GENES for HIRE
by...emzalbino
Chapter 15...Nakatulugan ni Elizabeth ang pagluha nito na lingid sa kaalaman ng lahat. Pilit na inaalam ng kanyang pamilya ang dahilan ng lungkot sa kanyang mukha ngunit hindi kumibo ang bata upang ipaalam sa kanila.
"Napansin niyo ba ang hitsura ng apo ko kanina?" untag ni Don Edmundo habang magsalo ang tatlo sa may sala at nanununod ng tv.
"Yes daddy, but I asked her pero hindi siya kumibo" malungkot na sagot ni Czarinna.
"Kanina pa sa school ng sinundo ko siya ay ganyan na siya na hindi na kumikibo" wika naman ni Donya Zenaida.
"Baka inaway na naman ng mga kaklase niya kaya malungkot na namang umwi ang apo ko?" turan ni Don Edmundo.
"Siguro nga daddy" sang ayon ni Czarinna saka tumayo ito at tinungo ang kwarto ng anak. Sinilip niya ito at tulog na tulog na ang bata.
Lumapit si Czarinna sa kama ni Elizabeth at doon niya nakita ang photo album sa tabi ng anak na natutulog.
"Bakit kaya niya nilabas ang album na ito?" tanong ni Czarinna sa sarili saka binuklat buklat ang mga larawan at napangiti ng makita niyang muli ang mga larawan ni Elizabeth mula pa noong baby siya hanggang sa lumalaki na ito........"Alam ko na nahihiwagaan ka sa lahat ng mga nangyayari anak but Soon ay maiintindihan mo rin kung bakit nangyari ang ganito sa atin. Hindi ko man sinasadya na maapektuhan ka ng ganito pero I know someday ay magiging lubusang maligaya kana" ani Czarinna dahil naniniwala siya na magkikita rin ang mag ama niya at kung sakaling mangyari nga iyon ay hinding hindi na niya ililihim pa ito dahil napag isip isip niya na karapatan din ng kanyang anak na makilala ang tunay niyang ama ngunit ang problema lang niya ngayon ay kung saan niya mahahanap si Elly para matigil na ang paghihirap ni Elizabeth.
Marahang hinaplos haplos ni Czarinna ang buhok ng kanyang anak saka nito hinagkan ang pisngi ng bata........"Your my everything anak, pinakamamahal kita" pabulong na sabi ni Czarinna sa kayhimbing na anak at saka dahan dahang lumabas ng kwarto ng bata.
.........
Samantala....
Gabi na ay hindi parin nakatulog si Elly dahil pinag aaralan nito ang blue print na kanyang ginagawa. Alas dyes y media na noon ng gabi at ang kanyang mga kasambahay ay nasa kasarapan na ng tulog at tanging siya nalang ang gising.
Maya maya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya kinuha niya ito. Napakunot ang kanyang ulo ng isang unknown caller ang tumatawag kaya sinagot niya ito dahil baka importanteng tawag iyon.
"Hello good evening, sino po sila?" magalang na tanong ni Elly sa hindi kilalang caller.
"Good evening too, Engineer Nicolas!" sagot ni Don Ibañez.
"Napatawag po kayo Don Ibañez? Ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong ni Elly sa Don na nakausap niya kamakailan lang.
"Pasensiya kana kung very late na akong tumawag kasi ngayon ko lang nakuha iyong reports mula sa aking attorney." saad ng Don......"Kung maaari sana ay pwede bang pumunta ka bukas sa opisina ko para mapag usapan na natin ang tungkol sa pagpapatayo ng Ibañez Villa Resort, kasi gusto kong kaharap natin ang aking anak para malaman niya ang buong detalye dahil tini train ko kasi siya sa pagpapalakad ng kompanya kaya mas mabuting malaman niya ang lahat ukol dito" pahayag pa ng Don.
"Sure po Don Ibañez, anong oras po ang meeting natin?"
"Mga alas onse ng umaga" sagot naman ni Don Edmundo kay Elly.
"Okay po Don Ibañez, I'll be there tomorrow on time" paniniguro ni Elly.
"Maraming Salamat Engineer Nicolas, see you tomorrow" anang Don at nagpaalam na ito at si Elly naman ay muli nitong pinag ukulan ng atensiyon ang kanyang ginagawa.