I'll Be There

2.7K 123 38
                                    

Best friends forever...

But there's no permanent thing in this world and everything will change...

So forever doesn't exist...

And when changes comes everything will starts to complicate...

I had a guy best friend. His name is Joo Han Lee. He's really a good looking guy, charming, caring and most of all very down to earth. Even he is an ultimate campus crush during our high school days, never pa siyang nagka girlfriend. Even until now, there are a lot of flirty girls trying to catch his attention.

"Joo. Why all these years 'di ka pa nagka girlfriend? Baka naman lalake din ang type mo. Alam mo, pwede mo namang sabihin sa akin. I can keep a secret naman and what are friends for?" Natatawa kong tanong sa kanya. No'ng minsan ko siyang napagtripan.

"Uie hindi ah! Ang sama mo namang mag-isip. 'Tong mukhang 'to?" Medyo asar niyang sinabi habang pino-point 'yong mukha niya. "Masyado naman sigurong sayang para maging katulad ng iniisip mo." Dagdag niya.

Hindi ko mapigilan na 'wag matawa  sa naging reaksyon niya. I find it cute. I knew him better and 100.1% akong sure na straight pa siya sa ruler. I teasingly laughed at him. "You're too defensive Joo. Gino-good time lang kita." I said wearing a huge smile. "Pero 'yong seryoso, wala ka pa ba talagang nagugustuhan?" I asked.

He stared at me. "Meron." Tipid niyang sagot saka tumingala sa langit ng ilang saglit saka muling tumingin sa akin. "Pero tingin ko malabo na magustuhan niya ako." Medyo malungkot niyang sinabi habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.

Napatawa naman ako sa sinabi niya. "Seriously? Ang isang Joo Han Lee, na pinapantasya ng karamihan ay malabong magustuhan ng babaeng gusto niya." Nakangiti kong sinabi para i-boast 'yong confidence niya.

"You know what?  Napakaswerte ko for having you, as my best friend. Kaya okay lang kung hindi niya ako magustuhan." Nakangiti niyang sinabi with matching sparks on his eyes.  "Tsk! Ginawa mo pa akong palusot. Oo na hindi na kita kukulitin." Nakangiti kong sinabi.

"I'm not yet ready to make things complicate, Steph. Saka ayaw mo 'non palagi mo akong kasa-kasama. I'm sure 'pag nagka-girlfriend ako o nagka-boyfriend ka, hindi na kita madalas na makakasama. Katulad ng ginagawa natin ngayon." Seryoso niyang sinabi that made me realized na masyado na kaming attached sa isa't-isa. Though tama naman ang sinabi niya pero hindi naman namin pwedeng pigilan ang ikot at takbo ng panahon.

I sighed and say, "kung sabagay dadating at dadating din ang time na 'yan." Pakiramdam ko kasi ngayon pa lang nasasaktan na ako and I don't think na kakayanin ko kapag dumating ang time na 'yon.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Kaya 'wag mo akong madaliin na magka-girlfriend dahil alam ko na hindi ka pa handa na mawalan ako ng oras sayo. Gano'n din naman ako. So why would we bother those things na hindi pa natin kayang harapin. Mas mabuting i-enjoy na lang natin, kung anong meron tayo ngayon. And always remember na kahit na anong mangyari, I'm always here for you." Seryoso niyang sinabi saka ginulo 'yong buhok ko.

Napangiti ako sa mga sinabi niya. I know he valued so much our friendship. I felt so grateful for having him as my best friend, dahil alam kong meron akong matatakbuhan at masasandalan sa oras ng kagipitan at kalungkutan.

To be honest, since we first met I had a crush on him already pero hindi naman 'yon naging big deal sa akin. Naniniwala akong normal lang ang mga gano'ng feelings. Crush ko pa rin naman siya hanggang ngayon.

He had been a very good best friend to me. He makes me laugh and smile even if I'm in a bad mood. He's been always there for me to comfort in times of loneliness and difficulties. Most of all he made me believe that he would always be there by my side to protect me in times of trouble. Gano'n din naman ako sa kanya. Gano'n katatag ang friendship namin at napakalaki ng respeto namin sa isa't-isa as BEST FRIENDS.

I'll Be ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon