Chapter 1 (If we hold on)

11 1 2
                                    

: Hindi ko alam kung pano ko sisimulan tong story kong to. Basta ang alam ko lang gusto ko mag sulat. Gusto ko ishare ung mga pinagdaan ko sainyo. Alam kong madami sainyo ang makaka relate. :(

I'm Nics, isa ko sa mga babaeng chubby at maliit. Medyo mahaba ang buhok. Maputi. Di naman kagandahan, sakto lang. 19 lang ako pero madami ng napagdaang dilubyo sa buhay, lalo na sa Love. Tga Laguna ako. Pero I was born in Makati City. Dito sa Laguna? Dito ko nakatagpo ng mga lalaking di ko inaakalang makakasira ng pagkatao ko... Pero, dito ko din naman natagpuan ang tunay na kaibigan na iaasam ng lahat. Si ate Jhen, siya ung taong palaging andyan para sakin. Walang araw na lumipas na hindi kami magkasama o naguusap. Sobrang bait niya. As in. Wala na akong masabi pang iba. :') Eto na ung storya ng buhay ko, sana subaybayan niyo. ;)

Nics POV :

Nasa kwarto ko ako.. Biglang kumatok ung mommy ko, "Nak, pwede ba tayong magusap saglit?" Biglaang sabi niya. "Ahh.. Sige ma, pasok ka dto. Bakit po? Ano po un?" Nangangatal kong tanong, ang lungkot ng mukha niya. Hindi ko maintindihan kung bakit nangingilid na luha sa mata niya. "Ano kasi nak, sa Laguna na muna kayo ni Luigi titira. Dun kila tita mo. :'(" Sinabi niya un ng napapaluha. Nag aaral kasi si mommy dito sa Cavite ng Caregiver at di muna siya makakasama samin sa pag lipat sa Laguna. Dahil nga nag aaral pa siya. Si Luigi naman, ung bunso kong kapatid. 4 yrs old na siya at nag aaral nadin. "Ibebenta na kasi natin tong bahay. Lilipat na tayo dun sa Laguna. Para narin magkakasama tayong pamilya. :'(" Napaikot ung mata ko sa buong kwarto ko. At bigla nalang akong napaluha. "Ha? Bakit po? Ano pong totoong dahilan? :'(" Di na niya sinagot ung tanong ko. "Basta, maiintindihan mo din anak ha?" Sabay halik sa noo ko at lumabas na ng kwarto. :'(

Haaay, napahinga ako ng malalim at umiyak nalang ng umiyak. Feeling ko, panibagong yugto nanaman ng buhay ko ang magbubukas. Ayoko pang isara tong buhay na meron kami ngayon para lang sa panibagong buhay na papasukin namin. :'(

Bakasyon ngayon, kakatapos lang din ng Birthday ko nung sinabi sakin ni mommy ung balita na lilipat na nga kami. Actually bukas na ung araw ng pag alis namin ng kapatid ko dito sa bahay na to. Mamimiss ko ung kwarto ko ng sobra. Ung kama kong princess bed type. Ang dami dami na naming pinagsamahan. Pero kailangan tanggapin eh. :( nakakalungkot man isipin. Woooh!

Nag iimpake ako ng mga damit ng biglang tumakbo sakin ung kapatid kong bunso na si Luigi, "Te, alis na tyo dto? :(" ang cute niya, tabachingching tapos naka pout pa ung nguso niya. Pati siya nalulungkot din. :( "Oo eh, pero di ka naman pababayaan ni ate. Habang wala si mommy dun. Promise yan baby ha? Wag ka na sad. Love love mo na si ate." Love love, meaning nun hug. Pagkakayakap niya sakin, tumulo nanaman ung luha ko, naisip ko kasi na parang ang laking responsibilidad ung maiiwan sakin bilang Ate. Pero, kaya!

Kinaumagahan...

