaka sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Kuya, galit na talaga si papa. Umuwi kana daw. Pag hindi ka daw umuwi siya na mismo pupunta jan."
"Sesshi..ikaw na muna magpaliwanag kana mama please?"
"Kuya..natatakot ako."
"Bakit? May nangyari ba?"
"Kasi kuya..pinagbantaan tayo ng statutory gang. Kapag hindi daw natin ibinigay ang gusto nila, pababagsakin nila tayo. Kaya kuya..ako na ang nagmamakaawa sa'yo. Umuwi kana. Si papa na heart attack kanina dahil sa pagdating ng leader ng nagbabanta sa atin."
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
"Pupunta na ako diyan."
"Arigato, kuya."
*call ended
Napahawak ako sa aking ulo at hindi sinasadyang naibagsak ang telepono.
"Kerk? Anong nangyayari sa'yo?"
"Ma, kailangan ko ng bumalik sa Japan."
"S-sige. Kung 'yan ang gusto mo anak."
"Babalik po ako. Maari po bang ikaw na muna ang mag-alaga kay Terra?"
"oo naman." Sagot ni Mama habang tumatango
"Ipangako mong babalik ka ha?" dagdag ni Mama at tumango ako.
Agad akong nag-impake ng mga gamit ko.
"Saan ka pupunta?" Napatingin ako kay Terra na kagigising lang. Napakagat labi ako at napapunas sa aking ulo.
"uhm..A-alis muna ako pansamantala." Sagot ko at lumapit sa kanya
"Terra..wag kang aalis ng bahay hah? Wag kang makikipag-usap sa hindi mo kilala. Kay mama ka lang sumunod. Okay?" hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya sa noo.
"Mag-iingat ka, Terra. Mahal na mahal kita."
Napahawak muli ako sa aking noo. Pinunasan ko ang kakaunting luha na tumulo sa aking mata. Kinuha ko na ang aking bag at isinakbit. At bago umalis ay kinausap kong muli si Mama.
"Ma, ayokong makausap niya si Junn. Maipapangako mo po ba 'yun sakin? Huwag mong papupuntahin si Junn dito ano man ang mangyari."
"Pangako, kerk. Mag-ingat ka. Bumalik ka kaagad." Sagot ni mama at hinatid na ako papalabas ng bahay.
Hindi ko siguradong mangyayari nga ang kagustuhan ko. Dahil sa oras ng pag-alis kong ito..alam ko at nararamdaman kong si Junn ang hahanapin niya. Huminga muli ako ng malalim. Basta. BAbalik ako. Para sa kanya.
-----------
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
Roman d'amourSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover