♪Just a friend
That's all I've ever been to you
Oh just a girl ♬
Who wants to be the center of your world
But I ain't got much to offer
But my heart and soul ♪
And I guess that's not enough
For you to notice me
♪I'm just a girl
And I guess that's all I'll ever be to you
To you
I try to smile when I see other girls with you ♬
Acting like everything is ok
But ohh
You don't know how it feels to be so in love
With someone who doesn't even know
My secret love ♪
Napahinto ako sa pag-gitara at pag-kanta dahil naalala ko na naman siya. Malungkot akong ngumiti.
"Cyrus." Banggit ko sa pangalan niya.
Ang taong minahal ko kahit alam kong hindi siya mapapasa'akin.
Naalala ko pa noong una kaming nagkakilala, nasa isang mataas na puno ako at kumakanta nang bigla niya akong tawagin at sabihing "Ang ganda ng boses mo, gusto mo bang sumali sa banda namin?"
Nang masilayan ko ang kanyang maamong mga mata ay hindi na ako nagdalawang isip pa at pumayag sa inaalok niya. Simula din ng araw na iyon ay naging mag-kaibigan kami. Lagi na kaming magkasama hindi lang dahil sa banda kundi dahil pumapasok kami sa iisang eskwelahan.
Lagi rin siyang pumupunta sa bahay para lamang tumambay. Madalas kaming magpaligsahan sa pag-kanta. Pero lagi ko siyang natatalo dahil magaling ako. Hindi ako nagmamayabang ha? Sinasabi ko lang ang totoo.
At alam niyo ba kung ano ang pinaka-masaya at pinaka-the best na nangyari sa buhay ko? 'Yun ay noong nag-outing kami ng mga ka-banda ko.
Pumunta kami sa Baguio, 1week kami doon at sobrang nag-enjoy ako. Marami kaming pinuntahan doon, marami rin kaming mga kalokohang ginawa haha. At ang pinakamasayang part doon ay magkatabi kaming natutulog ni Cyrus.
Hindi ko napigilang ngumiti nang maalala iyon, pag kasi mahimbing ng natutulog si Cyrus ay pasimple ko siyang niyayakap at hinahalikan sa pisngi. Ang landi lang 'di ba?
Siya na yata ang pinaka-mabuting taong nakilala ko. Masaya ako pag kasama ko siya, siya lang ang taong pinapahalagahan ako ng sobra. Itinuring niya ako ng higit pa sa isang kaibigan, dahil doon ay nahulog ang loob ko sa kanya. Hindi naman maiiwasan iyon hindi ba?
Minahal ko siya, pero hindi niya iyon alam. Kahit naman kasi sabihin ko sa kanya ay hinding-hindi magiging kami. Dahil iyon sa katotohanang- haaay. Kuntento narin naman ako kahit papaano sa aming sitwasyon noon. Kahit na magkaibigan lang kami.
Pero nagbago ang lahat simula nang makilala niya si Charmaine, ang babaeng nagpatibok sa puso niya. Dahil sa babaeng iyon ay madalang na lamang kaming magkita ni Cyrus, dahil sa kanya hindi ko na nakakasama ang taong mahal ko.
Minsan ko nang pinaringgan si Cyrus ng sabay kaming kumain kasama ang mga ka-banda namin. Sinabi ko na nakakatampo siya dahil wala ng siyang panahon para sa banda. Ngumiti lamang siya at humingi ng patawad. Nangako pa siya sa banda na babawi siya sa susunod ngunit hindi iyon natupad. Ng dahil sa babaeng iyon ay nagawa ni Cyrus na hindi tumupad sa pangako nito sa unang pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Never Be Mine
Short Story"It hurts so much to see you with someone else, but it hurts more when I realized that you can never be mine."