Eto na ung araw na ayoko pang dumating. Ung araw na kailangan ko ng maging Ate na literal. Hindi ko alam kung anong buhay ang mararanasan namin ng kapatid ko dun sa Laguna pero sa tingin ko kaya ko naman kung ano man un. Malakas si mommy, kaya dapat malakas din ako. :( nailagay na ni mommy lahat ng maleta namin ng kapatid ko dun sa compartment ng kotse. At tuluyan na nga kaming umalis ng Cavite. Habang nag ddrive si mommy, di ko maiwasang titigan siya, ilang bwan pa kasi bago namin ulit siya makasama. Magiging busy din kasi siya. Kasi malapit nadin ung graduation nila sa Caregiver. Ngayon lang kasi kami mahihiwalay sa mommy namin eh. :(

Ilang oras din ang byahe papuntang Laguna. 2hrs din ata. Andito na kami ngayon sa bahay ng tita ko. At aalis nadin agad si mommy. Bago siya umalis ng tuluyan kinausap niya muna ako, "Nak, saglit lang naman tong ganto. Magkakasama din tayo ulit. Ilang bwan lang nak. Ha? Wag na wag mo pababayaan si Luigi ha? Lagi lang kayong magmahalang magkapatid. Mahal na mahal kayo ni mommy. Bibisitahin ko kayo dto pag may time na di ako busy sa school. Sige na nak, aalis na si mommy. Ingat ka palagi ha? Mag aral ka mabuti. :'(" niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Ung yakap na ayokong matapos. :'( pero kailangan.. Umalis siya ng may umiiyak. Sigurado naman akong ayaw niya din naman kaming iwan dto sa tita ko.

Months and months and months and months and many more months had passed....

May sarili na kaming bahay dto sa Laguna at kasama na din namin si mommy ulit. Mga ilang bwan nadin kami dito sa bahay namin. Nag aaral ako sa isang magandang school dito sa Laguna. Sa Saint Michael's College of Laguna. 2nd year HS ako ngayon. 14 yrs young palang ako.

Si kuya Vince naman, siya ung panganay kong kapatid, sa San Pablo Laguna siya nakatira, dun sa daddy namin. Hiwalay kasi parents namin kaya pati kami hiwalay ding magkapatid. Umuwi siya dto ngayon samin, at nagkaron siya ng mga barkada agad. Kasama nya maglaro ng basketball. At may isa dun na naging matalik niyang kaibigan. Itago nalang natin sa pangalang Klein. At dito nagsisimula ang not so great lovestory ko...

Kuya Vince POV :

Kaibigan ko si dto sa subdivision namin si Klein. Magka age kami pero mas ahead ako ng ilang bwan sakanya. Matangkad siya sakin. Pero mas gwapo ako. ;) laking gwapo ko sakanya! Hahaha. ;) naglalaro kami ngayon ng badminton sa tapat ng bahay nila. Halos magkalapit bahay lang kasi kami, tatlong bahay lang ang pagitan. Biglang dumaan ung utol ko. Maganda kasi to. Pansinin kasi maputi. Mahilig mag short at tshirt na maluwag. Simple lang siya. Pero madalas kong pagsabihan yun na wag palaging nag sshort at skirt na merong short sa loob. Mapapaaway kasi ako eh. Syempre utol ko un. "Pre, sino un? Lumabas sa bahay niyo eh. Gandaaa. O_O" sabi ko na nga ba't mapapansin nanaman si utol eh. Di ako nagkamali diba? "Oyy, magtigil ka nga. Utol ko yan! :))" Nakatawa kong pagkakasagot sa tanong ni Klein. "Pre, pwede ko banv mahingi number ng utol mo? Sige na pre. Hindi ko naman lolokohin un eh. Tsaka tropa naman tau dba? Sige na pre." Dahil sa mapilit siya, eh nilapitan ko ung utol ko na kakadaan lang ulit pauwi samin. Nag pa load lang ata sya. Ganun lang kasi un eh. Lalabas pag bibili o mag papaload. Nasa bahay lang kasi palagi un. Laging tulog sa kwarto. Wala namang bago dun. Kasi mga bata palang naman kami ganun na sya. Antukin.

"Mae, akin na nga number mo. Wala akong number sayo eh." Mae kasi ang tawag namin sakanya ng pamilya.

To be continued..

: ibibigay ko ba kaya ung number ko guys? Comment comment pag may time. Haha. :) masyadong madrama nuh? Pero exciting yan mga bebs. Kaya subaybayan niyo lang. ;)

Does Pain Really Ends?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon