TAGONG DAMDAMIN

28 0 0
                                    

Tagong Damdamin

            by: lovimiamarie

Mahirap maarok ang damdaming nakatago para bang isang milyang dipa ang layo

Sa bawat kataga na bibigkasin kung kaharap ka'y parang bula na biglang maglalaho

Sa mga tingin ko na nangungusap, sana ay sambitin ang damdaming nais ipagtagpo

Hirap mang aminin sa ngayon ang nilalaman ng puso, pilit nagsusumigaw kahit malayo


Ang mga ngiting walang kasing tamis na rumerehistro sa aking maaliwalas na  mukha

Tanging sa malapantasyang panaginip lamang maaaring matamo ang ginhawa

Ang bawat halik na inaasam asam ng  labi kong walang sawang naghihintay

Tanging dampi lang ng malamig na simoy ng hangin ang patuloy na nalalasap



Hanggang kailan ko maitatago ang bugso ng damdaming para sa iyo lamang ?

Hanggang kailan mo ipagkakait ang inaasam asam ng pusong nagngungulila ?

Damdamin ko para sa iyo ay busilak kasing puti ng malalambot na ulap

Natatanging ikaw lamang ang nilalaman ng pusong  laging ikaw lang ang hanap !







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MUNDO NG AKING TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon